Karaniwang napagbabaliktad ang kahulugan ng mga eye floater at flashes dahil malaki ang pagkakahawig nila. Ang entopic phenomena ay tumutukoy sa mga visual effects na nagaganap mula sa mismong loob ng mata. Ang pinakakaraniwang halimbawa ng mga entoptic phenomena ay ang mga eye floater at eye flashes.
Ang mga tao ay may posibilidad na isipin na mayroon silang mga eye floater kahit na mayroon talaga silang eye flashes. Ang tanging susi upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga floaters at flashes ay batay sa kanilang hitsura at mga sanhi:
Hitsura Ng Eye Floaters At Eye Flashes
Madaling makita ang pagkakaiba sa pagitan ng isang eye floater at mga flashes ng mata gamit ang kanilang mga anyo.
Ang mga eye floater ay maaring lumitaw na para bang anino, mga kumpol, hindi regular na linear, at fuzzy tulad ng mga hibla ng tela. Marahan silang gumagalaw sa iyong paningin. Ang kanilang hitsura ay pinaparamdam sa iyo na para bang sila ay totoo at mismong nasa harap mo.
Ang mga flashes naman ay maaring lumitaw bilang biglaang ilaw na sobrang liwanag. Sila ay madalas na lumitaw bilang arc-shaped o jagged. Ang pangyayaring ito ay katulad ng kapag bigla kang na-capture ng isang camera na may malaking flash. Kadalasang nakikita ang mga flashes sa gilid ng paningin o peripheral vision.
Ang Sanhi Ng Mga Floaters At Flashes Ng Mata
Hindi lamang ang hitsura kundi pati na rin ang sanhi ng mga eye floaters at eye flashes ang pinagkaiba ng dalawa.
Ang kilalang sanhi ng mga eye floaters ay ang pagkumpol kumpol ng collagen (protina) sa vitreous na bahagi ng mata. Ang mala-gel na likido na nasa likuran ng mata ay tinatawag na vitreous at pinupuno nito ang malaking cavity.
Ang mga mukhang anino na nakikita bilang floater sa paningin ay sanhi ng mga nagkumpol kumpol na collagen na lumilitaw bilang opaque na siyang nagiging parang anino. Nangyayari ito sa retina tuwing pumapasok ang ilaw sa mata.
Sa kabilang panig, ang kilalang sanhi ng mga flashes ng mata ay ang paghihiwalay sa ibabaw ng retina. Ito ay nangyayari kapag ang likod na bahagi ng vitreous ay humihila palayo sa retina na pinaghihinalaang isang normal na pangyayari kapag tumatanda na ang isang indibidwal.
Kung ang mga floater sa mata ay hindi sinamahan ng mga flashes ng ilaw at hindi ito malaki, hindi na kailangan ng atensyong medikal sapagkat karaniwan ito. Ngunit, kapag nakakita ka ng mga flashes na may malalaking floaters, kumonsulta kaagad sa iyong doktor dahil maari itong sintomas ng retinal detachment.
Ang mga eye floater ay permanente pero kumukupas sa paglipas ng panahon habang ang mga flashes naman ay pansamantala lamang at unpredictable. Ang mga indibidwal na nearsighted at nagkaroon ng operasyon sa cataract ay nasa peligro na magkaroon ng eye floaters at eye flashes.