Ano Ang Dacryocystitis

Ang dacryocystitis ay ang terminong medikal na ginagamit para sa pamamaga ng lacrimal sac. Ang lubrication o pampadulas ay nagmumula sa luha na ginawa ng mga lacrimal glands.

Ang nasolacrimal duct obstruction (NLDO) ang pangunahing sanhi ng dacryocystitis. Mayroong dalawang mga kategorya na nahahati sa duration at onset. 

Ang duration ay maaaring maging chronic o acute. Ito ay tumutukoy sa tagal ng mga sintomas na mayroon ang isang indibidwal. Ang acute ay may time frame na mas mababa sa tatlong buwan. Ang systemic antibiotic therapy ay ang interbensyon na ibinibigay para sa acute dacryocystitis. Ang chronic ay nagpapatuloy sa mahabang panahon na nangangailangan na ng surgical therapy para sa sanhi nito. Ang ganitong uri ng dacryocystitis ay may mas kaunting mga inflammatory signs. 

Ang onset ay maaaring maging mula sa kapanganakan o acquired. Ang pag-alam sa sanhi ng NLDO ay makakatulong na matukoy ang pinakaepektibong paggamot. Ang congenital o mula kapanganakan na uri ng dacryocystitis ay sanhi ng obstruction sa Hasner valve.

Ang acquired na uri ng dacryocystitis ay sanhi ng pagtanda, mga systemic disorder tulad ng sarcoidosis, trauma, operasyon, neoplasms, at mga gamot kasama ang timolol, pilocarpine, idoxuridine, at trifluridine.

Ilang araw pagkatapos ng kapanganakan, ang amniotic fluid ay dapat na alisin mula sa nasolacrimal system. Kung hindi ito aalisin, ito ay magiging purulent at maaaring humantong sa neonatal dacryocystitis.

Karamihan sa mga kaso ng dacryocystitis ay congential o nangyayari pagkatapos ng kapanganakan at acute. Ang acquired na uri naman ay karaniwang nangyayari sa mga matatanda na lampas sa edad na 40 taong gulang.

ano ang dacryocystitis

Mga Risk Factors Ng Dacryocystitis

Mayroong iba’t ibang mga risk factors para sa dacryocystitis ngunit karaniwan itong nauugnay sa obstruction ng nasolacrimal duct. Ito ang mga sumusunod na risk factors:

  • Ang mga babae ay may mas makitid na duct diameter kaysa sa mga lalaki na nangangahulugang nasa mas malaking peligro ang mga ito dahil sa anatomical na kadahilan
  • Ang mga may edad na tao dahil mayroon silang mas makitid na punctal opening at mas mabagal na drainage ng luha.
  • Mga debris sa nasolacrimal system
  • Mga deviation sa septum ng ilong
  • Trauma mula sa endoscopic o endonasal procedures na nagiging sanhi ng pinsala sa nasolacrimal system
  • Neoplasm sa nasolacrimal system
  • Ang mga systemic disease kabilang ang Wegener’s granulomatosis at Systemic Lupus Erythematosus (SLE)

ano ang dacryocystitis

Mga Palatandaan At Sintomas Ng Dacryocystitis

Ang mga sintomas ay naiiba para sa acute at chronic na dacryocystitis. Ang mga sintomas ay maaaring magpakita sa loob ng maraming oras hanggang ilang araw sa mga kaso ng matinding dacryocystitis. Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng pananakit, pamumula na umaabot sa bridge ng ilong, at edema sa medial canthus. Maaari ring magkaroon ng purulent na discharge sa puncta. 

Ang sobrang pagluluha at discharge ng mata ang pinakakaraniwang sintomas ng talamak na dacryocystitis. Maaari kang makaranas ng mga pagbabago sa visual acuity dahil sa produksyon ng tear film.

Maaaring magkaroon ng mga malalang komplikasyon, ngunit ang prognosis ng dacryocystitis ay positibo at mabuti.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...