Maraming tao ang nagtataka kung posible ba na ipanganak ang isang tao nang walang iris. Ito ay hindi pangkaraniwan ngunit posible, ang iris hypoplasia ay nangangahulugang na ang isang tao ay ipinanganak nang walang kulay na bahagi ng kanilang mata o ng iris. Ito ay nangyayari sa 1 sa bawat 50,000 hanggang 100,000 mga sanggol sa buong mundo.
Ang Aniridia ay nangangahulugang mga mata na walang iris na halos nakakaapekto bilaterally. Ang aniridia ay maaaring mangyari sa parte o kabuuan ng mata o kilala rin sa tawag na partial o total aniridia. Sa total aniridia, ang iris ay hindi nakikita. Sa partial aniridia, mayroon lamang ilang bahagi ng iris na nawawala. Maaari mong obserbahan na ang natitirang iris ay hindi lumalawak at lumiliit kagaya ng isang normal na iris.
Malalaman mo na mayroon kang aniridia dahil nagbibigay ito sa iyo ng isang natatanging hitsura. Ang iyong mga mata ay lilitaw na itim at walang kulay na naghihiwalay sa puti mula sa pupils. Ang mga taong ipinanganak na walang iris ay nakakaranas ng nystagmus o hindi kontroladong panginginig ng mata. Ang visual acuity ng mga taong may aniridia ay mula 20/80 hanggang 20/200. Nanganganib din sila na magkaroon ng aniridic keratopathy na siyang paglabo ng kornea.
Mga Sanhi Ng Aniridia
Ang aniridia ay karaniwang nagaganap mula kapanganakan ngunit kung minsan ay maaari ring maging sanhi ang trauma. Ang karamihan ng mga kaso ay genetiko ang sanhi mula sa pag-mutate ng PAX6 gene na responsable para sa pagbuo ng protina na mahalaga sa pag-unlad ng mga mata. Sa pagitan ng ika-12 at ika-14 na linggo ng pagbubuntis, nagsimulang lumitaw ang aniridia.
Ang aniridia ay namamana at kilala na isang autosomal dominant pattern na nangangahulugang kung ang isang magulang ay nagdadala ng gene, mayroong 50 porsyento na posibilidad na ang bata ay maipanganak na may kondisyong iyon. Sa 2/3 ng lahat ng mga kaso, ang mga taong apektado ng kondisyong ito ay namana ang mutated gene mula sa isa sa kanilang mga magulang.
Ang aniridia ay maari ding maging komplikasyon ng hindi kaugnay na mga sakit sa genetiko tulad ng Miller syndrome, Gillespie syndrome, at WAGR syndrome.
- Ang Miller syndrome ay isang karamdaman na nakakaapekto sa pag-unlad ng mukha at paa.
- Ang Gillespie syndrome ay nailalarawan sa pamamagitan ng partial aniridia at isang bihirang congenital disorder.
- Ang WAGR syndrome ay nagdudulot ng aniridia, kapansanan sa intelektwal, at mga problema sa pag-uugali.
Paggamot Para Sa Aniridia
Kung ang aniridia ay sanhi ng trauma, maaari itong maayos sa pamamagitan ng operasyon sa ilang mga kaso. Kung ang aniridia ay congenital, kakailanganin nilang sumailalim sa regular na mga pagsusuri sa mata sa buong buhay nila. Mahalaga ito dahil kakailanganin ng doktor na subaybayan nang mabuti ang mga palatandaan ng cataract, glaucoma, o anumang pagbabago sa paningin.
Upang maprotektahan ang mga mata mula sa glare at matitinding liwanag sa labas, ang mga espesyal na salamin ay maaaring ireseta. Kung ikaw ay magulang ng isang sanggol na ipinanganak na walang mga iris, siguraduhin na bisitahin ang isang doktor sa mata sa lalong madaling panahon para sa isang pagsusuri. Sa Europa, mayroon ng mga aritificial iris implants ngunit hindi pa ito umaabot sa Estados Unidos at hindi pa aprubadong magamit.