Marahil ang karamihan sa mga tao ay narinig na ang salitang “legally blind” at hindi alam kung ano ang kahulugan nito. Ipinagpalagay ng maraming tao na ang legal na pagkabulag ay isang kondisyong medikal. Sa katotohanan, ang legal blindness ay isang pamantayan ng gobyerno para sa isang indibidwal na may kapansanan sa pagsasagawa ng mga aktibidad tulad ng pagmamaneho. Kung ikaw ay legally blind, kwalipikado ka para sa mga benepisyo ng isang taong may kapansanan.
Ang US Social Security Administration ay binigyang kahulugan ang legal blindness bilang paningin na hindi tataas sa 20/200 o mas mababa sa 20 degrees na visual field. Ang 20/200 ay 10 beses na mas malabo kaysa sa normal na 20/20 paningin. Ang mga taong may paningin na 20/20 ay maaaring magbasa mula sa 200 talampakan ang layo habang ang mga taong may 20/200 na paningin ay kailangang tumayo ng 20 talampakan ang lapit upang makabasa.
Kung mayroon kang tunnel vision, kwalipikado ka rin maituring na legally blind ayon sa batas dahil ang iyong visual field ay 20 degrees o mas mababa. Kapag ang isang taong may normal na visual field ay nakatingin nang diretso, maaari niyang makita ang mga bagay mula sa kaliwa at kanang bahagi nang hindi ginagalaw ang kaniyang mga mata. Nangangahulugan ito na nakikita niya ang buong 180 degrees. Kwalipikado ka rin maging legally blind kung hindi ka nakakakita ng tamang lawak sa iyong paningin. Ang mga pamantayan ay dapat matugunan nang walang salamin o contact lens.
Paghahambing Ng Legal Blindness
Mahalagang malaman mo na ang legal blindness ay hindi katulad ng total blindness o pagkakaroon ng low vision. Ang total blindness ay nangangahulugang hindi ka nakakakita ng anumang hugis o ilaw sa parehong mga mata. Ang low vision naman ay ang pagkakaroon ng low vision ngunit hindi kasing lala ng mga legally blind para makagambala sa pang-araw-araw na mga gawain. Ang pamantayan para sa low vision ay ang pagkakaroon ng visual acuity na 20/70 o mas malabo pa, kahit na may mga salamin na pangwasto.
Ang ilang mga tao ay legally blind na mula pa pagkasilang ngunit ang karamihan ay sanhi ng mga sakit sa mata tulad ng age-related macular degeneration, diabetic retinopathy, cataract, at glaucoma. Ang karamihan ng mga taong legally blind ay nasa 40 taong gulang pataas.
Pag-angkop Sa Buhay Bilang Legally Blind
Kung ikaw ay legally blind, hindi nangangahulugang matatapos na ang iyong buhay. Maaaring may mga pagkakataong nalulungkot ka o nakakaramdam ng kabiguan dahil sa iyong sitwasyon. Ang bokasyonal na pagsasanay, mga benepisyo para sa may mga kapansanan, low vision tools, at tax exemption na mga programa ng gobyerno ay ilan lamang sa iyong mga makukuhang tulong sa pagiging legally blind.
Maari kang sumali sa mga samahan tulad ng mga foundation para sa mga legally blind para sa mga benepisyo at tulong medikal. Ang mga serbisyo at pagsasanay na inihahandong nila ay makakatulong sa pag-angkop sa iyong sitwasyon sa pangaraw-araw.