Responsable Ba Ang Mga Genes Sa Pagkakaroon Ng Microphthalmia?

Ang isang abnormalidad sa mata na kilala bilang microphthalmia ay nakikita bago pa ipanganak ang isang sanggol na kung saan ang mga eyeballs ay maaring magmukhang masyadong maliit. Maaring ring nawawala ang mismong eyeball sa ibang mga indibidwal. Mayroon din namang tissue na lamang ang natira sa mga mata. Madalas napagbabaliktad ng karamihan ang kahulugan ng microphthalmia at anophthalmia. Ang anophthalmia ay kapag ang buong eyeball ay wala. Ang pinakamalalang maidudulot ng microphthalmia ay pagkawala ng paningin.

Mayroong mga kaso kung saan ang isolated microphthalmia ay maaaring minana sa isang autosomal recessive pattern. Nangangahulugan ito na ang bawat cell ay may mga mutasyon sa parehong kopya ng gene. Ang ilang mga kaso ng mga magulang na may micophthalmia ay may mas kaunting abnormalidad sa mata. Kadalasan, ang mga magulang ay hindi gaano nagpapakita ng mga sintomas ng kondisyon.

Ang microphthalmia ay isang genetic syndrome o chromosomal na abnormalidad. Ang microphthalmia ay nangyayari sa 1 sa 10,000 mga indibidwal. Maaari mong maobserbahan na mayroon lamang isang apektadong indibidwal sa isang pamilya. Karaniwan, ang microphthalmia ay hindi namamana. Ang mga pagbabago sa mga genes na kasangkot sa maagang pag-unlad ng mata ay maaaring maging sanhi ng microphthalmia ngunit hindi pa ito eksaktong natutukoy.

Ang pananaliksik tungkol sa kung paano ang environmental factors ay maaaring maging sanhi ng microphthalmia ay hindi pa napapatunayan. Ang mga environmenta factors tulad ng hindi pagkakaroon ng sapat na bitamina habang nagbubuntis, mga impeksyon sa radiation tulad ng rubella, o teratogens, o pagkakalantad sa mga sangkap sa inumin, pagkain o gamot na maaaring maging sanhi ng mga depekto ng kapanganakan ay maaaring makaapekto sa maagang pag-unlad ng sanggol.

Maaari Bang Magkaroon Ng Coloboma Ang Mga Taong May Microphthalmia?

newborn with eye problem

Lumilitaw ang coloboma bilang mga notch o puwang sa iris o sa may kulay na bahagi ng mata. Ang normal na tisyu sa paligid ng mata ay nawawala kapag mayroon kang isang kundisyon na tinatawag na coloboma. Ang coloboma ay maaaring makaapekto sa isa o parehong mata. Maaari itong makaapekto sa paningin depende sa laki at lokasyon.

Ang mga taong may microphthalmia ay maaari ring magkaroon ng mga abnormalidad sa mata tulad ng coloboma, cataract, at makitid na pagbukas ng mata. Maaari din silang magkaroon ng isang abnormalidad na kilala bilang microcornea na gumagawa ng maliit na kornea at abnormal na hubog. Ang syndromic microphthalmia ay nakakaapekto sa iba pang mga organs at tisyu sa katawan habang ang nonsyndromic o isolated microphthalmia ay nangangahulugang na ang kondisyon ay nanatili sa mata.

Paano Iangkop Ang Paningin Kung Mayroon Kang Microphthalmia

infant lying on bed

May mga kaso kung saan ang mga batang may microphthalmia ay may limitadong paningin o ilang natitirang paningin. Ang mahusay na mata ay kailangan i-patch upang palakasin ang paningin sa microphthalmic eye. Upang mapabuti ang hitsura, isang prostesis ang maaring gawin upang takpan ang microphthalmic na mata habang pinapanatili ang natitirang paningin.

Related Posts

Paano Gamutin ang Psoriasis sa Paligid ng Mata

Ang psoriasis ay isang inflammatory na sakit sa balat na maaaring makaapekto sa anumang bahagi...

Ano ang mga Tuldok na Nakikita Ko Kapag Tumingala Ako sa Langit?

Maaari kang makakita ng maliliit na tuldok ng gumagalaw na liwanag kung titingin ka sa...
can false eyelashes cause eye infections

Maaari Bang Magdulot ng Mga Impeksyon sa Mata ang Hindi Tunay na Pilikmata?

Parehong pormal at kaswal na pampaganda ay nakikinabang sa pagdaragdag ng mga pekeng pilikmata. Higit...