Ang mga kundisyon sa mata tulad ng nearsightedness, farsightedness, katarata, at macular degeneration ay kilalang mga pangkaraniwang kondisyon sa mata na ginagamot ng isang ophthalmologist. Hindi alam ng lahat na ang mga ophthalmologist ay kwalipikado upang gamutin din ang mga hindi pangkaraniwang kondisyon sa mata.
Ang isang sakit ay itinuturing na hindi pangkarinawan kung nakakaapekto lamang ito sa mas mababa sa 200,000 katao. Mayroong mga bihirang kundisyon sa mata na walang kahit anong paraan ng paggamot. Sa tulong ng makabagong pananaliksik, maaaring matuklasan ng mga ophthalmologist ang paggamot para sa ilang mga hindi pangkarinawang sakit sa mata.
Ito ang mga bihirang sakit na maaaring gamutin ng isang ophthalmologist:
Sa Charles Bonnet syndrome, ang mga tao ay nakakaranas ng mga guni-guni o hallucinations dahil sa matinding pagkawala ng paningin. Walang gamot para rito ngunit makakatulong ang pagbabago ng kapaligiran sa pamamagitan ng pagpunta sa isang madilim na silid mula sa maliwanag na silid. Nakakaapekto ito sa 500 hanggang 100,000 na mga pasyente na may mga problema sa paningin.
Ang hemolaria ay kilala na duguang luha na sanhi ng isang conjunctival injury o isang bagay na na-trap sa ilalim ng takipmata. Mahalagang malaman ang eksaktong dahilan upang matukoy ang pinakamahusay na paggamot sa kondisyong ito.
Ano Ang Mga Kondisyon Sa Mata Na Maaaring Maipasa Sa Family Tree?
Ang retinitis pigmentosa ay nagsisimula sa kahirapan sa night at peripheral vision. Ang mga rods at cones sa retina ay namamatay sa kondisyong ito na nagdudulot ng pagkupas ng mga kulay sa paningin. Sa kasalukuyan, wala pa itong lunas ngunit mayroon namang mga low vision tools na makatutulong sa mga indibidwal na may ganitong kondisyon. Nakakaapekto ito sa 25 hanggang 100,000 katao.
Ang Usher syndrome ay nakakaapekto sa iyong paningin, pandinig, at balanse na nangangahulugang kabilang ang retinitis pigmentosa sa kondisyong ito. Ang mga gene therapies ay nakakatulong sa pagpapagamot ng minana na sakit sa mata. Maaari itong makaapekto sa 7 hanggang 100,000 katao.
Ang Stargardt disease o juvenile macular degeneration ay natutuklasan lamang sa paglaki ng bata kung kailan nagkakaroon na ng malabong paningin. Sa tulong ng pananaliksik, ang mga gene at stem cell therapies ay ginagamit upang matulungan ang mga taong may kondisyong ito. Maaari itong makaapekto sa 12 hanggang 100,000 katao.
Ang retinoblastoma ay karaniwan sa mga bata na mas mababa sa 5 taong gulang. Upang mapanatili ang paningin at buhay ng bata, kinakailangan ng maagang pagtuklas at paggamot. Ang chemotherapy, laser therapy, cold therapy (cryotherapy), at operasyon ay ang ilang pagpipiliang paggamot sa retinoblastoma.
Ano Ang Mga Kundisyon Sa Mata Na Maaaring Matukoy Mula Sa Pagsilang?
Ang anophthalmia ay ang kondisyon kung saan ipinanganak ang isang sanggol na walang mata habang ang microphthalmia ay may napakaliit na mga mata.
Ang Coloboma ay ang kondisyon kung saan mayroong mga puwang o gap sa mga tisyu ng takipmata, lens, o ibang bahagi ng mata.
Ang Axenfeld-Rieger syndrome naman ay nagdudulot ng iba’t ibang uri ng mga problema sa mata dahil nakakaapekto ito sa pag-develop ng mata ng bata.
Ang Polycoria ay kung saan mayroong dalawa o higit pang mga pupil sa isang mata.