Ang mga palatandaan ng pagtanda ay dumadating na walang babala tulad ng pagkakaroon ng isang uban sa iyong buhok, o wrinkle sa sulok ng iyong mata, o pangangailangan na isingkit ang mga mata upang makabasa nang maayos. Ang presbyopia ay isang pangkaraniwang kundisyon sa mata na madalas na senyales ng pagtanda.
Ang ibang mga tao ay ayaw ang pagsusuot ng salamin sa mata o bifocals dahil sa tingin nila ay nagmumukhang silang matanda. Habang tayo ay tumatanda, ang mala-kristal na lens sa ating mata na nagkukurba sa ilaw upang maabot ang retina ay nawawalan ng elasticity. Ang iyong mga mata ay hindi na maaaring magfocus nang maayos tulad ng dati dahil sa presbyopia. Karaniwang nagkakaroon ng ganitong kondisyon pagtungtong ng edad 40 at lumalala pa sa paglipas ng panahon.
Ito Ang Mga Sintomas Ng Presbyopia Ayon Sa American Optometric Association (AOA):
● Madalas na pagbabasa na may halos isang braso ang distansya
● Malabo ang paningin kapag nagbabasa sa normal na distansya
● Pagkaramdam ng pagod sa mata
● Ang sakit ng ulo ay nararamdaman tuwing gumagawa ng isang bagay nang malapitan
Maaari mong mapansin na mayroon kang presbyopia kapag mas madali kang nakakabasa at nakakakita sa distansya ng halos isang braso.
Ano Ang Mga Panghalili Sa Bifocals O Salamin Sa Mata?
Kung ikaw ay nasa apatnapung taong gulang na, maaari mong isipin na panghabambuhay ka na magsusuot ng salamin sa mata dahil sa presbyopia. Kasalukuyang walang gamot para sa presbyopia ngunit may iba pang mga pagpipilian para sa iyo kung hindi mo nais ang magsuot ng salamin sa mata tulad ng operasyon at contact lens.
Maaari kang sumailalim sa operasyong LASIK o CK (Conductive Keratoplasty) na maaaring magbigay sa iyo ng isang monovision solution. Pinapayagan nito ang iyong isang mata na ituon ang pansin sa mga malalayong bagay at ang isa pa ay magtuon ng pansin sa mga malalapit na bagay.
Para sa mga pagpipilian sa contact lens, mayroong iba’t ibang mga uri ng contacts para sa presbyopia gaya ng “monovision,” “bifocal” at “multifocal.” Ang pinakakaraniwan ay multifocal dahil maaari nilang gayahin ang iyong kakayahang tingnan ang mga bagay nang natural. Maaaring gusto mong subukan ang Proclear 1 day sphere kung nais mo ng isang malinaw na paningin nang malapitan, gitna, at malayo.
Paano Kung Mayroon Akong Iba Pang Mga Kundisyon Sa Mata Maliban Sa Presbyopia?
Ang mga tao ay maaaring magkaroon ng maraming problema tulad ng myopia, hyperopia, at presbyopia. Ang pagkakaroon ng maraming kundisyon sa mata ay karaniwan. Maaari kang magkaroon ng hyperopia at magkaroon ng astigmatism nang sabay. Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa pagkakaroon ng isang kumplikadong reseta ng salamin dahil marami na ang mga uri ng salamin o contact lens ngayon. Mayroong na rin magagamit na multifocal contact lens upang maitama ang presbyopia.