Ano Ang Higher-Order Aberrations

Maaari kang magtaka kung ano nga ba ang ibig sabihin ng higher-order aberrations at paano nito naaapektuhan ang iyong mga mata. Ang coma, trefoil, at spherical aberration ay ilan sa mga hindi pamilyar na pangalan ng mga higher-order aberrations. Maaari itong maging sanhi ng ilang mga komplikasyon tulad ng paglabo o pagdoble ng paningin. Karaniwan, ang mga mata ay may natural na mababang antas ng aberrations na siyang humahadlang sa pagkakaroon ng perpektong mga mata.

Ang mga higher-order aberrations ay naiiba at mas kumplikado kaysa sa simpleng astigmatism, nearsightedness, at farsightedness. Ang mga aberrations na ito ay hindi maitatama sa pamamagitan lamang ng pagsusuot ng regular na salamin sa mata o mga contact lens.

Maliban kung maging sanhi ito ng mga komplikasyon sa paningin, hindi mo dapat alalahanin ang pagkakaroon ng higher-order aberrations.

Higher-Order Aberrations

Paano Ito Nasusuri?

Natutukoy ito sa pamamagitan ng uri ng mga distortions na nakukuha sa wavefront ng ilaw na pumapasok sa mata. Ang mata ay maaaring makakuha ng three-dimensional ngunit distorted na mga hugis sa paningin. Sa kasalukuyan, mayroong 60 na magkakaibang higher-order aberrations ang kilala.

Ang dalawang karaniwang ginagamit na paglalarawan ng mga refractive errors sa mga mata ay:

Lower-order aberrations
Higher-order aberrations

Ang pagiging kumplikado ng mga hugis ng wavefront ay ang siyang nagbibigay ng order ng refractive errors. Mas kumplikado, mas mataas ang order.

Epekto Ng Higher-Order Aberrations Sa Kalidad Ng Paningin

Ang iba’t-ibang mga kadahilanan kagaya ng sanhi ng higher-order aberrations ay maaaring makaapekto sa paningin.

Maaaring makaranas ng mga sintomas ng problema sa paningin sa madidilim na paligid. Maaari rin itong maranasan ng mga taong nagkaroon ng higher-order aberrations dahil sa cataract o pilat sa cornea. Ang kalidad ng paningin ay pinapababa ng mga higher-order aberrations.

Higher-Order Aberrations

Mga Nauugnay Na Sintomas Sa Higher-Order Aberrations

Mahirap matukoy ang tiyak na higher-order aberrations na mayroon ang isang tao gamit ang iilang sintomas lamang. Ang mga ito ay nauugnay sa maraming mga sintomas na maaaring sanhi rin ng ibang mga kondisyon sa mata. Kadalasan, ang mga higher-order aberrations ay nauugnay sa mahinang night vision, pagkawala ng contrast, pagkalabo, at pagdodoble ng paningin (diplopia).

Mayroon Bang Paggamot Para Sa Higher-Order Aberrations?

Maraming uri ng mga adaptive optics ang kasalukuyang pinag-aaralan upang magamot ang mga higher-order aberrations. Kasama sa mga optics na ito ang mga intraocular lens, repraktibong operasyon, at mga contact lens. Ang layunin ng pagkakaroon ng mga adaptive optics ay ang maitama ang paningin at tumugma sa hugis ng wavefront sa plane ng pupil.

Sa kabila ng makabagong teknolohiya, ang mga adaptive optics ay maaring hindi parin eksaktong maitama ang higher-order aberrations o deformity sa mata na siyang sanhi ng distortions sa paningin.

Related Posts

3 Mga Tanda ng Mata ng may Bipolar Disorder Mania

Madaling makilala ang depresyon, kahit na ang uri na iniuugnay natin sa lumulubog na mga...
elephant optical illusion

Ilang Paa ang Nakikita Mo? Naging Palaisipan sa Internet ang Matalinong Elephant Optical Illusion na Ito

Isang simpleng sketch ng isang matalinong elephant optical illusion ang na-upload online ng isang user...

Tumutubo ba ang mga pilikmata kung hindi mo sinasadya na natanggal ang mga ito?

Araw-araw, karaniwang nawawala ang ilang hibla ng buhok natin na babalik pagkatapos ng ilang sandali....