Sakit Na Creutzfeldt-Jakob: Impeksyon sa Utak na Natatagpuan sa Tissue Ng Mata

Mayroong pagsasaliksik tungkol sa isang nakamamatay na impeksyon sa utak na nauugnay sa mad cow disease. Ang mga natuklasan ay binigyang diin ang kahalagahan ng pag-iwas sa pagkalat ng impeksyon habang nakasailalim ang pasyente sa operasyon kasama ang mga operasyon sa mata. Ang bihira at nakamamatay na impeksyon sa utak ay kilala bilang sakit na Creutzfeldt-Jakob na matatagpuan sa mga kornea ng mga tao tulad ng naobserbahan mula sa mga namatay sa sakit. Ang prion ay mga nakahahawang cells ng sakit.

Ayon sa National Institutes of Health, ang sakit na Creutzfeldt-Jakob ay napakabihira na kung saan nakakaapekto lamang ito sa isa sa isang milyong tao sa isang taon. Ang sakit na ito ay maaari na mangyari sa kahit sino. May mga kaso kung saan pinaghihinalaan itong namamana. Nakakahawa ito sa pamamagitan ng direktang tissu-to-tissue contact sa mga medical procedures o operasyon gaya ng kontaminadong kagamitang medikal.

Ang isa pang bihirang uri ng Creutzfeldt-Jakob ay pinaniniwalaang naipapasa sa mga taong nakakain ng karne ng baka na may bovine spongiform encephalopathy o mad cow disease. Walang katibayan na ang sakit na Creutzfeldt-Jakob ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng kaswal na contact lamang. Hindi ito nakakahawa sa hangin o sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga upuan sa banyo, hairbrushes, shared bedding, o mga twalya.

sakit na creutzfeldt jakob

Paano Nasusuri Ang Sakit sa Creutzfeldt-Jakob?

Sa kasamaang palad, walang kasalukuyang pagsusuri upang malaman kung ikaw ay may Creutzfeldt-Jakob disease. Wala pang gamot para sa sakit na ito at maaari lamang itong masuri pagkatapos ng kamatayan sa pamamagitan ng pagsusuri sa tisyu ng utak. Sa National Institute of Allergy and Infectious Disease sa University of California-San Diego at University of California-San Francisco Medical Center, sinuri ng mga mananaliksik ang tisyu ng mata ng 11 katao na namatay mula sa sakit na Creutzfeldt-Jakob sa kanilang bagong pag-aaral.

Sa pag-aaral na ito, natagpuan ang mga prion ng Creutzfeldt-Jakob sa tisyu ng mata ng lahat ng mga pasyente habang tinitingnan nila ang mga bahagi ng mata tulad ng kornea, lente, at retina. Ipinahiwatig ng pag-aaral ang pangangailangan para sa karagdagang pananaliksik sa Creutzfeldt-Jakob at mga mata. Maraming mga pag-aaral ang nagpapakita ng isang malakas na ugnayan sa pagitan ng tisyu ng utak at tisyu ng mata.

sakit na creutzfeldt jakob

Ano Ang Mga Sintomas Ng Creutzfeldt-Jakob Disease?

Ang mga sintomas ng sakit na Creutzfeldt-Jakob ay hindi lilitaw hanggang sa pagtanda o pagkalipas ng edad na 60. Kasama sa mga sintomas ang dementia, pagbabago ng personalidad, at mga problema sa paningin. Kung ang mga sintomas ay biglang lumitaw at malala, ang indibidwal na ito ay maaaring mamatay sa loob ng isang taon. Gayunpaman, hindi dapat ikabahala ang nabanggit na sakit dahil ito ay napakabihira at hindi madaling makahawa. Gayundin, may mga regulasyong pangkaligtasan sa medisina upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon at protektahan ang mga pasyente, doktor, at clinical staff.

Related Posts

can false eyelashes cause eye infections

Maaari Bang Magdulot ng Mga Impeksyon sa Mata ang Hindi Tunay na Pilikmata?

Parehong pormal at kaswal na pampaganda ay nakikinabang sa pagdaragdag ng mga pekeng pilikmata. Higit...

Pinoprotektahan ka ba ng Clear Sunglasses Mula sa Araw?

Ang mga salaming pang-araw ay kilala bilang tanyag na protective eyewear kung ginugugol mo ang...
polarized or gradient lenses

Aling Salamin Pang-araw ang Mas Maganda: Polarized o Gradient Lens?

Mayroong ilang mga pagpipilian sa sunglass na naaangkop sa iyong mga natatanging pangangailangan para sa...