Maaaring matuklasan ng iyong optalmolohista ang maliliit at pinong mga kristal sa gitna ng iyong macula. Ito ay isang tanda ng macular telangiectasia (MacTel). Maaari din nilang makita ang pagkawala ng kulay ng macula, hindi regular na mga daluyan ng dugo sa ilalim ng macula, mga deposito ng lipid (fat), at mga pigment clumps.
Ang iyong paningin ay masusing susuriin ng iyong doktor sa mata. Sasailalim ka din sa Amsler grid test upang malaman kung mayroon kang anumang wavy o madilim na mga spot sa iyong gitnang paningin. Gumagamit ang doktor ng mga eye drops upang mapalawak (dilate) ang iyong mga pupil. Ang isang ophthalmoscope ay gagamitin din upang suriin ang iyong retina at iba pang parte sa likod na bahagi ng iyong mata.
Paano Nakukuha Ang Mga Larawan Ng Mata
Kung pinaghihinalaan ng iyong optalmolohista ang MacTel, malamang na kakailanganin ang espesyal na larawan ng iyong mata. Ang optical coherence tomography (OCT), OCT angiography (OCTA), at fluorescein angiography (FA) ang gagamitin ng iyong doktor.
Ang optical coherence tomography (OCT) ay gumagamit ng ilaw upang lumikha ng mga representasyon ng pinagbabatayan na istraktura ng retina. Ang kapal ng retina ay makikita sa mga larawang ito. Makakatulong ito sa pagtuklas ng pamamaga at abnormal na mga daluyan ng dugo sa iyong mata.
Ang isang dilaw na dye o tina ang ipapasok sa iyong ugat sa braso sa fluorescein angiography (FA). Naaabot ng tina ang bawat bahagi ng iyong katawan, kabilang ang iyong mga mata. Kapag umabot ng ang dye sa iyong mga ugat sa retina, ang FA ay kukuha na ng litrato. Ang dye ay nagdadala ng pansin sa mga abnormalidad sa iyong mata. Ang FA ay kadalasan inuulit lalo na kapang ang paningin ay palala nang palala.
Ang mga close-up na larawan ng mga daluyan ng dugo sa loob at ilalim ng retina ay kinukuha din kasama ng optical coherence tomography angiography (OCTA). Ito ay katulad ng fluorescein angiography pero hindi gumagamit ng dye.
Paggamot Sa Macular Telangiectasia
Sa nakaraang mga taon, ang mga mananaliksik ay pinagaralan ang iba’t-ibang mga MacTel therapies na maaring gamitin. Sa kasamaang palad, wala sa mga ito ang napatunayang epektibo sa pagpapabuti ng paningin. Gayunpaman, maraming mga pasyente ang hindi nangangailangan ng pangangalagang medikal kung ang kanilang kondisyon ay may kanais-nais na prognosis.
Maaaring gamitin ang mga laser treatments sa ibang mga sitwasyon upang matulungan ang pag-seal ng mga may tagas na ugat. Dahil sa mga posibleng side effects, hindi inirerekumenda ang paggamot na ito. Sa ibang mga kaso, ang mga optalmolohista ay maaaring magsagawa ng mga steroid injection o iba pang mga gamot para sa MacTel.
Ang mga anti-VEGF (vascular endothelial growth factor inhibitors) injections ay maaari ring maging kapaki-pakinabang. Ang pagkakaroon ng pagbuo ng mga irregular na daluyan ng dugo sa ilalim ng retina ay isang malubhang side effect ng MacTel. Ang choroidal neovascularization ay ang term para rito. Nakatutulong ang gamot na Anti-VEGF sa pamamagitan ng pagpigil nito sa mga kemikal ng iyong mata na nagdudulot ng mga abnormal na daluyan ng dugo sa ilalim ng retina. Ang mga injection na ito ay nakatutulong mapahupa ang pamamaga at mapabagal ang pagbuo ng mga abnromal na daluyan ng dugo na nagdudulot ng tagas sa mga ugat. Ang paggamot na ito ay maari ring makatulong na mapahusay ang paningin sa ilang mga kaso.
Sa kasamaang palad, ang mga paggagamot ay hindi laging matagumpay. Kasalukuyan pa ring nangangailangan ng mga clinical trials upang makakuha ng mas malalim na pag-unawa sa sakit na ito upang makahanap ng mga bagong therapies. Ang mga taong may MacTel ay maaring matulungan ng mga low vision aids upang masulit ang kanilang natitirang paningin.