Mga Sanhi ng Bihirang Sakit sa Mata at Paggamot Sa Mga Ito

Karamihan sa mga tao ay pamilyar sa mga karaniwang problema sa mata tulad ng pink eye, cataract, at glaucoma. Ang mga bihirang sakit sa mata ay kadalasang pinaniniwalaang mga kathang-isip lamang ngunit hindi alam ng maraming tao na mayroong mga aktwal na kondisyong medikal tulad nito.

Madalas na iniisip ng mga tao na ang pagluha nang may dugo ay hindi totoo ngunit ito ay isang tunay na kondisyon at tinatawag itong haemolacria. Maaari itong magmukhang nakakatakot ngunit hindi ito nakakapanakit. Hindi ito kasing sakit ng hitsura nito dahil maaari itong malutas nang mag-isa.

Ipinakita sa isang pag-aaral noong 2015 na ang isang 16-taong-gulang na batang babae ay lumuluha ng dugo sa kanyang isang mata ngunit ayon sa pagsisiyasat, siya ay mayroong Munchausen syndrome at pineke niya ang mga luha nyang may dugo. Ang maling impormasyon ay lumilikha ng maling trauma para sa maraming tao.

Kapag nangyari ang haemolacria, maaaring ito ay isang pahiwatig ng mga kondisyon na nauugnay sa:

  • Ang hemophilia ay tumutukoy sa kundisyon kung saan madali kang duguin at magpasa dahil mayroon kang problema sa pagclot.
  • Ang conjunctival trauma ay maaring magdulot ng pananakit at pagdurugo ng mata dahil sa pinsala sa mga daluyan ng dugo.
  • Ang mga pagbabago sa hormones ay nauugnay sa regla o menopause.

rare eye diseases

Ano Ang Cat Eye Syndrome?

Ito ay isang namamanang karamdaman kung saan mayroon kang labis na genetic material mula sa chromosome 22. Kilala rin ito bilang Schmid-Fraccaro syndrome.

Ang hitsura ng cat eye syndrome ay mga pupils ng mata na may kakaibang hugis at tila mayroong split sa mga iris.

Ang kalubhaan ng mga sintomas ng cat eye syndrome ay siyang nagtatakda ng prognosis ng kondisyon.

Ang isa pang syndrome na nakakaapekto sa mga indibidwal na nakakaranas ng bahagyang pagkawala ng paningin o kumpletong pagkawala ng paningin ay tinatawag na Charles Bonnet syndrome. Karaniwan nakakaranas ng mga hallucinations o mga guni-guni ang isang indibidwal na mayroong sindrome na ito.

Kapag may pagbabago sa iyong paningin, ang utak ay hindi na gagana nang kasing husay noon dahil ang impormasyong nakukuha mula sa mata ay hindi na kasing linaw nang normal na mata.

Mahalagang malaman na ang mga taong may Charles Bonnet syndrome ay walang sakit sa pag-iisip dahil ang mga guni-guni ay bahagi lamang ng kanilang kondisyon.

rare eye diseases

Ano Ang Polycoria?

Ang polycoria ay tumutukoy sa kundisyon kung saan ang iyong mata ay may dalawa o higit pang mga pupil. Mayroon itong dalawang uri na tinatawag na true at false polycoria (pseudopolycoria).

Ang ibig sabihin ng true polycoria ay ang bawat pupil ay maaaring magdilate at magconstrict nang mag-isa. Ang pupilloplasty ay isang operasyon na isinasagawa sa mga pasyenteng mayroong true polycoria.

Ang false (pseudopolycoria) polycoria naman ay nangangahulugang ang pangunahing pupil lamang ang siyang may kakayahan na magdilate at magconstrict mag-isa. Ang pagkakaroon nito ay hindi nakakaapekto sa iyong paningin.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...