Ang Arcus Senilis Ba Ay Nangangahulugan Ng Mataas Na Cholesterol?

Ang arcus senilis ay isang puti, kulay-abo, o asul na mukhang singsing na pumapalibot sa kornea. Karaniwan itong nakikita sa mga matatanda ngunit maaari ring makaapekto sa mga tao sa anumang edad. Kadalasan, hindi nakakapinsala ang arcus senilis, bagaman minsan ito ay sintomas ng mataas na kolesterol sa mga taong wala pang 45 taong gulang.

Ang arcus senilis ay maaari ding tawaging arcus senilis corneae o arcus juvenilis para sa mga taong wala pang 40 taong gulang. Ang kondisyong ito ay lilitaw bilang isang asul, kulay abo, o puting kalahating bilog, buong bilog, o arko na pumapalibot sa kornea ng mata. Sa kabila ng hitsura nito, ang arcus senilis ay karaniwang hindi mapanganib. Gayunpaman, ang isang pagbisita sa doktor ay maaaring matiyak na walang napapailalim na mga komplikasyon sa kondisyong ito.

Arcus Senilis in the elderly

Mga Sanhi

Ang pangunahing sanhi ng arcus senilis ay pagtanda at karaniwang nakakaapekto ito sa mga taong higit sa 60 taong gulang. Ang kundisyon ito ay nangyayari dahil sa akumulasyon ng mga deposito ng taba mula sa diyeta ng isang tao na nabubuo sa paligid ng kornea.

Cholesterol
Ang cholesterol ay isang uri ng taba na naipon sa dugo. Gayunpaman, hindi ito awtomatikong nangangahulugan na ang isang tao ay may mataas na kolesterol. Sa ating pagtanda, ang mga daluyan ng dugo sa mga mata ay lumalaki at pinapayagan ang mas maraming kolesterol at iba pang mga uri ng taba na bumuo sa mata.

Schnyder Central Crystalline Dystrophy
Kung nangyari ito sa mga taong wala pang 40 taong gulang, mas malamang na sanhi ito ng mataas na kolesterol. Magsasagawa ang doktor ng isang pagsubok upang suriin ang mga antas ng kolesterol na maaaring sanhi ng lifestyle o isang kondisyong genetiko na tinatawag na Schnyder central crystalline dystrophy. Ang kondisyong ito ay nagdudulot ng mga kristal na kolesterol upang matambak sa gitna ng kornea at magdulot ng arcus senilis sa peripheral na bahagi ng kornea na maaaring maging sanhi ng mga komplikasyong cardiovascular.

Arcus Senilis high cholesterol

Diagnosis

Ang kundisyon ito ay mas karaniwan sa mga kalalakihan. Maaari ding posible para sa mga sanggol na maipanganak na may kundisyon, ngunit ito ay napakabihira. Gayunpaman, ang taong mayroong arcus senilis ay kadalasan walang mararamdamang mga sintomas at karaniwang mananatiling hindi naaapektuhan ang paningin.

Ang isang slit lamp ay maaaring gamitin ng doktor upang masuri ang arcus senilis. Ang pagsusuri sa mata ay maaari ring gumamit ng mga espesyal na eye drops upang palawakin (dilate) ang mga pupil at mas mapadali sa doktor na siyasatin ang mga daluyan ng dugo sa likuran ng mata para sa mga posibleng palatandaan ng iba pang mga kundisyon tulad ng atherosclerosis.

Paggamot

Ang kondisyong ito ay hindi nagagamot. Kapag lumitaw ito, bahagya itong magfefade o mawawala. Sa kabutihang palad, hindi ito nakakaapekto sa paningin ng isang tao. Para sa mga layuning pang-aesthetic, ang ilang mga tao ay sumusubok ng crneal tattoing upang takpan ang mala-singsing ng arcus senilis. Gayunpaman, lubos na hindi ito inirerekomenda ng mga doktor.

Kung ang arcus senilis ay tanda ng mataas na kolesterol, maaaring magrekomenda ang doktor ng low saturated diet na mayaman sa prutas, gulay, at fiber. Ang mas madalas na ehersisyo at pagtigil sa paninigarilyo ay inirerekomenda rin ng mga dalubhasa sa medisina sa kabila ng walang katibayan na mawala ang arcus senilis.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...