Ang Mga Sanhi at Paggamot ng Black Eye

Ang isang black eye ay kilala rin bilang isang shiner na lumilitaw kapag nangyari ang isang injury na malapit sa mata. Mayroong sirang daluyan ng dugo sa ilalim ng balat na nagdudulot ng isang pasa o pagkawalan ng kulay. Ang karaniwang sanhi nito ay ang blunt force trauma. Mayroon ding pamamaga kapag mayroon kang black eye.

Kahulugan Ng Black Eye

Ang periorbital hematoma ay ang klinikal na termino para sa black eye. Ang isang black eye ay isang kondisyon kung saan mayroong akumulasyon ng dugo sa mga tisyu sa paligid ng orbita ng mata. Ang socket ng mata ay manipis at transparent kaya kahit kaunting pooling lamang ng dugo ay nagiging kapansin-pansin. Ang anumang blunt force trauma sa paligid ng mata ay maaaring makapinsala sa mga daluyan ng dugo na maaaring humantong sa pagkakaroon ng black eye.

Ang Mga Sanhi Ng Black Eye

Hindi maiiwasan ang mga aksidente. Maaari itong mangyari habang naglalakad, naglalaro, o kahit na gumaganap lamang ng pang-araw-araw na mga gawain. Ang black eye ay karaniwang resulta ng isang aksidenteng paghampas sa paligid ng iyong mata. Ang iba pang mga sanhi ay ang cosmetic eye surgery, sinus surgery, nasal surgery, dental work, at impeksyon sa ngipin.

Ang hyphema ay ang pagdurugo sa loob ng anterior na bahagi ng mata at isang seryosong kondisyon na maaaring mangyari kapag mayroon kang black eye. Kung hindi ito magagamot, maaari itong humantong sa pagkawala ng paningin at pagtaas ng presyon ng mata. Ang isang subconjunctival hemorrhage ay isa pang kundisyon ngunit maaaring malutas nang walang paggamot. Ito ay isang kondisyon kung saan ang sclera ng mata ay lumilitaw na mapula.

The Causes and Treatment of Black Eye

Paggamot Ng Black Eye

Bago maglagay ng anumang bagay sa iyong black eye para sa paggamot, mahalaga na kumunsulta muna sa isang doktor sa mata. Kung ang mga sumusunod na sintomas ay naroroon, agad na humingi ng medikal na atensiyon:

  • Hyphema
  • Pagdugo ng ilong
  • Pagkahilo o pagkahimatay
  • Mga pagbabago sa paningin
  • Pagsusuka
  • Hindi makagalaw na mata
  • Pagbabago sa pag-uugali
  • Matinding sakit
  • Parehong pasa sa magkabilang mata
  • Mga palatandaan ng impeksyon
  • Labis na pamamaga

Ang home remedy para sa minor na black eye ay cold compress pagkatapos ng injury. Ilapat ito nang halos 15 hanggang 20 minuto bawat oras. Maaari mong gamitin ang mga bag ng frozen peas o kaya pinalamig na metal na kutsara ngunit wag mong gagamitin ang malamig na hilaw na karne dahil maari itong makadulot ng impeksyon. Ang mga over-the-counter na analgesics ay makakatulong din sa minor na pananakit ngunit huwag gagamit ng aspirin dahil maaari nitong gawing mas malala ang iyong black eye.

The Causes and Treatment of Black Eye

Mga Paraan Upang Mapuksa Ang Isang Black Eye

Ang panahon ng pagpapagaling ng black eye ay hindi lamang magdamag dahil tumatagal ito ng hanggang ilang linggo bago mawala. Ito ang mga paraan na makakatulong upang mapabilis ang paggaling at mapabuti ang hitsura ng mata:

  • Cold compress pagkatapos ng injury
  • Warm compress pagkatapos ng isang araw o dalawa matapos magcold compress
  • Masahihin ang paligid ng pasa
  • Uminom ng Vitamin C at pinya
  • Gumamit ng bilberry extract upang mabawasan ang pasa

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...