Ano Ang Kahulugan Ng Red Spot Sa Mata?

red spot sa mata

Maaaring hindi mo mamalayan hanggang sa may isang tao na magsabi sayong mayroon kang pulang spot sa mata. Narito ang posibleng sinasabi nito tungkol sa iyong kalusugan.

Maaaring nakakagambala na makita ang isang pulang spot sa iyong mata. Gayunpaman, ang magandang balita ay bihira itong maging isang medical emergency. Ang karaniwang sanhi ng isang pulang spot sa mata ay isang akumulasyon ng dugo sa ilalim ng conjunctiva dahil sa isang subconjunctival hemorrhage.

Ang conjunctiva, na kilala rin bilang sclera, ay ang puting bahagi ng mata. Ito ay isang transparent na membrane na sumasaklaw sa ibabaw ng mata at naglalaman ng mga capillary na maaaring masira o tumagas pagkatapos ng biglang pagtaas ng presyon ng dugo.

Sa kabila ng hitsura nito, marahil ay hindi ka makaramdam ng kahit ano. Karaniwan itong hindi nakakapinsala at gumagaling nang kusa ayon sa American Academy of Ophthalmology.

 

Ano Ang Sanhi Ng Red Spot Sa Mata?

Ang isang subconjunctival hemorrhage ay isang pangkaraniwang sanhi ng pulang spot sa mata. Ayon sa Healthline, ang subconjunctival hemorrhage ay nangyayari kapag ang isa o higit pang maliliit na mga daluyan ng dugo sa iyong mata ay nasisira at nagkakaroon ng tagas. Maaari itong mangyari pagkatapos ng hindi inaasahang pag-ubo o pagbahing.

Ang mga capillary ng mata ay marupok na maaaring madaling masira ng isang simple at pansamantalang pagtaas ng presyon. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pinaka-karaniwang dahilan ng isang pulang mata:

  • pagbubuhat ng mabibigat
  • pinsala sa mata
  • pagdumi
  • panganganak
  • marahas na pagkuskos ng mata
  • pangangati sanhi ng contact lens
  • pagbahing
  • ubo
  • pagsusuka

Subalit, ang hypertension mismo ay hindi pangkaraniwang sanhi ng mga pulang spot sa mata.

Hindi pangkaraniwang mga sanhi ng subconjunctival hemorrhages ay kinabibilangan ng:

  • hypertension
  • mga gamot na blood thinners
  • diabetes

red spot sa mata

Paano Magagamot Ang Red Spot Sa Mata

Ang subconjunctival hemorrhages ay hindi karaniwang nangangailangan ng paggamot. Sa loob ng ilang linggo, ang pulang spot ay maaaring gumaling nang kusa. Kung nababagabag sa pangangati o pagkatuyo, ang mga artificial tear eye drops na maaaring mabili sa mga botika ay karaniwang napapagaan ang discomfort. Ang inireseta ng doktor na antibiotic eye drop ay maaari ring magamit upang gamutin ang isang pulang spot na sanhi ng bacterial infection. 

Tandaan na kapag ang pulang spot ay dahan-dahang nagbabago ng kulay mula sa pula hanggang dilaw o orange, ito ay tanda ng paggaling. Tulad ng isang pasa, ito ay unti-unting mawawala sa paglipas ng panahon.

Narito ang ilang mga remedyo sa bahay na maaari mong subukan upang mapawi ang discomfort at mapabilis ang paggaling:

  • Malamig na compress upang bawasan ang pamamaga
  • Warm compress upang mapagaan ang pangangati
  • Pag-iwas sa pagsuot ng contact lens hanggang sa ganap na gumaling ang mata
  • Gumamit ng artificial lens upang mabawasan ang pagkatuyo
  • Pag-iwas na kuskusin ang mga mata

Kung wala ng iba pang mga sintomas bukod sa pulang spot sa iyong mata, marahil ay hindi mo kailangan ng tulong medikal. Gayunpaman, kung ang alinman sa mga ito ay mangyari, maaaring kailanganin mo ng karagdagang tulong mula sa iyong doktor.

  • Walang senyales ng paggaling ng pulang spot makalipas ang dalawang linggo
  • Malabong paningin
  • Discharge sa mata
  • Pasa sa paligid ng mata
  • Hindi karaniwang sakit ng ulo
  • Ang mga pulang spot ay madalas na umuulit nang walang maliwanag na dahilan.

Kung mayroon kang isang kasaysayan ng hypertension, pagdurugo, o diabetes, magkaroon ng isang kumpletong pagsusuri sa mata kahit isang beses bawat taon at subaybayan kaagad ang anumang bago o lumalala na mga sintomas. Ang pagkakaroon ng maraming subconjunctival hemorrhages ay maaaring maghudyat ng iba’t ibang pinagbabatayan na mga karamdamang medikal, kabilang ang conjunctival amyloidosis. Humingi ng agarang atensyong medikal kung magpapatuloy ang mga sintomas.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...