Pagkakaiba Ng Allergies At Pink Eye

Ang pula at makakati na mga mata ay nangangailangan ng agarang lunas dahil maaari nitong hadlangan ang pagiging produktibo. Ang dalawang sintomas na ito ay maaaring mangahulugan na mayroon kang pink eye o allergy lamang. Ito ay maaaring nakalilito kapag sinusubukan mong makahanap ng tamang lunas.

Dahil ang pareho ay may mga katulad na sintomas tulad ng discomfort, discharge, at pamumula, ang pag-alam kung ito ay allergy o pink eye ay maaaring maging nakakalito.

Narito ang isang gabay upang matulungan kang matukoy ang pagkakaiba ng allergy at nakakahawang pink eye. Ang tumpak na pagtukoy sa pagkakaiba ng dalawa ay makatutulong na malaman at tamang paggamot at makaiwas sa posibleng pagkahawa ng iba.

pagkakaiba ng allergies at pink eye

Pink Eye Ba O Allergies?

Ang pangunahing pagkakaiba nila ay ang kanilang mga sintomas. Mayroong iba’t ibang mga uri ng pamamaga ng conjunctiva. Ang pula at makati na mga mata na may watery discharge o matubig na nilalabas sa mata ay maaring sintomas ng conjunctivitis o pink eye. Ang bawat uri ay may kaniya-kaniyang katangian.

Bacterial Pink Eye – Maaari itong maganap sa isa o parehong mata. Ito ay may higit na crusting at discharge na madilaw-dilaw o maberde. Dahil sa discharge na inilalabas ng mata, ang mga eyelids ay maaring magdikit at magdulot ng pagkahirap sa pagdilat lalo na sa umaga pagkagising.

Viral Pink Eye – Ito ay ang pinakakaraniwang uri ng pink eye at labis na nakakahawa. Karaniwang sanhi nito ang respiratory infection, sipon, o flu virus. Maaari rin itong maganap sa isa o parehong mata at may maihahambing na itsura sa isang allergy.

Allergic Conjunctivitis – Ang ganitong uri ay natitrigger ng mga allergens at maaring makaapekto sa dalawang mata. Ito ay sinusundan ng iba pang mga sintomas tulad ng pagbahing at pagkabara ng ilong. Ang mga eyelids ay maaring mamaga at maging sensitibo sa ilaw.

Chemical Conjunctivitis – Ito ay sanhi ng isang irritant na nakapasok sa loob ng mata.

Kilala din ang pink eye bilang impeksyon ng conjunctiva sa medikal na termino. Ito ay nangyayari kapag ang conjunctiva, ang puting bahagi ng mata, ay naimpeksyon. Ang mahapding pakiramdam, pamumula, pamamaga, pangangati, at pagluluha ay ilan sa mga sintomas ng pink eye. Subalit, tanging ang viral at bacterial pink eye lamang ang nakakahawa.

“Ang isang taong may pink eye ay karaniwang may discharge na nagsisimula sa isang mata at siya ding maapektuhan ang isa pang mata.”, ayon kay Wuqaas M. Munir, MD. “Ang pink eye ay mas nakakairita ang pakiramdam kaysa sa makating mata lamang o allergies.”, idinagdag niya.

Bukod sa sanhi, ang pagkakaiba ng allergy at pink eye ay sa discharge consistency o ang inilalabas na likido ng mata. Ang isang makapal na discharge na tulad ng paglabas ng nana o pus na pinagdidikit ang mga takipmata ay kadalasan tiyak na sintomas ng bacterial conjunctivitis. Ang pamamaga ay maaring mahawaan ang isa pang mata kapag madalas na kinakamot ang parehong mata.

Ang allergic conjunctivitis naman ay hindi nakakahawa at natitrigger lamang ng mga allergens tulad ng pollen at alikabok. Ang iyong katawan ay naglalabas ng histamine na nagdudulot ng pamamaga bilang tugon sa mga allergen. “Kung titingnan natin ang ilalim ng takipmata, maaari nating makita ang mga maliliit na umbok na tinatawag na papillae na dulot ng allergies”, sabi ni Jules Winokur, MD.

pagkakaiba ng allergies at pink eye

Paggamot At Pag-iwas

Ang bacterial pink eye ay maaring gamutin gamit ang antibiotics. Subalit, ang viral pink eye naman ay nagagamot lamang ng eye drops at hindi antibiotics. Ang pink eye ay maaaring magamot ng mga antibiotics. Para sa mga allergy, ang antihistamine, corticosteroids, at eye drops ang ilang mga lunas.

Upang maiwasan ang bacterial o viral pink eye, ugaliing maghugas at magsanitize ng kamay palagi, iwasan ang hiraman ng mga produktong pangmata, laging linisin ang contact lens, at iwasan ang pakikihalubilo sa mga taong may pink eye.

Upang maiwasan ang mga sintomas ng allergy, alamin ang iyong allergy history at iwasan ang mga karaniwang triggers o allergens na nagpapalala ng iyong allergy. Laging linisin ang bahay at kapaligiran, palitan ang mga kobre kama at punda at uminom ng iyong allergy medication sa tamang oras.

Karamihan sa mga kaso ng pink eye ay banayad lamang at kadalasang mawawala nang walang paggamot sa loob ng 1-2 linggo. Gayunpaman, kung nais mong mapabilis ang paggaling o kung hindi mo na kayang tiisin ang mga sintomas, makipagugnayan kaagad sa iyong doktor o ophthalmologist upang mapasailalim sa pinakaepektibong lunas.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...