Ano Ang Contrast Sensitivity Testing?

Ginagawa ang contrast sensitivity testing upang sukatin ang kakayahan ng iyong mga mata na makita ang mas pinong detalye ng mga bagay na maliwanag laban sa kadiliman, o kung ano ang tinatawag nating contrast. Hindi ito bahagi ng isang regular na pagsusuri sa mata para sa visual acuity na ginagamit lamang upang sukatin ang kalinawan ng paningin gamit ang maliliit na titik sa isang tsart ng mata o Snellen’s chart.

Ang isa sa pinakamahalagang sukatan ng visual funciton ay ang contrast sensitivity. Ito ay pinaka-naaangkop sa pagmamaneho. Makakatulong ang contrast sensitivity na matukoy kung gaano mo kakayaning makakita nang malinaw sa mga sitwasyon mahamog, nakakasilaw, madilim, at sa mga lugar na may low contrast.

Ang pagmamaneho sa gabi ay isang mabuting halimbawa ng isang gawain na nangangailangan ng mahusay na contrast sensitivity para sa kaligtasan. Sa kabila ng pagkakaroon ng isang perpektong paningin o 20/20 visual acuity, maaari ka pa ring magkaroon ng ibang mga kondisyon sa mata na maaaring pigilan ka na makakita ng maayos. Maaari ka pa ring magkaroon ng mahinang contrast sensitivity kahit na may 20/20 na paningin.

What is Contrast Sensitivity Testing

Mga Sintomas Ng Mahinang Contrast Sensitivity

Ang maagang senyales na humihina na ang iyong contrast sensitivity ay ang paghirap sa pagmamaneho sa gabi. Maaaring hindi mo na malinaw nakikita ang mga naglalakad sa gilid ng napakaliwanag o napakadalim na lansangan sa gabi o ang iyong mga mata ay maaaring mas mabilis mapagod kaysa dati habang nanonood o nagbabasa.

Bahagyang nakakakita ng mga hakbang sa gilid, kurbada, o hagdan dahil sa humihinang contrast sensitivity ay maaaring magdulot ng mga panganib o pagkahulog. Ang hindi mahusay na contrast sensitivity ay maaaring isang palatandaan ng isang mas mapanganib na kalagayan sa mata o karamdaman tulad ng glaucoma, diabetic retinopathy, o cataract.

Ang ilang mga tao ay maaari ring makaranas ng mahinang contrast sensitivity pagkatapos sumailalim sa LASIK, PRK, at iba pang mga repraktibong operasyon. Mayroong ilang mga patotoo ng pagkakaroon ng hindi magandang paningin sa gabi sa kabila ng kakayahang makita ang 20/20 pagkatapos ng kanilang operasyon na LASIK. Ito ay maaaring isang epekto sa pag-opera na nagbabago ng contrast sensitivity ng mga mata.

Sa kabaligtaran, mayroon ding mga tao na nagsabi na ang kanilang contrast sensitivity at paningin sa gabi ay mas luminaw pagkatapos sumailalim sa LASIK kumpara noong nagsusuot lamang sila ng salamin sa mata o mga contact lens. Ang mga taong sumailalim sa operasyon sa cataract ay mas masaya rin sa kanilang contrast sensitivity pagkatapos ng operasyon.

Gaya ng imahe sa itaas, ang isang tao na may normal na visual acuity ngunit mahina ang contrast sensitivity ay maaaring makita ang mga tao na umaakyat nang malinaw (high contrast), ngunit may problemang makita ang mga balangkas ng mga bundok laban sa kalangitan sa likuran (low contrast).

Anong Mga Kagagamitan Ang Kailangan Para Sa Contrast Sensitivity Testing?

Dahil hindi ito bahagi ng regular na pagsusuri sa mata, ang contrast sensitivity testing ay ginagawa lamang para sa isang partikular na reklamong biswal o kung pinaghihinalaan ka ng doktor na nagkakaproblema sa pagtukoy ng mga bagay na mayroong low contrast.

Ang Pelli Robson contrast sensitivity chart ay ang pinakakaraniwang na ginagamit na aparato upang suriin ang contrast sensitivity. Sinusuri nito ang iyong kakayahang makilala ang mga titik na unti-unting humahalo sa puting background habang binabasa mo ang tsart.

Katulad ng Snellen’s chart, ang Pelli Robson contrast sensitivity chart ay naglalaman ng mga malalaking titik na nakaayos nang pahalang sa tsart ngunit ang mga titik ay hindi nababawasan ng sukat. Ang mga titik ay nagbabawas ng kulay laban sa puting background sa bawat pagbaba ng linya.

Ang isa pang aparato na ginagamit upang matukoy ang contrast sensitivity ay ang mga sine-wave gratings.. Ito ay isang mas sopistikadong tsart na naglalaman ng malabo na ilaw at madilim na mga parallel bar. Ang mga bar na ito ay maaaring magkakaiba ng lapad (spatial frequency) at contrast upang suriin kung gaano kasensitibo ang iyong mga mata sa pagkakaiba.

Ang sine-wave grating tests ay may maliwanag na ilaw na nakatuon sa iyong mga mata upang gayahin ang mga “glare situations” tulad ng paparating na mga headlight habang nagmamaneho sa gabi.

What is Contrast Sensitivity Testing

Paano Isinasagawa Ang Contrast Sensitivity Testing?

Kung pinayuhan ka ng iyong doktor na sumailalim sa contrast sensitivity test, malamang na ibibigay ito pagkatapos ng isang karaniwang pagsusuri sa visual acuity bago pa mapalawak ang iyong mga pupil sa mata. Karaniwang ginagawa ang contrast sensitivity test habang suot mo ang iyong mga reseta na baso o contact lens.

Para sa pagtukoy ng posibleng sakit sa mata, ang contrast sensitivity test ay karaniwang ginagawa sa isang mata nang paisa-isa. Ngunit, para sa iba pang mga kadahilanan tulad ng sports vision testing o pagsusuri ng paningin pagkatapos ng contact lens fitting, LASIK, o operasyon sa cataract, ang contrast sensitivity ay maaaring gawin sa parehong mga mata nang sabay.

Paano Sinusukat Ang Contrast Sensitivity Function (CSF)?

Kahalintulad ng pagsusuri ng pandinig na gumagamit ng mga tones at vibrations, ang CSF ay sinusukat sa pamamagitan ng mga maninipis at makakapal na mga bar sa sine-wave grating upang kumatawan sa mataas at mababang mga spatial frequency. Ang mga resulta ay siyang ipa-plot sa isang curve na kumakatawan sa pinakamababang antas ng contrast na kaya mong makita para sa bawat spatial frequency test.

Kadalasan, ang mga bagay na may high spatial frequency (sine-wave gratings na may manipis na mga bar) ay dapat na kapansin-pansin na mas mataas ang contrast kaysa sa mas mababang spatial frequency na mga bagay (sine-wave gratings na may mas makapal na mga bar) na makikilala ng visual system ng isang indibidwal.

What is Contrast Sensitivity Testing

Ano ang Magagawa Mo Kung Mayroon Kang Mahinang Contrast Sensitivity?

Ang mga resulta ng contrast sensitivity ay gagamitin ng iyong doktor para makita ang mga higher-order aberrations o iba pang mga kondisyon sa paningin na maaaring gamutin sa pamamagitan ng espesyal na eyewear o operasyon sa mata.

Ang Mga Specially Tinted Eyeglasses Ay Maaaring Makatulong Na Mapabuti Ang Contrast

Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang specially tinted eyeglasses upang makatulong sa iyong mga problema sa contrast. Maraming mga tao ang nagpatotoo na mas madali silang makakita sa low-light areas kapag nagsusuot ng mga anti-reflective coated eyeglasses, kumpara sa mga normal na salamin sa mata.

Ang salamin sa mata na may pasadyang mga wavefront lenses ay maaari ring mapabuti ang paningin kahit papaano sa gabi at contrast sensitivity. Mayroon ding ilang mga kaso kung saan ang pasadya o wavefront na LASIK ay nakatutulong sa mga higher-order aberrations at mas pinahusay na contrast sensitivity.

Para sa mga taong naghahanap ng mga intraocular lens, mayroon ding mga premium na pagpipilian para sa mga IOL na idinisenyo gamit ang teknolohiyang wavefront upang mabawasan ang mga mas higher-order aberrations at pagbutihin ang contrast sensitivity, lalo na pagkatapos ng operasyon sa cataract.

Related Posts

Paano Gamutin ang Psoriasis sa Paligid ng Mata

Ang psoriasis ay isang inflammatory na sakit sa balat na maaaring makaapekto sa anumang bahagi...

Ano ang mga Tuldok na Nakikita Ko Kapag Tumingala Ako sa Langit?

Maaari kang makakita ng maliliit na tuldok ng gumagalaw na liwanag kung titingin ka sa...
can false eyelashes cause eye infections

Maaari Bang Magdulot ng Mga Impeksyon sa Mata ang Hindi Tunay na Pilikmata?

Parehong pormal at kaswal na pampaganda ay nakikinabang sa pagdaragdag ng mga pekeng pilikmata. Higit...