Ano Ang Eye Herpes?

Ang eye herpes o ocular herpes ay isang viral na impeksyon sa mata na sanhi ng type 1 herpes simplex virus (HSV-1) na nagdudulot din ng cold sores o singaw sa paligid ng bibig at labi.

Kadalasan, nakakaapekto ang herpes sa kornea ng mata (herpes keratitis). Ang eye herpes ay nakakaapekto rin sa superficial cells ng kornea (epithelial herpes keratitis) at pangunahing parte ng kornea (stromal herpes keratitis). Ang stromal herpes keratitis ay sanhi ng corneal scarring o pagpepeklat ng kornea. Sa ibang mga kaso, ang HSV-1 ay maaaring maging sanhi ng pamamaga ng retina sa likod ng mata (herpes retinitis) o pamamaga ng iris at tisyu sa loob ng harapan ng mata (herpes-related iritis).

Ocular Herpes

Ang type 1 herpes simplex virus (HSV-1) ay karaniwang nakakahawa sa bibig tulad ng paghalik, pagbabahagi ng pagkain, kutsara’t tinidor, at mga sipilyo ng ngipin.

Sinabi ng National Institutes of Health (NIH) na halos kalahati ng populasyon ng US sa kanilang 20s ay nahawaan na ng HSV-1. Ang World Health Organization (WHO) ay may pagtatantya ng 3.7 bilyong tao sa buong mundo sa ilalim ng 50 taong gulang (67%) ay mayroong impeksyon sa HSV-1.

Karaniwang hindi nagdudulot ng mga sintomas ang impeksyon sa HSV-1, ngunit ang ilan ay nakakaranas ng masasakit na cold sores o singaw sa paligid ng bibig sa loob ng isang linggo o higit pa. Kapag ang virus ay naging hindi aktibo o dormant sa ilalim ng balat, ang mga sintomas ay dahan-dahang nawawala.

Ang muling pagsasaaktibo ng HSV-1 ay maaaring mangyari, kahit na ito ay nanatiling hindi aktibo sa loob ng maraming taon, at nagiging sanhi ng cold sores o impeksyon sa mata kapag na-trigger ng mga sumusunod na stressor:

  • Trauma
  • Mga pangunahing operasyon
  • Labis na pagkakalantad sa sikat ng araw
  • Pagkabalisa
  • Lagnat

Mayroon ding isang mas mataas na peligro ng HSV-1 reactivation mula sa pagkakaroon ng isang mahinang immune system na maaring humantong sa ocular herpes outbreak. Ang mga taong sumasailalim sa chemotherapy ay may mas mataas na peligro ng muling pagsasaaktibo ng virus dahil sa kanilang mahinang immune system.

ano ang eye herpes

Mga Sintomas

Karaniwang nakakaapekto lamang sa isang mata ang ocular herpes ngunit maaaring makaapekto sa pareho sa ibang mga kaso. Ang mga katangian ng herpes sa mata ay:

  • Pagluluha
  • Mga paulit-ulit na impeksyon sa mata
  • Malabong paningin
  • Pamumula ng mata
  • Pananakit ng mata
  • Pamamaga sa paligid ng mata
  • Pangangati
  • Pakiramdam na mayroong bagay na nasa loob ng mata
  • Pagkasensitibo sa ilaw
  • Mayroong matubig na likidong nilalabas ang mata

Ang herpes sa mata ay maaari ring maging sanhi ng ulser ng kornea at permanenteng pagkawala ng paningin mula sa pagpeklat ng kornea kapag hindi nagamot agad.

ano ang eye herpes

Paggamot

Batay sa National Eye Institute, ang mga doktor ng mata ay nagrereseta ng mga anti-viral na gamot upang makontrol ang virus at maiwasan ang pinsala sa kornea. Ang mga gamot sa mata ay maaaring maging eye drops, mga pamahid, o iniinom na mga tableta. Ang mga ito ay ginagamit batay sa kalubhaan at lokasyon ng impeksyon.

Ang ilang mga antiviral na gamot para sa ocular herpes ay kinabibilangan ng:

  • Vidarabine ointment (Vira-A)
  • Trifluridine eye drops (Viroptic)
  • Ganciclovir ophthalmic gel (Zirgan)
  • Acyclovir oral medication (Zovirax)

Ang paggamot ng iyong herpes sa mata ay dapat na maingat na iniaalinsunod sa tagubilin ng iyong doktor sa mata kung saan mahigpit na sinusunod ang mga inireseta. Ang mga paggagamot na ito ay maaaring hindi ganap na mapatay ang virus, ngunit mapipigilan nito ang pinsala sa mata, pagkawala ng paningin, at kontrolin ang mga posibleng mas malalang sintomas ng virus.

Ang cornea transplant surgery (keratoplasty) ay maaaring ayusin ang ilang porsyento o ang iyong buong paningin mula sa pagpeklat ng kornea at pagkawala ng paningin sanhi ng ocular herpes.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...