Kuliti: Stye (Hordeolum)

Ang stye o kuliti ay isang masakit na umbok sa paligid ng takipmata na malaki ang pagkakahawig sa isang pigsa o tigyawat. Ito ay isang localized na impeksyon o pamamaga sa dulo ng takipmata kung saan matatagpuan ang mga hair follicles ng mga pilikmata. Ito ay madalas na puno ng nana ngunit magsisimulang mawala nang kusa pagkalipas ng ilang araw.

Bagaman kadalasang nangyayari ito sa labas ng takipmata, paminsan-minsan ay maaaring mabuo ito sa loob na parehong maaring maging masakit at magdulot ng discomfort.

Mga Sintomas

Ang mga sintomas ng isang stye o kuliti ay maaaring kabilang ang:

  • sakit sa takipamata
  • pula at malambot na bukol sa takipmata
  • pagluluha
  • pamamaga ng takipmata

Ang isa pang kundisyon na maaaring maging sanhi ng pamamaga ng eyelid ay isang chalazion. Kamukha nito ang isang kuliti pero mayroon silang magkaibang sanhi. Ang chalazion ay sanhi ng pagbara sa mga oil glands malapit sa pilikmata at kadalasang walang sakit at mas paumbok sa panloob na bahagi ng takipmata. Ang isang kuliti o hordeolum sa kabilang banda, ay sanhi ng isang impeksyon. Ang paggamot para sa dalawang kondisyon na ito ay pareho.

Mga Sanhi

Ang isang stye o kuliti ay sanhi ng bacterial infection na nakakaapekto sa mga oil glands ng takipmata. Ang staphylococcus bacteria ay karaniwang responsable para sa mga impeksyong ito.

Mga Nanganganib

Ang mga taong may mas mataas na peligro na magkaroon ng kuliti ay ang madalas gawin ang mga sumusunod:

  • Ang pagkamot sa mga mata gamit ang maruming kamay
  • Ang paggamit ng mga contact lens nang walang masusing pagdidisimpekta at tamang paghuhugas ng kamay
  • Hindi tinatanggal ang eye makeup sa gabi
  • Paggamit ng luma o nag-expire na mga produkto sa mata
  • Mayroong blepharitis
  • Mayroong rosacea

kuliti o stye (hordeolum)

Pag-iwas

Upang maiwasan ang kuliti at iba pang mga impeksyon sa mata:

  • Regular na maghugas ng kamay. Hugasan ang mga kamay ng maligamgam na tubig at sabon o gumamit ng mga sanitizer o alkohol. Iwasang hawakan ang mga mata gamit ang maruming kamay.
  • Mag-ingat sa mga pampagandang produkto sa mata. Itapon ang mga expired na produktong pangmata at ugaliing magbura ng makeup sa mata bago matulog.
  • Linisin ang contact lens. Hugasan nang mabuti ang mga kamay bago hawakan ang mga contact at sundin ang wastong mga alituntunin sa pagdidisimpekta.
  • Gumamit ng warm compress. Ang warm compress ay makakatulong na maiwasan ang pagbabalik ng mga kuliti.
  • Pangasiwaan ang blepharitis. Kung mayroon kang blepharitis, dapat mong sundin ang mga tagubilin ng iyong doktor tungkol sa pangangalaga sa mata.

kuliti o stye (hordeolum)

Kailan Dapat Kumonsulta Sa Doktor

Ang mga kuliti ay karaniwang hindi nakakasama at hindi nakakaapekto sa kakayahang makakita ng normal. Ang mga remedyo na magagawa sa bahay tulad ng paglalapat ng mga warm compress sa saradong mga talukap ng mata nang hindi bababa sa 5-10 minuto at maraming beses sa isang araw habang marahang minamasahe ang talukap ng mata ay madalas na nagpapagaan ang discomfort at nakakatulong na mapabilis ang proseso ng paggaling. Kumunsulta kaagad sa iyong doktor kung:

  • Ang kuliti ay hindi bumubuti sa loob ng 48 oras
  • Ang pamumula at pamamaga ay nangyayari sa buong takipmata o umaabot sa iba pang mga bahagi ng mukha tulad ng pisngi

Related Posts

3 Mga Tanda ng Mata ng may Bipolar Disorder Mania

Madaling makilala ang depresyon, kahit na ang uri na iniuugnay natin sa lumulubog na mga...
elephant optical illusion

Ilang Paa ang Nakikita Mo? Naging Palaisipan sa Internet ang Matalinong Elephant Optical Illusion na Ito

Isang simpleng sketch ng isang matalinong elephant optical illusion ang na-upload online ng isang user...

Tumutubo ba ang mga pilikmata kung hindi mo sinasadya na natanggal ang mga ito?

Araw-araw, karaniwang nawawala ang ilang hibla ng buhok natin na babalik pagkatapos ng ilang sandali....