Ocular Hypertension: Mataas Na Presyon Ng Mata

Ang ocular hypertension ay nangyayari kapag ang intraocular pressure (IOP) ay mataas. Ang hindi nagamot na ocular hypertension ay maaaring humantong sa glaucoma at pagkabulag.

Sa kabutihang palad, may mga taong may ocular hypertension na hindi nagkakaroon ng anumang pinsala sa kanilang paningin matapos suriin gamit ang isang visual field testing at comprehensive eye exam.

Ocular Hypertension: High Eye Pressure

Paano Malalaman Kung Mayroon Kang Ocular Hypertension?

Ang ocular hypertension ay karaniwang walang sintomas. Walang mga palatandaang panlabas gaya ng pamumula o pananakit ng mata para sa kondisyong ito. Maaari lamang itong masuri sa isang pagsukat ng iyong IOP sa ilalim ng isang comprehensive eye exam na isinasagawa ng iyong doktor sa mata.

Ang presyon ng mata na 21 mmHg (millimeter ng mercury) o mas mataas pa ay nangangahuluganng mayroon kang ocular hypertension. Ang mataas na presyon ng mata ay mapanganib dahil nagbibigay ito ng mas mataas na puwersa sa loob ng iyong mata na maaaring makapinsala sa optic nerve. Ito ay kadalasang humahantong sa glaucoma.

Mga Sanhi Ng Mataas Na Presyon Ng Mata

Ang ocular hypertension at glaucoma ay may parehong mga sanhi na kinabibilangan ng:

Trauma sa mata. Ang injury o pinsala sa mata ay maaaring makaabala sa balanse ng acqueous production at drainage ng mata. Ang ocular hypertension na nagreresulta mula sa isang pinsala ay maaaring mangyari makalipas ang ilang buwan o taon. Tiyaking banggitin ang anumang pinsala sa mata na maaaring naranasan mo sa nakaraan upang maayos na masuri ang anumang mga komplikasyon tulad ng ocular hypertension.

Hindi sapat na drainage ng acqueous. Ang masyadong mabagal na pagdaloy ng acqueous sa drainage ng mata ay maaring makagambala sa normal na balanse ng produksyon ng likido at drainage ng mata.

Labis na produksyon ng acqueous. Ang acqueous humor ay ang malinaw na likido sa mata na nagmumula sa ciliary body sa likod ng iris. Ang likido na ito ay dumadaloy sa pamamagitan ng mga pupils at pinupunan ang puwang sa pagitan ng iris at ng kornea. Kung ang ciliary body ay gumagawa ng labis na acqueous, tumataas ang presyon ng mata.

Ang mga steroid na gamot o eye drops ay maaaring maging sanhi ng mataas na presyon ng mata sa mga mahihinang indibidwal. Kung ikaw ay niresetahan ng mga gamot na steroid, kumunsulta sa iyong doktor sa mata upang regular na masuri ang iyong IOP.

Ang iba pang mga kondisyon sa mata tulad ng pseudoexfoliation syndrome, pigment dispersion syndrome, at corneal arcus ay naiuugnay sa ocular hypertension. Ang mga kundisyong ito ay karaniwang nakakaapekto sa mga tao sa kanilang 40s at mga taong may mas manipis ng gitnang kornea. Kung mayroon kang anumang kasaysayan ng mga kundisyong ito, maaaring payuhan ka ng iyong doktor sa mata na magkaroon ng mas madalas na mga pagsusuri sa mata at pagsukat sa presyon ng mata.

Ocular Hypertension: High Eye Pressure

Paggamot Sa Ocular Hypertension

Ang ilang mga eye drops ay maaaring ireseta upang mabawasan ang presyon ng mata. Gayunpaman, ang mga gamot na ito ay maaaring magkaroon ng hindi kanais-nais na mga epekto kung kaya’t inirereseta lamang ito ng mga doktor kung magpapakita ka ng iba pang mga palatandaan ng pagkakaroon ng glaucoma.

Sa ibang mga kaso o kapag ang mga eyedrops ay hindi epektibo sa pagpapababa ng iyong IOP, ang iyong doktor sa mata ay maaaring magpatuloy sa iba pang mga hakbang sa paggamot sa glaucoma tulad ng pag-opera upang gamutin ang mataas na presyon ng mata. Dahil sa nakakabahalang panganib para sa glaucoma na may ocular hypertension, tiyaking regular na ipasukat ang iyong IOP upang masubaybayan ang kondisyon.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...