Karaniwan, ang loob ng iyong takipmata ay dapat na napaka-kinis. Gayunpaman, kung mayroon kang giant papillary conjunctivitis (GPC), ang loob ng iyong takipmata ay namumula, namamaga, at irritated.
Ang giant papillary conjunctivitis (GPC) ay mas malamang na makaapekto sa mga taong nagsusuot ng mga contact lens, lalo na ang mga soft lens. Ang giant papillary conjunctivitis ay maaaring umatake sa anumang sandali, kahit na matagal ka nang nagsusuot ng mga contact lens.
Ang giant papillary conjunctivitis (GPC) ay maaari ring makuha ng mga taong hindi nagsusuot ng mga contact lens. Gayunpaman, ito ay isang hindi pangkaraniwang pangyayari na madalas na nakakaapekto sa mga taong mayroong isang artipisyal na mata o mga tahi sa mata. Ang mga malalaking umbok ay nangyayari sa ilalim ng takipmata sa sakit na giant papillary conjunctivitis.
Mga Sanhi Ng Giant Pupillary Conjunctivitis
Ang mga sumusunod ay maaring sanhi ng GPC:
- Ang pagiging sensitibo sa mga contact lens o mga kemikal sa paglilinis na ginagamit upang magdisimpekta sa kanila. Ang GPC ay mas karaniwan sa mga gumagamit ng contact lens na may hika, hay fever, o iba pang mga allergy.
- Pagkamot ng mata habang may suot na contact lens, artipisyal na mata, o walang takip na mga tahi
- Protina o iba pang mga materyal na deposito sa mga contact lens
- Chronic allergy sa mata
Mga Sintomas Ng Giant Pupillary Conjunctivitis
Ang loob ng iyong takipmata ay nagiging magaspang, pula, at namamaga sa una. Sa paglaon, maaari kang magkaroon ng mga umbok na kilala bilang papillae, na maaaring lumaki na parang tigyawat.
Ang ilang mga palatandaan at sintomas ng GPC ay kinabibilangan ng:
- Ang pagkakaroon ng pakiramdam na may isang bagay na nakakadikit sa iyong mata
- Makati, pula, at masakit na mga mata
- Droopy o namamagang mga takipamata
- Labis na mucus sa mata na nagdudulot ng malabong paningin
Kapag pumikit ka, parang ang iyong contact lens ay gumagapang sa iyong eyeball.
Paggamot Para Sa Giant Pupillary Conjunctivitis
Dapat gamutin kaagad ang GPC. Kung hindi mo ito gagamutin kaagad, maaari itong seryosong makapinsala sa iyong mga eyelids at cornea. Ang kornea ay ang transparent na lente sa harap ng mata. Hindi mo makikita nang madali kung naapektuhan na nang tuluyan ang iyong kornea.
Nagagamot ang GPC sa iba’t ibang paraan:
- Sa loob ng ilang linggo, dapat mong iwasan ang pagsusuot ng mga contact lens. Pinapayagan nito ang sapat na oras para sa loob ng iyong mata na ganap na gumaling.
- Limitahan kung gaano karaming oras ang igugugol mo sa pagsusuot ng mga contact lens bawat araw.
- Bawasan ang gasgas at pamamaga sa iyong mata gamit ang mga pampatak sa mata o pamahid na inireseta ng iyong optalmolohista.
- Palitan ang mga contact lens na iyong suot.
- Dapat iwasan ang mga contact lens solution na naglalaman ng preservative, sa halip ay gumamit ng mga unrefined salt solutions.
Batay sa kalubhaan ng iyong kondisyon at sintomas, tatalakayin ng iyong optalmolohista ang mga pagpipilian na paggamot sa iyo.