Ang edad, allergy, pinag-uugatang sakit, at iba pang mga kadahilanan ay maaaring maging sanhi ng mga pamumula o red rings sa paligid ng mga mata. Kung minsan, ang mga home remedies ay sapat na upang matugunan ang ugat ng problema. Gayunpaman, ang ilang mga tao ay maaaring mangailangan din ng medikal na atensyon sa ilang mga kaso.
Karaniwang Dahilan Ng Pamumula Sa Paligid Ng Mata
- Contact dermatitis
Ang allergic contact dermatitis at irritating contact dermatitis ay ang dalawang uri ng contact dermatitis.
Dahil sa pagkakalantad sa isang kemikal o iba pang substance, ang irritant dermatitis ay maaaring maging sanhi ng mga red rings o pamumula sa paligid ng mga mata. Ang sunscreen, cosmetics, at alikabok ay ilan sa mga potensyal na irritants.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pinakakaraniwang paggamot para sa dermatitis:
- cold compress
- mga injection ng steroid hormones o oral medicines.
Maliban kung inabisuhan ka ng iyong doktor, dapat iwasan ng isang tao ang paggamit ng mga lotion malapit sa kanilang mga mata.
- Pagtanda
Habang tumatanda ang mga tao, ang balat sa paligid ng kanilang mga mata ay nagsisimulang numipis at lumubog, na humahantong sa pagkawala ng kulay. Ang mga eye bags o red rings sa mata ay maaari ding sanhi ng iba’t ibang mga kadahilanan, kabilang ang paninigarilyo, allergy, at fluid retention.
Ang mga red rings o pamumula sa paligid ng mga mata na kasama ng pagtanda ay karaniwang hindi nakakapinsala. Gayunpaman, ayon sa National Institute on Aging, ang mga tao ay maaaring mapabuti ang kanilang kalusugan sa mata sa pamamagitan ng pagsunod sa mga habits na ito habang sila ay tumatanda:
- pagsusuot ng sunglasses na humaharang sa mga sinag ng UV
- pag-iwas sa paninigarilyo manigarilyo
- pagkonsumo ng masustansyang diyeta
- pagpapanatili ng malusog na timbang ng katawan
- pagpapanatili ng normal na presyon ng dugo
- pamamahala ng diabetes.
- Cellulitis ng preseptum o orbit
Ang preseptal cellulitis at orbital cellulitis ay dalawang sakit na halos magkapareho. Ang pang-ibabaw na tisyu, tulad ng mga talukap ng mata at nakapaligid na balat, ay apektado sa preseptal cellulitis. Ang orbital cellulitis ay isang uri ng cellulitis na nakakaapekto sa mata at sa nakapaligid na tissue nito.
Parehong maaaring magdulot ng iba’t ibang sintomas, kabilang ang:
- pamumula ng mata
- lagnat
- pamamaga
- pananakit.
Ang preseptal cellulitis ay nagdudulot ng kaunting sakit o pagkawala ng paningin. Gayunpaman, kapag sinubukan ng isang taong may orbital cellulitis na igalaw ang kanyang mata, maaari itong magdulot ng malabo o dobleng paningin, pag-umbok ng mata, at pananakit. Ang orbital cellulitis, kung hindi gagamutin, ay maaaring magresulta sa permanenteng pagkawala ng paningin.
Ang mga intravenous antibiotic ay kadalasang epektibo laban sa parehong sakit. Gayunpaman, depende sa kondisyon, maaaring mangailangan ng operasyon.
- Atopic dermatitis
Ang pinakakaraniwang uri ng eksema ay atopic dermatitis, na nakakaapekto sa mga batang may edad na limang taong gulang pataas. Ang atopic dermatitis ay maaaring magdulot ng pamumula sa paligid ng mga mata at ilagay ang isang tao sa panganib para sa mga impeksyon sa mata, kabilang ang pink eye o pamamaga ng kornea.
Karaniwang ginagamot ng mga doktor ang mga sintomas ng kondisyon sa pamamagitan ng pagmumungkahi:
- paliligo, moisturizing, at pagiging banayad sa balat
- pag-iwas sa mga potensyal na triggers
- pageksperimento sa light therapy.
Bago mag-apply ng mga ointment o cream sa paligid ng mga mata, dapat kumunsulta muna sa iyong doktor.
- Blepharitis
Ang blepharitis ay isang bacterial o iba pang pamamaga na nauugnay sa impeksyon sa mga talukap ng mata na maaaring magdulot ng discomfort at pamumula sa paligid ng mga mata. Maaari rin itong magdulot ng pagtuklap ng balat sa bandang pilikmata na parang balakubak.
Dapat iwasan ng mga pasyente na may blepharitis ang paghawak sa kanilang mga mata. Dapat din nilang hugasan nang maayos ang kanilang mga kamay kung hindi nila sinasadyang mahawakan ang kanilang mga mata.
Pagsusuri
Ang isang doktor ay maaaring magsagawa ng pagsusuri sa mata upang matukoy ang dahilan ng mga red rings o pamumula sa paligid ng mga mata. Dapat mong sabihin sa iyong doktor kung mayroon kang mga pantal sa ibang parte ng iyong katawan.
Ang iyong doktor ay maaaring siyasatin ang iba pang mga sintomas na nararanasan mo. Ito ay maaaring makatulong sa pagtukoy ng pinagmulan ng pamumula sa paligid ng mga mata.
Kung magkakaroon ka ng hindi maipaliwanag na mga red rings o patches sa paligid ng iyong mga mata, pinakamahusay na kumunsulta kaagad sa isang doktor.