Ano Ang Trichiasis?

Ang trichiasis ay isang pangkaraniwang problema sa mga eyelids. Ito ay ang paloob na pagtubo ng mga pilikmata papasok sa mga pupils ng mata. Ang kornea, conjunctiva, at panloob na ibabaw ng mga eyelid ay maaaring magasgas ng mga pilikmata. Ang mata ay naiirritate bilang resulta nito.

Ano Ang Sanhi Nito?

trichiasis

Hindi pa alam ang tiyak na sanhi ng trichiasis. Ang trichiasis ay maaaring makaapekto sa sinuman. Mas mataas ang tiyansa na maranasan ito ng mga matatanda. Ang trichiasis ay maaaring sanhi ng iba’t ibang mga kadahilanan, kabilang ang:
● Trauma o eye injury
● Mga sakit na autoimmune
● Impeksyon sa mga mata
● Pamamaga ng mga takipmata

Ang trichiasis ay may mas mataas na porsiyentong mangyari kung mayroon kang mga sumusunod na kondisyon:

Epiblepharon. Ito ay isang kondisyon mula sa kapanganakan. Ang isang tiklop ay nabubuo sa paligid ng mata dahil sa maluwag na balat. Ang mga pilikmata ay magiging patayo bilang resulta nito. Ito ay pinaka-karaniwan sa mga batang Asyano-Amerikano.
Herpes zoster na sakit sa mata
Trauma sa mata, tulad ng sunburns
Chronic blepharitis. Ito ay isang pangkaraniwan at pangmatagalan na karamdaman. Namamaga ang mga eyelids at nagiging puffy. Ang margin ng talukap ng mata sa base ng eyelashes ay coated ng mga oily particles at bakterya.
Trachoma. Ito ay isang seryosong impeksyon sa mata na karaniwan sa mga umuunlad na bansa.

Mga Sintomas Ng Trichiasis

trichiasis

Ang ilang mga palatandaan at sintomas ay kasama ang:
● pagluluha
● pamumula
pagkasensitibo sa liwanag

Ang pangmatagalang paggasgas ng eyelashes sa kornea ay maaaring magresulta sa isang corneal abrasion o corneal ulser.

Paggamot Para Sa Trichiasis

trichiasis

Nagagamot ang trichiasis sa pamamagitan ng pag-alis ng pilikmata, follicle, o pareho o sa pamamagitan ng pag-reroute ng pagtubo ng pilikmata.

Ilang mga pilikmata lamang ang apektado ng trichiasis sa ilang mga kaso. Ang iyong optalmolohista ay maaaring gumamit ng mga forceps upang makuha ang mga ito. Gayunpaman, posible pa rin na ang mga pilikmata ay tumubo sa maling direksyon sa kalaunan.

Kung mayroon kang maraming mga pilikmata na tumutubo paloob sa iyong mata, ang operasyon ay makakatulong sa iyo upang mapuksa ang mga ito. Maaaring magamit ang radiofrequency o lasers sa ablative operation upang matanggal nang tuluyan ang mga pilikmata at mga follicle ng buhok. Ito ay isang pamamaraang outpatient at kadalasang hindi masakit. Bago ang operasyon, ang optalmolohista ay pamamanhidin ang iyong mata.

Ang mga sumusunod ay iba pang mga opsyon ng operasyon:

Elektrolisis. Permanenteng tinatanggal ang mga buhok sa pamamagitan ng kuryente. Ang electrolysis, kahit na matagumpay, ay matagal at masakit.

Cryosurgery. Sa pamamagitan ng pagyeyelo, ang mga pilikmata at follicle ay tinatanggal. Ang cryosurgery ay ligtas at maaasahan, ngunit maaari itong maging sanhi ng mga komplikasyon.

Ang operasyon upang muling iposisyon ang mga pilikmata ay maaari ring irekomenda ng iyong optalmolohista. Kung ang iyong trichiasis ay sanhi ng epiblepharon, maaaring ito ang pinakamahusay na solusyon.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...