Ang mga puting umbok sa ilalim ng mga mata ay karaniwang hindi nakakasama at maaari itong mawala nang kusa. Gayunpaman, ang sinumang nag-aalala tungkol sa kanilang hitsura o kalusugan ay dapat kumunsulta sa doktor.
Bagaman karaniwan ang mga umbok o bumps sa ilalim ng mga mata, mayroon pa ring maliit na posibilidad na maging sintomas ito ng kanser, malubhang impeksyon, o isang kondisyong maaaring maging sanhi ng pagkasira ng mata.
Milia
Ang milia ay maliliit at hindi nakakapinsalang mga cyst na nabubuo kapag ang keratin, isang protina na matatagpuan sa balat, ay nagbabara sa ilalim ng balat. Maaaring lumitaw ang milia na flat o tulad ng whitehead, at madalas silang hile-hilera.
Ang milia ay maaaring humantong sa pinsala sa balat o impeksyon kung sila ay naputok. Ang mga milia ay karaniwang nawawala sa kanilang sarili at halos hindi nagpapahiwatig ng isang pangunahing problema sa kalusugan. Gayunpaman, maaari ring lumabas ang milia pagkatapos ng pinsala sa balat o kapag nagsimula kang uminom ng bagong gamot.
Paggamot Sa Milia
Ang milia ay hindi nakakapinsala at hindi kailangang gamutin. Gayunpaman, ang ilang mga tao ay hindi gusto na nakikita ang mga umbok na ito at maaaring humingi ng gamot upang matanggal.
Ang milia ay maaaring mawala sa kanilang sarili o unti-unting magfade kung titigilan ang pag-inom ng mga gamot na maaaring nagdudulot nito.
Kung magpatuloy ang milia, maraming iba pang mga pagpipilian sa paggamot:
● mga topical na lotion upang makatulong sa pagtuklap ng balat
● mga warm compress upang buksan ang milia at dalhin ang mga ito sa ibabaw
● laser therapy
● drainage at pagtanggal sa pamamagitan ng operasyon
Syringomas
Ang syringoma ay isang benign tumor na matatagpuan sa sweat glands. Lumilitaw ito sa iba’t ibang kulay, kabilang ang puti, dilaw, rosas, kayumanggi, malakulay ng balat, at madalas silang lilitaw na kumpol-kumpol sa ilalim ng mga mata o sa pisngi.
Karaniwan, ang syringomas ay hindi nagdudulot ng pananakit. Karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa mga kababaihan kaysa sa mga lalaki. Maaari silang lumaki o bumuo ng napakalaking mga kumpol sa ibang mga kaso, ngunit sila ay kadalasang hindi nakakapinsala. Ang syringomas ay maaaring tumubo sa anumang bahagi ng katawan. Ang ilang mga tao, halimbawa, napapansin nila ito sa paligid ng kanilang maselang bahagi ng katawan.
Paggamot Sa Syringoma
Ang syringomas, tulad ng milia, ay kadalasang hindi nakakapinsala at hindi nangangailangan ng paggamot. Ang ilang mga tao, sa kabilang banda, ay maaaring gustuhin na gamutin ang mga ito dahil sa mga kadahilanang kosmetiko.
Ang mga opsyon sa paggamot para sa syringoma ay kinabibilangan ng:
● laser therapy
● minor na operasyon
● dermabrasion
Bagaman ang mga ito ay karaniwang hindi nakakasama, mahalaga pa rin na makipag-ugnay sa iyong doktor kung ang mga puting umbok sa ilalim ng mga mata ay hindi nawawala. Bilang karagdagan, ang iba pang mga sanhi ng puting mga bukol o umbok sa ilalim ng mga mata tulad ng mga stye, chalazion, at cancer sa mata ay maaaring mangailangan ng agarang atensyong medikal.