Ang pink eye ay kilala rin bilang conjunctivitis na sanhi ng isang virus o bakterya. Ang mga sintomas na maaaring naroroon ay makati, pula, nagtutubig, at kung minsan ay maraming discharge na mata. Ang pink eye ay nakakahawa nang ilang araw hanggang linggo mula na lumabas ang mga sintomas.
Kapag ang mga bata ay nasuri na may pink eye, pinapayuhan silang manatili sa bahay hanggang sa mawala ito. Ito ay sapagkat ang impeksiyon ay lubos na nakakahawa pagdating sa mga paaralan at day center.
Para sa kaligtasan ng lahat, mas mahusay na lumabas kung wala na ang mga sintomas na maaaring tumagal ng tatlo hanggang pitong araw.
Ang sumusunod na pagbabago sa hitsura ay maaaring isang palatandaan na ang pink eye ay kumukupas na:
● Ang sclera o ang puti ng mata ay dapat bumalik sa orihinal na kulay na nangangahulugang hindi na dapat ito namumula
● Dapat ay walang dilaw na discharge sa mga sulok ng iyong mga mata
● Hindi na nakakaranaas ng sticky eyes o ang pamumuo ng discharge sa talukap at pilikmata
Mga Paggamot Sa Pink Eye
Ang paggamot para sa pink eye ay nakasalalay sa kung ano ang sanhi nito, maaari itong dulot ng bakterya o mga virus.
Kung ang sanhi nito ay bakterya, ang mga antibiotic na pamahid o eye drops ay epektibo upang gamutin ang conjunctivitis. Para umepekto nang tuluyan ang eye drops, kakailanganin ng halos 24 oras.
Kung ito ay sanhi ng isang virus, walang paggamot maliban sa hayaan ang virus na magpatakbo ng kurso nito. Ang tanging bagay na maaaring gawin ay pawiin ang mga sintomas na naroroon. Kung nakakaranas ka ng irritability sa iyong mga mata, maglagay ng mga eye drops upang pawiin ito.
Maaaring magkaroon ng senaryo kung saan ang pink eye ay sanhi ng allergy sa mata na nangangahulugang hindi ito nakakahawa. Mahalagang kumunsulta sa isang doktor sa mata upang matiyak kung anong uri ng pink eye ang mayroon ka.
Pagkalantad Sa Nakakahawang Pink Eye
Ginagawang mas mahirap malaman kung gaano katagal nakakahawa ang pink eye kung hindi alam ang sanhi nito. Maraming mga paraan ng pagkalantad sa nakakahawang pink eye tulad ng paglangoy sa pool na may ilang mga adenovirus o pagkalantad sa mga kontaminadong bagay.
Upang maiwasan ang peligro na makakuha ng mga nakakahawang pink eye, lumangoy nang may gamit na goggles upang maiwasan ang pagkakalantad ng mga mata sa tubig. Huwag hawakan ang iyong mga mata gamit ang maduming mga kamay na dumikit sa iba’t ibang mga bagay dahil maaari itong mahawahan.
Ipaalam sa doktor ng mata kung walang pagpabuti sa iyong pink eye habang ginagamot ito.