Sa mga pelikula, karaniwan sa atin na iniuugnay ang mga white rings sa kornea sa mga aswang. Sa Portugal, isang babae ang nagbigay ng isang pagkabigla sa kanyang mga doktor nang dumating siya na may isang mala-aswang na white ring sa kanyang kornea. Ang kanyang kaso ay naiulat sa New England Journal of Medicine kung saan sinuri ng mga doktor ang sanhi sa likod ng paglitaw ng white rings sa kornea ng mga kababaihan. Ito ay isang bihirang inflammatory na kondisyon na tinatawag na Cogan’s syndrome.
Sa loob ng isang dekada, ang 24-taong-gulang na babaeng ito ay nakaranas ng mga on and off na sintomas gaya ng light sensitivity at pamumula ng mata. Habang nakakaranas siya ng mga pagbabago sa kanyang paningin, bumalik siya sa kanyang doktor. Nagkaroon siya ng whie rings kasama ang iba pang mga sintomas na nagresulta sa interstitial keratitis na diagnosis. Ang interstitial keratitis ay isang pamamaga sa stroma na isang layer ng kornea. Subalit, siya ay nagnegatibo sa mga impeksyon na siyang pangunahing sanhi ng interstitial keratitis.
Pagkalipas ng anim na buwan, nakaranas siya ng vertigo, pagkarinig ng ringing noise sa kanyang tainga, at pagkawala ng pandinig bilang isang bagong hanay ng mga sintomas. Natukoy ng doktor na mayroon siyang Cogan’s syndrome dahil sa mga bagong sintomas na naranasan niya.
Maaari Bang Makatulong Ang Mga Steroid Sa Paggamot Sa Cogan’s Syndrome?
Ang Cogan’s syndrome ay nakakaapekto sa mga mata at tainga at ito ay isang bihirang kondisyong autoimmune. Kasama sa mga sintomas ng kondisyong ito ang pag-ring sa tainga at pagkawala ng pandinig. Ang kondisyong ito ay maaaring humantong sa mga seryosong komplikasyon sa kalusugan tulad ng pagkabingi at pagkabulag. Sa kaso ng babae, nakatulong ang paggamot gamit ang steroid sa pagpapabuti ng kanyang paningin ngunit sa kasamaang palad, ang ilan sa kanyang pagkawala ng pandinig ay naging permanente.
Ano Ang Iba Pang Mga Sanhi Ng White Rings Sa Iris?
Ang ilang mga tao ay nagkakaroon ng white rings sa paligid ng kanilang iris sa kanilang pagtanda. Ang kaganapang ito ay nangyayari dahil sa naipong mga calcium at lipid sa border sa pagitan ng iris at ng sclera o ng puting bahagi ng mata. Ang build-up ng mga depositong ito ay tinuturing na normal na proseso ng pagtanda at kilala bilang arcus senilis. Para sa nakararami, ang kondisyon sa mata na ito ay hindi nagdudulot ng anumang mga problema. Hindi nangangailangan ng paggamot ang arcus senilis.
Ang arcus senilis ay maaaring isang palatandaan ng mataas na kolesterol kung kaya’t kailangan mong maging maingat. Magandang magpasuri kaagad sa iyong optalmolohista kung mapansin mong mayroon kang namumuong white ring sa iyong mata. Kung ikaw ay nasa murang edad kapag nangyari ito, siguraduhing bumisita kaagad sa isang optalmolohista sapagkat maaari itong maging tanda ng sietary o iba pang mga problema sa kalusugan.