Ang anophthalmia at microphthalmia ay ang dalawang terms na madalas napagpapalit. Mahalagang malaman ang mga kahulugan ng dalawang salita, lalo na kapag gagamitin ang mga ito. Ang microphthalmia ay isang kondisyon kung saan ang isa o parehong mata ay abnormal na maliit, habang ang anophthalmia ay ang kawalan ng isa o parehong mata. Mayroong mga kaso ng anophthalmia na may natitirang tisyu ng mata kahit na walang eyeball. Ang microphthalmia ay maaaring ilarawan bilang nonsyndromic o ihiwalay.
Ang microphthalmia at anophthalmia ay mga bihirang karamdaman na nabubuo sa panahon ng pagbubuntis at kadalasang nauugnay sa iba pang mga depekto sa kapanganakan. Ang microphthalmia ay maaaring makilala mula sa anophthalmia sapagkat wala kang makitang anumang mga form ng eyeball. May mga pagkakataong nagreresulta ang microphthalmia sa makabuluhang pagkawala ng paningin. Ang mga taong mayroong microphthalmia ay maaari ring magkaroon ng kundisyon na kilala bilang coloboma at iba pang mga abnormalidad sa mata tulad ng cataract at makitid na palpebral fissure.
Mga Sanhi Ng Anophthalmia At Microphthalmia
Mayroong iba’t ibang sanhi para sa mga kundisyong ito na kinabibilangan ng mga genetic mutation at abnormal chromosome. Ang ilang mga mananaliksik ay naniniwala na ang mga kadahilanan sa kapaligiran kabilang ang pagkakalantad sa X-ray, kemikal, gamot, pestisidyo, lason, radiation, o mga virus ay may papel sa pagtaas ng panganib na magkaroon ng anophthalmia at microphthalmia. Ang pananaliksik ay hindi pa ganap na napapatunayan.
Karaniwan, ang sanhi ng anophthalmia at microphthalmia sa mga sanggol ay hindi tukoy. Ang ilan sa mga sanggol ay mayroong anophthalmia o microphthalmia dahil naganap ang mutation sa mga genes o chromosomes.
Paggamot Para Sa Anophthalmia At Microphthalmia
Sa kasalukuyan, walang paggamot para sa matinding anophthalmia o microphthalmia. Kung mayroon kang isang mas malubhang anyo ng microphthalmia, maaari kang sumailalim sa operasyon. Karaniwan, posible na mapabuti ang hitsura ng mata ng mga bata. Ang isang bata ay maaaring lagyan ng artipisyal na mata o prostetik upang maitaguyod ang paglago ng socket at mga layuning kosmetiko.
Kung mayroon kang sanggol na mayroong anophthalmia o microphthalmia, tiyaking laging bisitahin ang mga propesyonal sa pangangalaga ng mata lalo na ang mga dalubhasa sa pediatrics, orbital at oculoplastic na operasyon, mga aparatong prostetik para sa mata, at sakit na vitreoretinal. Ang isang dalubhasa ay maaaring magbigay sa iyo ng impormasyon at paggamot na angkop at pinakamahusay para sa bata. Ang isang dalubhasa sa prosthetics ay maaaring gumawa ng mga conformer at mga istrukturang plastik na maaaring suportahan ang mukha.
Ang isang prostetikong mata ay maaaring mailagay sa sandaling ang mukha ay ganap na madevelop. Tandaan na ang prostetikong mata ay hindi maibabalik ang paningin. Ang isang prostesis ay karaniwang nilalagay sa pagitan ng edad na isa at dalawa para bigyan ng mukhang normal na mata ang bata. Ang isang bata ay maaaring mangailangan ng tatlo hanggang apat na palit ng prostheses bago siya umabot sa edad na 10.