Ano ang Itinuturing na “Legally Blind”?

Ang “legally blind” ayon sa batas ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kapansanan sa paningin na kung saan ang mga salamin sa mata o contact lens ay hindi na kayang iwasto ang iyong paningin. Upang maituring na legally blind, ang isang indibidwal ay dapat magkaroon ng 20/200 visual acuity o mas malala pa kahit na may soot na mga salamin sa mata o mga contact lens.

Ang legal blindness ay maaaring makaapekto sa iyong kakayahang makakuha ng lisensya sa pagmamaneho o makatanggap ng mga benepisyo mula sa gobyerno bilang isang taong may kapansanan.

Legally Blind

Pagsukat Sa Visual Field

Ang ilang mga tao ay may kakayaanng basahin ang maliliit na titik sa Snellen’s chart ngunit hindi makita ang taong nakatayo sa tabi nila. Ang mga indibidwal na ito ay maaring ituring na mga legally blind dahil sa pagkitid ng kanilang peripheral vision o ang paningin sa gilid ng mga mata. Ang isang malawak na visual field ay mahalaga para sa mga aktibidad tulad ng pagtawid sa kalye o pagmamaneho ng kotse.

Sinusukat ng mga visual field tests ang lawak ng paningin ng isang tao at nasusuri nito ang mga blind spots o ang karaniwang pagkitid ng peripheral vision. Ang peripheral vision ay mayroong 2 parameters: lateral (gilid sa gilid) at vertical (pataas at pababa). Ang pinakamainam na lateral field of view ay 180 degrees. Nangangahulugan ito na ang mga malalayong bagay ay malinaw na nakikita mula sa kanan o kaliwang bahagi ng isang indibidwal.

Ang average na vertical field ay mas makitid at kadalasang nasa 135 degrees lamang. Ikaw ay maaring ituring na legally blind kung ang iyong peripheral vision ay 20 degrees o mas mababa. Ito ay isang kundisyon na tinatawag na tunnel vision.

Legally Blind

Mga Dahilan Ng Legal Blindness

Ang mga injury at ibang mga kundisyon ay maaaring maging sanhi ng legal blindness o kapansanan sa paningin. Ang 4 na nangungunang mga sanhi ng legal blindness sa Estados Unidos lamang ay cataract, diabetic retinopathy, glaucoma, at macular degeneration na nauugnay sa edad.

Ang neuropathy, optic neuritis, congenital cataract, infantile glaucoma, at retinopathy of prematurity ay maaari ring maging sanhi ng legal blindness. Ang keratoconus, isang kondisyon ng pagnipis ng kornea, ay maaaring humantong sa matinding pagkawala ng paningin at maaaring magdulot ng legal blindness.

Mga Resources Para Sa Mga Taong Legally Blind

Mayroong iba’t ibang mga tulong at mga espesyal na serbisyo upang magabayan ang mga legally blind. Ang mga benepisyo mula sa Social Security Administration at mga pagbawas sa buwis ay ibinibigay sa mga legally blind.

Ang mga espesyalista sa low-vision ang pinakamahusay na makakatulong sa mga legally blind sa pamamagitan ng makabagong vision aids para sa mahusay na paningin. Ang mga magnifier, teleskopyo, at iba pang mga digital na aparato ay makakatulong sa mga legally blind na malubos ang natitirang paningin na mayroon sila.

Ang mga aparatong ito ay mabisa sa pagtulong sa isang taong legally blind na makayanang mamuhay nang magisa at makasali sa mga aktibidad gaya ng mga normal na tao. Ang mga guide dogs na may kasanayang propesyonal ay malaki rin ang tulong para sa mga taong legally blind.

Related Posts

High Cholesterol and Its Effect on Vision

Mataas na Cholesterol at ang Epekto Nito sa Paningin

Alam mo ba kung gaano kataas ang cholesterol mo? Marami sa atin ang marahil hindi...
Sepsis and Vision Loss

Sepsis at Pagkawala ng Paningin

Karamihan sa mga tao ay nagkakasakit paminsan-minsan, tulad ng trangkaso o impeksyon sa sinus. Sa...
Why Do I Have Colored Rings Around The Iris?

Bakit Ako May Makulay na Mga Singsing sa Paligid ng Iris?

Maaaring may mga pagkakataon na tumingin ka sa salamin at napansin mong hindi magkapareho ang...