Paano Gamutin Ang Kuliti Nang Mabilis

Halos lahat ng malambot at pulang mga umbok sa gilid ng talukap ay hindi delikado at maaaring pagalingin ang kanilang sarili sa loob ng isang linggo. Ngunit kung minsan, ang isang linggo ay sapat na panahon na para ito ay maging istorbo sa paningin. Sa kabutihang palad, mayroong ilang mga remedyo sa bahay na makakatulong sa iyo na mabilis na mapaginhawa o tuluyang mapuksa ang pamamaga ng isang kuliti.

 

Mabilis Na Paggamot Ng Kuliti sa Dalawang Madaling Hakbang

Hakbang 1: Panatilihing malinis ang iyong mga talukap

  • Linisin ang iyong mga talukap. Ang unang hakbang na dapat mong gawin kung mayroon kang kuliti ay ang linisin ang iyong takipmata gamit ang inilublob na bulak, malinis na tela, cleansing pad, o makeup remover pad sa baby shampoo na hinaluan ng tubig. Pagkatapos, hugasan ito gamit ang maligamgam na tubig at patuyuin.
  • Hugasan ang iyong mga kamay. Hugasan ang iyong mga kamay bago at pagkatapos hawakan ang mata at iwasan ang pagbabahagi ng mga tuwalya at panyo sa iba.
  • Iwasang gumamit ng makeup. Pansamantalang ihinto ang paggamit ng makeup hanggang sa ganap na gumaling ang kuliti. Itapon ang mga dating produkto o applicators na maaaring contaminated.

Iwasan ang mga contact lens. Magsuot ng iyong salamin sa mata pansamantala hanggang sa ganap na gumaling ang kuliti.

gamutin ang kuliti nang mabilis

Hakbang 2: Mag-apply ng warm, moist compress

  • Mag-apply ng mga mainit na compress. Ang isang mainit na compress sa loob ng 15-20 minuto, 3-4 beses araw-araw ay nagpapabilis sa proseso ng paggaling ng isang kuliti.
  • Subukan ang isang tea bag o washcloth. Ang mga teabag o isang malinis na washcloth na inilublob sa maligamgam na tubig ay maaari ring makatulong sa mabilis na paggaling ng kuliti. Ilublob ang washcloth sa maligamgam (hindi kumukulong tubig) at pigain ang tela upang hindi ito tumulo, pagkatapos ay ilagay ito sa iyong nakapikit na mga mata.

Huwag putukin. Huwag kailanman putukin ang isang kuliti. Hayaan lamang magkaraoon ito ng ulo at mag-isang magdrain at gumaling nang kusa gaya ng isang tigyawat upang hindi kumalat ang impeksyon at magdulot ng trauma sa takipmata.

gamutin ang kuliti nang mabilis

Paggamot Sa Discomfort

  • Mga painkillers: Ang mga painkillers na over-the-counter tulad ng acetaminophen at ibuprofen ay maaaring makapagpagaan ng discomfort kung nananakit ito ngunit hindi makakatulong na mapabilis ang paggaling.
  • Pag-opera sa mata: Ang isang malaking kuliti ay maaaring mangailangan ng isang incision ng doktor upang matiris, mapawi ang discomfort, at maiwasan ang karagdagang impeksyon.

Kung ang iyong kuliti ay nakakaapekto sa iyong paningin o hindi nawala sa loob ng isang linggo o higit pa, makipag-ugnayan sa iyong doktor sa mata para sa isang konsulta. Sa ilang mga malulubhang kaso, ang kuliti na hindi nawawala ay maaaring mangailangan ng operasyon na sinusundan ng mga resetang gamot.

Ang wastong kalinisan sa takipmata ay malaki ang tulong na maiwasan ang pagkakaroon ng kuliti. Regular na linisin ang iyong mga talukap bago matulog, lalo na kung palagi kang nakasuot ng mga makeup sa mata.

Related Posts

High Cholesterol and Its Effect on Vision

Mataas na Cholesterol at ang Epekto Nito sa Paningin

Alam mo ba kung gaano kataas ang cholesterol mo? Marami sa atin ang marahil hindi...
Sepsis and Vision Loss

Sepsis at Pagkawala ng Paningin

Karamihan sa mga tao ay nagkakasakit paminsan-minsan, tulad ng trangkaso o impeksyon sa sinus. Sa...
Why Do I Have Colored Rings Around The Iris?

Bakit Ako May Makulay na Mga Singsing sa Paligid ng Iris?

Maaaring may mga pagkakataon na tumingin ka sa salamin at napansin mong hindi magkapareho ang...