Milia Sa Takipmata at Paano Tanggalin Ang Mga Ito

Ang milia ay maliliit na kulay puti o dilaw na mga cyst na maaaring lumitaw sa iyong mukha at katawan kasama ang mga eyelid at ilalim ng mga mata. Ang milia ay tinatawag minsan na “milk spots” o “oil seeds” at karaniwang nagkukumpol-kumpol.

Karaniwang makikita ang milia sa mga bagong silang na sanggol na nakakaapekto sa halos 50% ng lahat ng mga full-term na bagong silang na sanggol. Ang mga kabataan at matatanda ay maaari ring maapektuhan ng milia. Ang maliliit na mga umbok sa balat na ito ay hindi namamaga ngunit maari silang maging nakakairita tignan lalo na kapag sila ay nasa takipmata.

milia sa takipmata at paano tanggalin ang mga ito

Mga Sanhi

Ang milia ay nabubuo kapag ang mga patay na skin cells o keratin ay namumuo sa ilalim ng ibabaw na layer ng balat, na lumilikha ng isang nakaumbok na “pinhead” na kahawig ng isang whitehead. Ang milia ay karaniwang natitrigger ng mga hormone ngunit hindi dapat mapagkamalang acne o tigyawat.

Ang sikat ng araw ay maaari ding maging sanhi ng milia sapagkat ginagawa nitong magaspang ang balat at mas mahirap para sa mga dead cells na umangat sa ibabaw ng balat at normal na matanggal o magshed. May mga ibang pagkakataon na ang milia ay kusang nawawala ngunit maari din silang manatili maliban kung tatanggalin ng mano-mano.

 

Pag-alis At Paggamot Ng Milia

Ang milia at neonatal milia ay kadalasan nawawala nang kusa at walang paggamot. Gayunpaman, ang pangunahing milya na nakakaapekto sa mas matatandang mga bata at may sapat na gulang ay maaaring mawala sa loob ng ilang linggo, buwan, o mas mahaba. Ang mga matatanda na mayroong hindi nawawalang milia lalo na sa takipmata ay maaring makaabala sa kanilang paningin kaya maari itong tanggalin ng isang dalubhasa. Ang isang dermatologist o isang optalmolohista na may pagdadalubhasa sa cosmetic eye surgery ay maaaring alisin ang milia sa pamamagitan ng operasyon.

Ang mga chemical peels, cryotherapy (freezing), laser ablation, at diathermy (heat therapy) ay maaari ring makatulong na alisin ang milia. Ang milia sa mukha na malayo sa mga mata tulad ng sa mga pisngi, baba, at ilong ay maaaring ligtas na maalis sa bahay sa pamamagitan ng isang isterilisadong karayom, lancet, o comedone extractor.

milia sa takipmata at paano tanggalin ang mga ito

Mga Comedone

Ang mga comedone ay mga barado o naimpeksyon na mga oil glands na siya ring tinatawag na whiteheads at blackheads. Ito ang mga pangunahing sintomas ng acne o tigyawat. Ang isang comedone extractor ay isang tool pangbalat na may hugis lapis, matulis na lancet sa isang dulo, at isang maliit na hugis kutsara sa kabilang dulo upang matanggal ang mga laman ng acne at milia.

Palaging disimpektahin ang isang comedone extractor gamit ang isopropyl alkohol bago at pagkatapos gamitin. Huwag kailanman magpapahiram o hihiram nito nang hindi ito nililinis at dinidisimpekta.

Kahit na maaaring ligtas na kunin ang milia ng mukha sa bahay, huwag kailanman subukang alisin ang milia sa iyong mga eyelid o sa ilalim ng iyong mga mata. Ang pagkuha ng milia sa paligid ng mga mata ay dapat gawin lamang ng isang pangmedikal na propesyonal.

Related Posts

vitrectomy at vitreoretinal

Vitrectomy At Vitreoretinal | Operasyon sa mata

Maraming operasyon sa mata ang ginagawa upang mapabuti ang kondisyon ng iyong mata. Ang mga...
ano ang visual field testing

Ano Ang Visual Field Testing?

Gaano kalawak ang nakikita mo sa mga sulok ng iyong mata kapag naka-concentrate ka sa...
paano ginagawa ang slit lamp exam

Paano Ginagawa Ang Slit Lamp Exam?

Ang karaniwang diagnostic procedure, slit lamp exam, ay kilala rin bilang biomicroscopy. Pinagsasama nito ang...