Ano ang Ocular Sarcoidosis?

Ang sarcoidosis ay isang chronic inflammatory condition na nagreresulta sa pagbuo ng mga granulomas, na siyang maliit na mga kumpol ng mga cell. Ang mga granulomas ay lumalaki sa mga tisyu at organs ng katawan. Ang granulomas ay maaaring magpalala ng pamamaga at maging sanhi ng pagkasira ng tisyu.

Ayon sa Cleveland Clinic, ang sarcoidosis ay maaaring makaapekto sa mga mata sa hanggang sa 60% ng mga tao. Ang mga mananaliksik ay hindi sigurado kung bakit ang ilang mga pasyente ng sarcoidosis ay nakakaranas ng mga ocular na sintomas at ang iba ay hindi.

ano ang ocular sarcoidosis

Mga Sintomas Ng Ocular Sarcoidosis

Depende sa aling bahagi ng mata ang may apektado, maaaring lumitaw ang iba’t ibang mga sintomas at mga problema sa paningin, kabilang ang mga sumusunod:

Uveitis: Ang uvea, gitnang layer ng tisyu sa dingding ng mata, ay namamaga sa uveitis. Ang iris, choroid, at ciliary body ay matatagpuan lahat dito.

Mga pagbabago sa takipmata: Ang mga pagbabago sa takipmata, tulad ng pagkapal ng balat, ay maaaring maging tanda ng ocular sarcoidosis. Ang granulomas ay maaari ding maging sanhi ng pamamaga ng conjunctiva, na siyang membrane na tumatakip sa mata.

Pamamaga ng daluyan ng dugo: Ang iba pang mga seksyon ng mata, tulad ng mga daluyan ng dugo at ugat na pumapaligid dito, pati na rin ang mga glandula na gumagawa ng luha, ay maaari ring mamaga.

ano ang ocular sarcoidosis

Ang mga palatandaan at sintomas ng ocular sarcoidosis ay maaaring lumitaw nang hindi inaasahan o unti-unti. Maaari silang malutas sa loob ng ilang buwan sa ilang mga kaso, ngunit ang mga sintomas na ocular ay maaaring tumagal nang mas matagal sa iba. Kabilang sa mga palatandaan at sintomas ay:

  • Malabong paningin
  • Photophobia (pagiging sensitibo sa mga maliliwanag na ilaw)
  • Pananakit ng mata
  • Pamumula
  • Mga Floater (mga linya sa paningin o mga itim na spot)
  • Makati at tuyong mata
  • Mahapding mata
  • Pagkawala ng gitnang paningin.

ano ang ocular sarcoidosis

Paggamot Para Sa Ocular Sarcoidosis

Ang mga paggamot para sa ocular sarcoidosis ay nag-iiba ayon sa kalubhaan ng pamamaga at sintomas. Maaaring gamitin ang mga sumusunod na paggamot:

Systemic steroid: Ang mga steroid ay maaaring makatulong upang mabawasan ang pamamaga. Ang mga steroid eye drops ay may mas kaunting mga epekto kaysa sa mga systemic steroid. Ang pagtaas ng timbang, pagkabalisa, at mga problema sa pagtulog ay posible ring mga epekto.

Eye Drops: Ang mga corticosteroid eye drops ay makakatulong na mabawasan ang pamamaga at iba pang mga steroid eye drops ay madalas na ginagamit upang gamutin ang uveitis at pamamaga ng mga glandula ng luha. Ang mga karagdagang uri ng eye drops ay maaaring magamit sa ilang mga sitwasyon tulad ng cycloplegics na nagpapalawak ng pupils ng mata at binabawasan ang mga muscle spasms. Makakatulong ito sa discomfort at pananakit. 

Immunosuppressive medications: Kapag nabigo ang steroid therapy na mabawasan ang pamamaga, maaaring magamit ang mga immune-suppressing na gamot. Ang sarcoidosis ay isang inflammatory na sakit na sanhi ng isang irregular na immune system response. Ang gamot na pumipigil sa irregular immune system response ay nakakatulong na pigilan ang pagbuo ng mga granulomas at paglala ng pamamaga. 

Frequent eye examinations: Dahil sa chronic na pamamaga, ang mga taong may ocular sarcoidosis ay maaaring may mas mataas na peligro para sa iba pang mga kondisyon sa mata kabilang ang mga cataract. Mahalaga ang mga regular na pagsusuri sa mata upang makita ang mga palatandaan ng mga karamdaman sa mata na maaaring ilagay sa panganib ang paningin.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...