Ano Ang Eyelid Dermatitis

Kung laging nakakaramdam ng pangangati, irritation, o pamamaga sa iyong mga takipmata o eyelids, maaaring dahil ito sa eyelid dermatitis. Ang atopic (allergy) contact dermatitis at irritant contact dermatitis ay ang dalawang uri ng isang napaka-karaniwang kondisyon na tinatawag na eyelid dermatitis.

Mga Sintomas

Ang mga sintomas ay maaaring chronic o biglaan at maaaring mangyari sa isa o parehong mata. Ang mga sintomas ay maaaring kinabibilangan ng:

  • pamamaga
  • pulang pantal o scaly na balat
  • pangangati
  • irritation
  • pagkahapdi
  • makapal o kulubot na balat

Mga Sanhi

Ang balat sa mga takipmata ay manipis at naglalaman ng libu-libong mga daluyan ng dugo at kaunting taba. Ang komposisyon nito ay ginagawang madali para sa takipmata na magkaroon ng allergic reaction at pangangati.

Para sa mga taong may atopic contact dermatitis, ang mga sintomas ay maaaring sanhi ng isang allergy. Ang irritant contact dermatitis ay nangyayari kapag ang lugar sa paligid ng mga takipmata ay naexpose sa isang irritant tulad ng makeup o eye cream. Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng dalawang uri ay natutukoy sa reaksyon ng immune system.

ano ang eyelid dermatitis

Pagsusuri

Kung hindi mo matukoy kung ano ang sanhi ng kundisyon, ang pagbisita sa isang dermatologist o isang allergist ay lubos na makakatulong. Upang matuklasan ang mga potensyal na triggers, susuriin ng iyong doktor ang iyong mga sintomas, anumang nakaraang mga reaksyon na may kinalaman sa allergy, at magsasagawa ng ilang mga pagsubok tulad ng:

Patch test. Karaniwang ginagawa sa braso o likod kung saan inilalagay ang 25-30 potensyal na allergens sa balat na natatakpan ng isang hypoallergenic patch at isinusuot ng dalawang araw upang suriin ang anumang allergic reaction.

Intradermal allergy test. Karaniwang isinasagawa sa ilalim ng 30 minuto kung saan ang mga potensyal na allergen ay ini-inject sa ilalim ng balat upang suriin ang mga allergic reaction. 

Skin prick (scratch) test. Ang iba’t ibang mga allergen extracts ay dahan-dahang ipinapasok sa ilalim ng balat gamit ang isang lancet kasama ang histamine upang mapatunayan ang kawastuhan ng pagsubok. Ang histamine ay dapat nagdudulot ng allergic reaction sa lahat ng tao, at kung hindi ito magdulot ng allergic reaction saiyo, ituturing ang test na invalid. Ginagamit din ang glycerin o saline na hindi dapat maging sanhi ng mga allergic reaction. Kung maging sanhi man ito ng allergic reaction sa iyo, ang iyong doktor ay maaring idiagnose na mayroon kang sensitibong balat at hindi allergy.

ano ang eyelid dermatitis

Paggamot

Ang pagtigil sa paggamit ng anumang triggers o allergens ang pinakamahusay na linya ng depensa. Kung ang nag-titrigger ay pagkain, kinakailangang alisin ito mula sa iyong diyeta. Maaari ka ring resetahan ng isang panandaliang topical o oral corticosteroid upang mabawasan ang pamamaga at pangangati

Siguraduhing maiwasan ang mga produkto na may mga sangkap na maaaring allergic ka tulad ng:

  • parabens
  • fragrance
  • lanolin
  • pormaldehayd

Palaging panatilihing malinis ang mga takipmata. Iwasan ang madalas na paghawak, pagpahid, o pagkamot sa mga mata. Iwasang gumamit ng mga produkto sa mata kahit pa sila ay hypoallergenic hanggang sa ganap na matanggal ang mga sintomas.

Ang mga home remedy topical applications na maari mong subukan ay ang mga:

  • pipino
  • isang malamig na panyo na inilublob sa tubig o gatas
  • aloe vera gel

Ang pagpapanatili ng isang journal ng mga allergy episodes ay makakatulong sa iyo na matukoy ang mga posibleng triggers. Isulat ang lahat ng mga produkto at sangkap na sa palagay mo ay nauugnay sa iyong allergy. Gayundin, tandaan ang mga bagay sa iyong tahanan na maaring nagtatransmit ng mga irritants mula sa iyong kamay papunta sa takipmata gaya na lamang ng mga panlinis. 

 

Related Posts

Paano Mo Nakikita ang mga Kulay sa Isang Pagsusuri ng Color Blindness?

Kung sa tingin mo ay may kakulangan ka sa paningin ng kulay o kilala rin...
young girl sinking into sidewalk

Bata na Babaeng Lumulubog sa Bangketa (Optical Illusion)

Paminsan-minsan, may mga larawan na kinukunan na sobrang nakalilito na halos magdulot ito ng pagkamangha...

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...