Kundisyon Sa Mata: Glaucoma

Ang pinsala sa optic nerve dahil sa mataas na presyon ng mata ay tumutukoy sa pangkat ng mga kondisyong tinatawag na glaucoma. May panganib na dala ang hindi paggamot ng glaucoma at ito ay ang posibleng pagkabulag mula rito.

Kung mayroon kang normal na presyon sa iyong mga mata, posible pa ring magkaroon ng glaucoma. Mahalagang bisitahin ang isang optometrist o optalmolohista upang makita ang mga palatandaan ng glaucoma upang maumpisahan nang maaga ang paggamot bago mauwi sa pagkawala ng paningin.

Anumang edad ay nasa peligro na magkaroon ng glaucoma ngunit kadalasang nangyayari ito sa pagtanda.

Mga Sintomas Ng Glaucoma

Mayroong iba’t ibang mga uri ng glaucoma at ang mga sintomas ay nag-iiba mula sa anong uri at kalubhaan ng kondisyon. Ang mga regular na pagsusuri sa mata ay mahalaga sapagkat ang pinakakaraniwang uri ng glaucoma ay walang mga babala at maaari lamang itong makita sa pamamagitan ng pagsusuri sa mata.

Ang mga sumusunod na karaniwang sintomas ng glaucoma ay:

● Mataas na presyon ng mata
● Malabong paningin
● Pamumula ng mata
● Pananakit ng mata
● Sakit ng ulo
● Mga blind spots
● Maulap na mga mata
● Pagduduwal at pagsusuka

Ang pagkawala ng peripheral vision ay maaring maganap kung hindi matutukoy at magagamot ang glaucoma at kalaunan ay maaring humantong sa pagkabulag. Hindi na maibabalik ang nawalang paningin at maaari mo pa ring maranasan ito kahit na sumailalim ka sa paggamot kung natukoy ang kondisyon nang malubha na.
Glaucoma

Mga Uri Ng Glaucoma

Ang open-angle glaucoma ay tinatawag ding primary open-angle glaucoma (POAG). Ito ang pinakakaraniwang uri ng glaucoma. Ang acqueous humor ay hindi normal na nadedrain mula sa mata at ang drainage angle ay nananatiling bukas.

Ang angle-closure glaucoma ay isang bihirang uri ng glaucoma. Ito ay nagaganap kapag ang iris ay tuluyang sinara ang drainage angle ng mata. Ang pinakakaraniwang sintomas ng ganitong uri ng glaucoma ay pamumula ng mata, pananakit, at pagduduwal. Kung hindi agarang magagamot, maari itong humantong sa pagkawala ng paningin.

Ang secondary glaucoma ay nangyayari kapag mayroong paunang kondisyon, sakit, o pinsala sa mata. Maaari itong mabuo bilang open-angle o narrow-angle.

Ang developmental glaucoma ay tinatawag ding congenital glaucoma sapagkat ito ay isang kondisyon na naguumpisa sa maagang yugto ng buhay. Ito ay natutukoy mula sa kapanganakan.

Ang normal-tension glaucoma ay isang hindi gaanong karaniwang anyo ng glaucoma. Ang eksaktong dahilan ay hindi pa natutukoy ngunit sinasabing may kaugnayan ito sa nabawasang sirkulasyon ng dugo sa optic nerve.

Glaucoma

Pagtukoy Ng Glaucoma

Ang tonometry ay pagsusuri na tumutukoy sa presyon ng iyong mga mata o intraocular pressure. Ang pagsukat sa IOP ay tumutulong sa pagtukoy ng panganib sa glaucoma.

Ang dalawang pangunahing uri ng mga pagsubok sa tonometry ay tinatawag na applanation tonometry at non-contact tonometry.

Ginagawa ang applanation tonometry sa pamamagitan ng paglalapat ng isang numbing eye drop bilang panukat habang ang non-contact tonometry naman ay gumagamit ng isang puff ng hangin na hindi nagbibigay ng anumang discomfort.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...