Mga Uri Ng Floater Sa Paningin

Ang mga eye floater ay magkakaiba sa bawat tao, mula sa mga gumagalaw o wavy na mga linya hanggang sa maliliit na mga itim na tuldok sa iyong paningin. Ang mga floater ay hindi isang kondisyong medikal ngunit ito ay nakakairitang makita sa iyong paningin. Subalit, ang biglaang pagdami ng floaters sa iyong paningin ay dapat ikabahala dahil maari itong maging sintomas ng retinal detachment na nangangailangan na agarang atensyong medikal.

Cobweb Floaters

Ang mga wavy o squiggly na mga linya ay ang pinaka-karaniwang uri ng floater sa paningin. Tinatawag silang mga “cobweb” floaters sapagkat kahawig nila ang mga sirang piraso ng cobweb na umaaligid sa iyong paningin. Ito ay nabubuo kapang ang vitreous humor o ang gel-like na likido sa loob ng iyong mata ay lumiit. Ang maliliit na mga hibla o fiber ay nagbubuo-buo na nagdudulot ng mga eye floaters.

Round Floaters

Ang ilang mga floater ay may hugis na maliliit na bilog o oval na mga spot sa paningin. Tulad ng mga wavy floaters, ang round floaters ay may kaparehong uri ng floaters. Nagkakaiba lamang sila sa hugis ng mga vitreous fiber formation.

Ring-shaped Floaters

Ang mga Weiss ring ay mas malalaking mga hugis singsing na floaters. Kapag ang vitreous mula sa parte ng retina na pumapalibot sa optic nerve sa likod ng mata ay humiwalay, nabubuo ang mga Weiss rings. Ang ring floaters at iba pang mga hugis ng floater ay hindi masakit ngunit posibleng maging sintomas ng malubhang kondisyon.

Transparent, Shadowy, o Black Dots

Ang mga floaters sa paningin ay maaring magkaiba ng kulay. Ang ibang floaters ay halos transparent, bahagyang madilim, o halos itim.

Ang ibang mga eye floater ay lilitaw na mas mahaba at parang bulate ang hugis. Ang iba naman ay maaring lumitaw bilang spots o tuldok sa iyong paningin. Mas mahahalata ang mga floaters kapag ikaw ay nagfocus tumingin sa iisang kulay na bagay sa ilalim ng maliwanag na kalangitan sa umaga o puting kulay na pader.

mga uri ng floater sa paningin

Light Flashes O “Mga Bituin” Sa Paningin

Ang ibang tao ay karaniwang nakikita ang mga light flashes o mga bituin sa paningin. Ang mga light flashes o photopsia na ito ay hindi pisikal na pormasyon ngunit maari din itong maiugnay sa mga floaters.

Ang mga floater ay nangyayari kapag ang maliliit na mga hibla (fiber) ng protina sa vitreous humor ay namumuo, na siyang lumilikha ng “floating” na mga hibla sa paningin. Sa paghiwalay ng vitreous sa retina, ang “pulling” nito ay maaring magdulot ng sensasyon ng light flashes.

Ang mga light flashes na ito ay posibleng sintomas ng retinal detachment o pagkapunit ng retina. Kung bigla kang makaranas ng mga light flashes sa iyong paningin, pinapayuhan na humingi ng agarang atensyong medikal.

mga uri ng floater sa paningin

Kailan Dapat Bumisita Sa Doctor Ng Mata?

Kung bigla kang makakita o dumami ang mga floater sa iyong paningin, bumisita kaagad sa iyong doktor sa mata upang mapasailalim sa isang comprehensive eye exam.

Bagaman ang floaters ay karaniwang hindi masakit para sa indibidwal na mayroon nito, maari pa rin ito maging sintomas ng malalang mga kondisyon sa mata na nangangailangan ng agarang atensyong medikal at paggamot.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...