Mga Posibleng Depekto Sa Mata Mula Kapanganakan

Ang isang posibleng depekto sa mata mula kapanganakan ng sanggol ay anophthalmia at microphthalmia. Ang mga kundisyong ito ay nabubuo mula sa panahon ng pagbubuntis. Mayroong mga pagkakataon kung saan ang anophthalmia o microphthalmia ay mag-isang nagaganap o maari ring samahan ng iba pang mga depekto bilang bahagi ng isang sindrome.

Ang microphthalmia ay isang depekto sa mata mula kapanganakan na kung saan ang isa o parehong mata ay hindi pa ganap na nalinang at nagreresulta sa maliliit na mata habang ang anophthalmia naman pagkawala ng isa o parehong mata. Ang microphthalmia at anophthalmia ay maaaring magresulta sa pagkabulag o limitadong paningin. Tinantya ng mga mananaliksik na 1 sa bawat 5,200 mga sanggol sa Estados Unidos ay ipinanganak na may anophthalmia o microphthalmia.

Ang sanhi ng mga kondisyong ito ay hindi pa nadidiskubre ngunit ang ilang mga sanggol ay may pagbabago sa kanilang mga genes o chromosome kung kaya’t nangyayari ang anophthalmia o microphthalmia. Ang pag-inom ng mga gamot tulad ng isotretinoin o thalidomide habang nagbubuntis ay maaaring humantong sa mga depekto ng kapanganakan o birth defects kabilang ang anophthalmia at microphthalmia.

Mahalagang malaman ang mga kadahilanan na nag-aambag sa mga birth defects upang malaman ang mga sanhi. Pinondohan ng CDC ang Centers for Birth Defects Research and Prevention na nakikipagtulungan sa malalaking pag-aaral upang maunawaan at malaman ang mga sanhi at panganib na kadahilanan para sa mga depekto ng kapanganakan kabilang ang microphthalmia at anophthalmia. Habang nagpapatuloy ang pag-aaral, mahalagang makipagtulungan sa iyong doktor kung buntis ka upang mapanatiling malusog ang iyong sanggol.

Posible Bang Ma-diagnose Ang Mga Birth Defects Habang Buntis?

baby with eye birth defect

Ang mga depekto ng kapanganakan o birth defects tulad ng anophthalmia at microphthalmia ay maaaring masuri sa panahon ng pagbubuntis o pagkatapos ng kapanganakan. Sa panahon ng pagbubuntis, maaaring matukoy ng mga doktor ang microphthalmia at anophthalmia gamit ang ultrasound, CT scan, o genetic tests. Ang mga depekto ng kapanganakan ay maaari ring matukoy pagkatapos maipanganak ang sanggol sa pamamagitan ng pagsusuri. Isasagawa ang isang pisikal na pagsusuri upang makita ang anumang mga birth defects sa kasalukuyan.

Nagagamot Ba Ang Anophthalmia At Microphthalmia?

child with missing eye

Walang paggamot para sa mga indibidwal na apektado ng anophthalmia o microphthalmia na maaaring lumikha ng bagong mata o ibalik ang paningin. Kailangang dalhin ng mga magulang ang kanilang sanggol sa isang optalmolohista, ocularist, at oculoplastic surgeon. Ang isang ocularist ay makakatulong sa paggawa at pag-angkop ng mga matang prostetik habang ang isang oculoplastic surgeon ay maaaring magsagawa ng operasyon para sa mata at socket nito.

Kung ang mga birth defects ay nakakaapekto lamang sa isang mata, ang optalmolohista ay maaring magmungkahi ng mga paraan upang maprotektahan at mapanatili ang malusog na paningin. Ang iyong anak ay maaaring mangailangan ng operasyon depende sa kalubhaan ng anophthalmia at microphthalmia. Ang pakikipag-usap sa isang pangkat ng mga espesyalista sa mata ay makakatulong sa pagtukoy ng pinakamahusay na plano ayon sa sitwasyon ng sanggol.

Related Posts

3 Mga Tanda ng Mata ng may Bipolar Disorder Mania

Madaling makilala ang depresyon, kahit na ang uri na iniuugnay natin sa lumulubog na mga...
elephant optical illusion

Ilang Paa ang Nakikita Mo? Naging Palaisipan sa Internet ang Matalinong Elephant Optical Illusion na Ito

Isang simpleng sketch ng isang matalinong elephant optical illusion ang na-upload online ng isang user...

Tumutubo ba ang mga pilikmata kung hindi mo sinasadya na natanggal ang mga ito?

Araw-araw, karaniwang nawawala ang ilang hibla ng buhok natin na babalik pagkatapos ng ilang sandali....