Ang nevus ay isang normal na may kulay na growth sa ibabaw o sa loob ng iyong mata. Kilala rin ito bilang isang freckle sa mata at mukhang isang nunal sa iyong balat. Ang isang nevus (plural: nevi) ay maaaring lumitaw sa harap ng iyong mata, sa paligid ng iris, o sa ilalim ng retina sa likurang bahagi ng mata.
Ano Ang Sanhi Ni Nevi?
Ang melanocytes ay ang mga cell na bumubuo sa isang nevus. Ang melanin, ang pigment na nagbibigay sa ating buhok, balat, at mga mata ng kanilang kulay, ay ginagawa ng mga cell na ito. Ang mga melanocytes ay karaniwang pantay na ipinamamahagi sa tisyu ng katawan. Gayunpaman, ang mga cell na ito ay maaaring madalas na magkumpolkumpol na siyang makakabuo ng nevi.
Ang mga tao ay maaaring ipinanganak na may nevi sa kanilang mga mata na hindi nakakapinsala. Ang isang pigment spot na lumilitaw sa pagtanda ay karaniwang hindi nakakasama, bagaman mayroon itong mas mataas na tsansa na maging cancer.
Ang isang optalmolohista ay dapat na regular na subaybayan ang isang nevus sa mata dahil, tulad ng isang nunal sa balat, maaari itong maging cancer sa mata. Maaaring may koneksyon sa pagitan ng ultraviolet (UV) light expose at pagkakaroon ng nevi. Palaging isang magandang ideya na magsuot ng mga sunglasses na pumoprotekta sa iyong mga mata mula sa mga sinag ng UV.
Nevus Sa Labas Ng Mata
Ang mga sumusunod na anyo ng nevus o eye freckle ay matatagpuan sa labas ng mata:
Iris freckles. Ang mga iris freckle ay maliliit na dark brown na flecks sa may kulay na bahagi ng ibabaw ng mata (iris). Ang mga ito ay sanhi ng isang akumulasyon ng melanin pigment, katulad ng mga pekas ng balat, karaniwan silang hindi cancerous at hindi nagiging melanoma.
Conjunctival nevus. Ang isang pekas o mala-nunal na patch sa transparent film (conjunctiva) na pumapalibot sa eyeball ay kilala bilang isang conjunctival nevus. Ito ay isang laganap na anyo ng nevus, at maaaring magkakaiba ang kulay mula dilaw hanggang kayumanggi o brown at maaaring maglighten o magdarken sa paglipas ng panahon, kadalasan, hindi ito cancerous. Gayunpaman, susubaybayan ito ng optalmolohista sa paglipas ng panahon, at kung lumaki, susuriin ito upang makita kung ito ay magiging isang melanoma, isang uri ng cancer.
Iris nevi. Ang iris nevi, tulad ng iris freckles, ay mga dark spots sa may kulay na bahagi ng mata o iris. Ang mga ito ay mas malaki kaysa sa iris freckles at umaabot hanggang stroma na bahagi ng iris. Lumalaki ang iris nevi sa paglipas ng panahon. Ang mga nevi na ito, tulad ng mga iris freckles, ay kadalasang hindi nakakasama (hindi cancerous), bagaman, dapat pa rin silang subaybayan nang regular.
Ang iris freckles at nevi ay parehong maaaring makita ng mata, ngunit ang isang optalmolohista ay maaaring mangailangan ng isang pagsusuri sa mata upang magpasya kung aling uri ang mayroon ka.
Choroidal Nevus Na Bumubuo Sa Loob ng Mata
Ang isang choroidal nevus ay matatagpuan sa choroid, na isang layer ng tisyu sa ilalim ng retina. Ang isang pagsubok lamang sa mata ang magbubunyag ng isang choroidal nevus. Ang kulay ng isang choroidal nevus ay maaaring berde, dilaw, kayumanggi, o kombinasyon ng mga kulay na ito. Kung ito ay nakaalsa, kulay kahel o orange, o ito ay may nilalabas na likido, susuriin ito ng optalmolohista, dahil ipinapahiwatig nito na maaari itong maging isang maliit na choroidal melanoma.