Ang optic nerve ay ang koneksyon sa pagitan ng mata at utak kung saan pinoproseso at inililipat ang mga visual na impormasyon. Kung namamaga ang optic nerve, ito ay tinatawag na optic neuritis.
Sa panahon ng pamamaga, napipinsala nito ang protective sheath o myelin na pumapalibot sa nerve. Maari itong makaapekto sa iisa o parehong mga optic nerve.
Nagdudulot ang optic neuritis ng mga sintomas sa paningin tulad ng paglabo, blind spots, o kumpletong pagkawala ng paningin. Tuwing ginagalaw mo ang isa o parehong mata, maaari kang makaranas ng baluktot na paningin at nabawasang color vision o pananakit.
Inilalarawan ng optic neuropathy na mayroong isang abnormalidad o pinsala sa optic nerve. Maaari itong mula sa mga kondisyong medikal, toxic exposure, o baradong daluyan ng dugo. Ang optic neuritis ay isa sa mga pinangalanang sanhi ng optic neuropathy.
Mga Sanhi Ng Optic Neuritis
Ang kondisyong ito ay maaaring mangyari sa lahat ngunit mas karaniwan ito sa mga may sapat na gulang na mas mababa sa 45. Nakakaapekto rin ito sa mas maraming kababaihan kaysa sa mga lalaki. Karaniwan din ito sa mga indibidwal na mayroong multiple sclerosis (MS) dahil ang protective nerve coverings ay nasisira kapag ang immune system ay inaatake ang sarili.
Kapag napinsala na ang mga ugat dahil sa MS, maaari itong makaapekto sa paningin at humantong sa pagkawala ng kakayahang kumilos at makadama.
Ito ang iba pang mga sanhi ng optic neuritis:
- Neuromyelitis Optica Spectrum Disorder
- Anti-MOG Ab associated Syndrome
- Acute Disseminated Encephalomyelitis
Ito ang mga sanhi ng optic neuropathy:
- Toxoplasmosis, cryptococcus, herpes simplex, at iba pang mga impeksyon
- Mga viral infections
- Mga neurological disorders
- Leber hereditary optic neuropathy, isang namamanang kondisyon na maaring magdulot ng tuluyang pagkawala ng paningin na nakakaapekto sa 20 o 30 taong gulang na mga lalaki
- Ang ilang mga gamot tulad ng ethambutol at vigabatrin
- Kakulangan sa nutrisyon
Kapag mayroon kang optic neuritis, maari mong maranasan ang afferent pupillary defect na kung saan ang mga pupils ay lumawak pag natatapat sa maliwanag na ilaw sa halip na pagconstrict. Ang optic nerve ay maaaring magmukhang normal o namamaga depende sa kalubhaan ng kondisyon.
Kailangan ng isang MRI para sa mga indibidwal na mayroong optic neuritis upang matukoy ang mga sanhi ng pamamaga o anumang mga pinsala sa CNS.
Paggamot
Sa mga nagdaang pag-aaral, ang paggamot para sa optic neuritis ay nagbago. Ang Optic Neuritis Treatment Trials (ONTT) ay gumagamit ng iba’t ibang paggamot tulad ng intravenous (IV) steroid, oral steroid, o placebo at sinusuri pagkatapos.
Sa mga resulta ng ONTT, ang paggamot ay isang kombinasyon ng IV at oral steroid ngunit hindi na inirerekumenda ang paggamit ng mababang doses ng steroid kadalasan.
Ang Plasmaexchange (PLEX) ay kabilang sa mga posibleng paggamot na syang naglilinis ng mga components ng immune system na nagdudulot ng pamamaga.