Hindi lahat ng floaters sa mata ay pare-pareho dahil maaari silang magmukhang iba sa bawat tao. Mayroong iba’t ibang mga uri ng eye floater na magkakaiba-iba sa mga hugis at shade. Ang mga eye floater ay tinatawag ding “spots” sa mga mata.
Kapag lumitaw ang mga floaters sa mata, hindi ito kadalasang tinuturing na isang medical emergency ngunit maari itong maging sagabal sa iyong paningin. Ang mga eye floater ay hindi nakakasama at kumukupas sa paglipas ng panahon kapag sila ay benign o minor lamang. Maaari kang masanay sa kanila at di gaanong mapansin sa katagalan ng panahon.
Kapag biglaang dumami ang mga floaters at flashes ng ilaw sa iyong paningin, maari itong maging tanda ng retinal detachment na nangangailangan ng medikal na atensyon. Ang mga wacy, squigglym o cobweb na hugis ng mga floater ay maaring lumitaw sa iyong paningin. Maihahambing ang hitsura nito sa mga tagpi-tagping sapot o cobweb kaya ito tinaguriang “cobweb” floaters.
Ang mga floater ay maaaring lumitaw bilang mga bilugan o oval na spot ngunit mayroon silang magkatulad na uri ng mga wavy floater. Ang hugis ng pagbuo ng vitreous fiber ay ang tanging pagkakaiba ng rounded at wavy floaters.
Ang ilang mga floater ay tinatawag na weiss ring na kung saan ito ay mukhang malalaking singsing na floaters. Ang ganitong uri ng floater ay nabubuo kapag ang detachment ng vitreous ay nangyayari mula sa bahagi ng retina sa likuran ng mata na pumapaligid sa optic nerve.
Ang mga ring floater ay karaniwang hindi nakakasama tulad ng ibang mga hugis ng floater ngunit maari rin itong maging sintomas ng isang seryosong kondisyon.
Ang mga eye floater ay maaaring ring magkaiba ng mga kulay. Mayroong mga eye floater na halos transparent, kulay-abo, o halos itim. Ang mga floater ay lilitaw na parang uod ang hitsura ngunit mas mahaba.
Ang ilang mga tao ay may posibilidad na ilarawan ang mga floater bilang mga itim na spot o tuldok sa paningin. Kahit na lumitaw ang mga ito sa iba’t ibang kulay, nakikita ang mga ito kapag tiningnan mo ang isang maliwanag na ilaw o isang solong kulay na bagay tulad ng dingding o ang kalangitan.
Mga Bituin Sa Paningin
Ang mga flashes ng ilaw ay karaniwang nararanasan ng mga tao. Ito ay kilala rin sa tawag na “stars” dahil sa kaanyuan nito sa paningin Ang flashes at floaters ay may kaugnayan sa isa’t isa.
Ang isang mahalagang sintomas ng retinal detachment o pagkapunit ay ang biglaang paglitaw ng mga flashes ng ilaw. Ipinapahiwatig nito na kailangan mo na bumisita kaagad sa iyong doktor sa mata upang agarang masuri ang iyong kondisyon.
Pagbisita Sa Iyong Doctor Sa Mata
Mag-iskedyul ng isang komprehensibong pagsusuri sa mata kung nakakaranas ka ng mga bago o nadadagdagang mga floater sa iyong paningin. Minsan ito ay isang tanda ng seryosong kondisyon na nangangailangan ng paggamot.
Ang pagsusuri sa interior ng mata ng isang doktor ay matutukoy kung ang mga floater na mayroon ka ay hindi nakakasama o nangangailangan ng paggamot.