Ocular Migraine Vs Visual Migraine: Mga Sanhi, Sintomas, Paggamot, at Pag-iwas

Ang ilang mga tao ay maaaring may mga episodes ng pansamantalang pagkabulag, pagkakita ng mga basag na salamin, o ang sensasyon na para bang nakatingin sa isang basag na bintana sa kanilang paningin ngunit hindi nila alam kung ano ang tawag sa hindi pangkaraniwang bagay na iyon. Heto ang detalyadong eksplanasyon para rito.

Ang pansamantalang pagkabulag sa isang mata o paglabo ng paningin ay maaaring sanhi ng pagbawas ng daloy ng dugo sa retina o sa likod ng mata. Ito ay medikal na kilala bilang mga ocular migraines. Maaari din itong sanhi ng spasms sa mga daluyan ng dugo ng retina o sa likurang bahagi ng mata.

Sa isang bihirang kondisyon tulad ng ocular migraine, ang normal na paningin ay karaniwang babalik sa loob ng isang oras o higit pa. Gayunpaman, maaari itong samahan ng isang matinding sakit ng ulo o migraine, at para sa ilan, maaari rin itong walang dulot na anumang pananakit.

Bagaman ang ocular migraine at visual migraine ay napagpapalit, mayroon silang pinagkaiba sa kahulugan.

Suriin natin nang mabuti ang mga ocular migraine at visual migraines

Ano Ang Pagkakaiba Sa Pagitan Ng Ocular Migraine at Visual Migraine?

Kadalasan, pansamantala nakakaapekto sa isang mata lamang ang ocular migraine. Ito ay isang mas karaniwang kondisyon kumpara sa migraine aura. Ang migraine aura o kilala rin bilang visual migraine, ay nakakaapekto sa parehong mga mata.

Ang pagkakapareho sa pagitan ng mga kundisyong ito ay mayroon silang parehong mga sensasyon sa paningin tulad ng pag-flash ng ilaw, mga pattern na zigzag, o mga hitsura ng basag na salamin na maaaring sinasamahan ng sakit ng ulo.

A Guide to Ocular Migraine Vs Visual Migraine: Causes, Symptoms, Treatment, and Prevention

Mga Sintomas ng Ocular Migraine at Migraine Aura

Ang mga sintomas ng ocular migraine ay karaniwang nagsisimula sa isang blind spot sa gitna ng iyong paningin sa isang mata. Sa loob ng ilang minuto, ang blind spot na ito ay maaaring lumitaw na mas malaki na ginagawang mahirap ang mga normal na aktibidad tulad ng pagmamaneho o pagbabasa.

Sa matinding kaso, ang buong paningin ng isang mata ay nakokompromiso. Ang mga episodes na ito ng ocular migraine ay karaniwang tumatagal ng isang oras o higit pa.

Ang mga sintomas ng visual migraine ay may iba’t ibang mga pagkakaiba-iba na maaaring kabilang ang:
● Isang flashing blind spot sa malapit sa gitna ng iyong paningin
● Isang sirang salaming zig-zag na mala-singsing na ilaw na pumapaligid sa gitna ng isang blind spot
● Isang blind spot na dahan-dahang sinasakop ang buong visual field sa parehong mga mata

Ang lahat ng mga sintomas na ito ng visual migraine ay dapat makaapekto sa parehong mga mata. Kung isa lang ang naaapektuhan na mata, ito ay tatawaging ocular migraine. Ang mga sintomas na ito ay karaniwang tumatagal ng humigit-kumulang kalahating oras. Katulad ng isang ocular migraine, ang visual migraine o migraine aura ay maaaring samahan ng sakit ng ulo.

Paano Matukoy Ang Visual Migraine Mula Sa Ocular Migraine?

Ang ilang mga tao ay nahihirapang makilala kung ang mga sintomas sa paningin ay nakakaapekto sa isa o pareho mga mata lalo na kung sila ay nakakaranas din ng pananakit ng ulo. Ang pagtakip sa isang mata nang paisa-isa ay maaaring makatulong na makilala kung aling mata ang naaapektuhan.

Gayunpaman, ang paggawa nito ay hindi ito maaring tanggapin bilang diagnosis. Ang mga sintomas na ito ay maaaring palatandaan ng iba pang mga kondisyon at mas seryoso tulad ng retinal detachment. Huwag magbaka-sakali. Kung ang alinman sa mga sintomas na ito ay biglang umatake, pansamantalang itigil lahat ng iyong ginagawa, lalo na kung nagmamaneho ka. Tumabi sa daan at gawin ligtas ang sarili lalo na kung nagmamaneho at kumunsulta kaagad sa iyong doktor sa mata.

Ano Ang Mga Sanhi Ng Ocular at Visual Migraines?

Ayon sa mga dalubhasa sa medisina, ang mga ocular at visual migraines ay mayroong parehong sanhi sa migraine headaches. Ang migraine headaches ay maaaring namamana. Ang kakulangan sa tubig at tulog ay maaari ding maging sanhi nito. Ang dehydration ay madalas nakakaligtaan na sanhi ng migraine.

Ang iba pang karaniwang mga sanhi ng migraine ay pagkain. Ang mga aged cheese, caffeine, red wine, tsokolate, mga pinausukang karne, monosodium glutamate (MSG), at mga artipisyal na pangpatamis ay maaaring magpalitaw ng migraines sa ilang mga tao. Maaari ring sanhi ang tabako, malalakas na amoy, kumikislap o nakakasilaw na liwanag, at emosyonal na pagkapagod.

Ang mga imaging studies ay nagsiwalat na may mga pagkagambala sa daloy ng dugo sa utak sa mga episodes ng ocular at visual migraines. Gayunpaman, ang mga sanhi sa likod ng pagbabago ng daloy ng dugo ay hindi pa natutuklasan.

A Guide to Ocular Migraine Vs Visual Migraine: Causes, Symptoms, Treatment, and Prevention

Ano Ang Mga Paggamot Para Sa Ocular at Visual Migraines?

Sa karamihan ng mga kaso, ang mga pagkagamabala sa paningin at pananakit ng ulo na ito ay karaniwang nawawala nang kusa sa loob ng ilang minuto. Ang pinakamahusay na paraan upang mapawi ang migraines ay iwasan ang mga sanhi nito. Kung umatake ang migraine habang gumagawa ng mga aktibidad, pansamantalang huminto at irelax ang sarili hangga’t bumalik sa normal ang paningin.

Kung makaranas ng biglaang pagsakit ng ulo na may kasamang visual disturbances, tawagan kaagad ang iyong doktor para sa tamang pagsusuri at paggamot. Ito ay maaaring isang pangunahing sintomas ng isang mas kumplikadong medical emergency.

Ang pagpapatingin sa isang neurologist ay maaari ding makatulong na alisin ang mga posibleng dahilan para sa malulubhan mga sintomas na iyong nararanasan. Maaaring magreseta ang iyong doktor ng pinakabagong mga gamot para sa pagpapagaling ng migraines.

Paano Maiiwasan Ang Visual at Ocular Migraines

Ang isa sa mga pinaka mabisang paraan upang maiwasan ang pag-atake sa hinaharap ng mga ocular at visual migraines ay ang pag-iwas sa mga sanhi nito. Ang pagpapanatili ng isang journal ng iyong diyeta at mga aktibidad bago ang pag-atake ng visual at ocular migraines ay maaaring makatulong na makilala ang mga potensyal na triggers.

Kung sakaling ang iyong ocular migraines o migraine auras ay na-titrigger ng stress tulad ng emotional stress, maaari mong maiwasan ang mga pag-atake sa hinaharap kahit na walang gamot. Kailangan mo lamang piliin ang mas mas malusog na pamumuhay o healthy lifestyle. Narito ang mga sumusunod na hakbang na maaari mong sundin:

● Magkaroon ng sapat na halaga ng pahinga
● Huwag kalimutang magrelax
● Regular na kumain ng masusustansyang pagkain
● Iwasan ang mga kilalang sanhi ng migraine
● Magkaroon ng sapat na tulog
● Regular na pag-eehersisyo
● Gumawa ng ilang mga stress-buster tulad ng yoga at massage

NAKAKARANAS KA BA NG MGA VISUAL DISTURBANCES? Huwag magbaka-sakali. Makipag-ugnay kaagad sa iyong doktor sa mata.

Related Posts

Paano Mo Nakikita ang mga Kulay sa Isang Pagsusuri ng Color Blindness?

Kung sa tingin mo ay may kakulangan ka sa paningin ng kulay o kilala rin...
young girl sinking into sidewalk

Bata na Babaeng Lumulubog sa Bangketa (Optical Illusion)

Paminsan-minsan, may mga larawan na kinukunan na sobrang nakalilito na halos magdulot ito ng pagkamangha...

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...