Ophthalmoplegia: Paralisis O Kahinaan Ng Mga Muscles Sa Mata

Nakaramdam ka na ba ng pagkapralisa o panghihina ng mga muscles sa iyong mata? Ang kondisyong ito ay tinatawag na ophthalmoplegia na syang nakakaapekto sa anim na muscles ng mata na siyang responsable sa paggalaw ng ating mga mata. Importanteng malaman ang dalawang uri ng ophthalmoplegia at ito ay ang chronic progressive external ophthalmoplegia at internal ophthalmoplegia.

Ang chronic progressive external ophthalmoplegia ay karaniwan sa mga edad 18 at 40. Nagsisimula ang kundisyon sa ptosis o drooping eyelids at ang mga muscles na nagkocoordinate ng mga mata ay nagiging mahirap kontrolin. Ang internuclear ophthalmoplegia ay naiugnay sa ilang mga karamdaman. Ang sanhi ng kondisyon ay ang mga pinsala sa nerve fibers na humahantong sa dobleng paningin.

Ang pinakakaraniwang sintomas ng ophthalmoplegia ay ang pagkakaroon ng doble o malabo na paningin. Maaaring nahihirapan silang ilipat ang parehong mga mata sa bawat direksyon at maranasan ang kawalan ng kakayahang iposisyon ang mga mata nang naka-sync. Ang mga sintomas ay maaaring magsama ng pangkalahatang kahinaan ng muscles at kahirapan sa paglunok kung ang ophthalmoplegia ay nauugnay sa isang systemic disorder.

Mga Sanhi at Panganib Na Dala Ng Ophthalmoplegia

Ang ophthalmoplegia ay maaaring lumitaw mula sa pagkasilang o pagdating ng sapat na gulang na siyang sanhi ng pagkagambala ng mga mensahe mula sa utak papuntang mata. Ang internuclear ophthalmoplegia ay karaniwang sanhi ng multiple sclerosis, trauma, o infarction. Ang external ophthalmoplegia ay madalas na sanhi ng mga karamdaman sa muscles o mga sakit na mitochondrial kabilang ang sakit na Graves’ o Kearns-Sayre syndrome. Ang iba pang mga karaniwang sanhi ay migraine, thyroid disease, stroke, tumor sa utak, injury sa utak, at impeksyon.

Ang ophthalmoplegia ay mas madalas na mangyari sa mga taong may diabetes. Kamakailan lamang ay natuklasan na ang mga lalaking may type 2 diabetes na higit sa 45 taong gulang sa loob ng 10 taon o higit pa ay may mas mataas na peligro na makaroon ng ophthalmoplegia. Ang mga taong mayroong multiple sclerosis o Graves’ disease o anumang kondisyong nakakaapekto sa pagkontrol ng muscles ay mas nanganganib kaysa sa iba.

Paano Maiiwasan at Magagamot Ang Ophthalmoplegia

closeup of eye paralysis

Ang paggamot para sa ophthalmoplegia ay nakasalalay sa uri, sintomas, at pinagbabatayang sanhi. Ang mga espesyal na salamin o eye patch ay ibinibigay sa mga may sapat na gulang upang mapawi ang dobleng paningin. Ipinakita ng ilang mga kaso na ang paggamot sa migraine ay maaaring mapabuti ang pakiramdam ng mga taong may ophthalmoplegia.

Ang pagpapanatili ng isang malusog na vascular system ay mahalaga upang mabawasan ang peligro ng stroke at iba pang mga kaugnay na problema sa paningin. Tandaan na ang mata ay may delicate muscles. Inirerekumenda na bisitahin ang isang espesyalista sa mata tuwing dalawang taon kahit na mayroon kang normal na paningin upang makatulong sa maagang pagtuklas ng mga posibleng karamdaman na mayroon ka.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...