{"id":6338,"date":"2021-09-01T07:36:26","date_gmt":"2021-09-01T11:36:26","guid":{"rendered":"https:\/\/theyenews.com\/?p=6338"},"modified":"2021-09-01T07:36:26","modified_gmt":"2021-09-01T11:36:26","slug":"ano-ang-eye-melanoma","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/theyenews.com\/ph\/ano-ang-eye-melanoma\/","title":{"rendered":"Eye Melanoma o Ocular Melanoma"},"content":{"rendered":"<p>Ang melanoma ay isang uri ng cancer sa balat na nakakaapekto sa mga melanocytes o mga cell na gumagawa ng melanin na nagbibigay kulay sa balat. Katulad ng ating balat, ang mga mata ay naglalaman din ng mga melanocytes na maaaring, kalaunan, ay magkaroon ng melanoma. Ang eye melanoma ay kilala rin bilang ocular melanoma.<\/p>\n<p>Ang ocular melanoma ay maaaring mahirap tuklasin sapagkat ito ay kadalasang nagsisimula sa hindi nakikitang bahagi ng mata at kadalasang hindi nagsasanhi ng mga maagang palatandaan at sintomas. Sa kabutihang palad, ang paggamot para sa hindi pa malubhang melanoma ng mata ay karaniwang hindi nakakagambala sa paningin. Gayunpaman, ang paggamot para sa matinding mga melanoma sa mata ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng paningin.<\/p>\n<p><b>Mga Sintomas<\/b><\/p>\n<p>Maaaring kasama sa mga sintomas ng ocular melanoma ang mga sumusunod:<\/p>\n<ul>\n<li style=\"font-weight: 400;\" aria-level=\"1\"><span style=\"font-weight: 400;\">lumalaking itim na tuldok sa conjunctiva o sa iris<\/span><\/li>\n<li style=\"font-weight: 400;\" aria-level=\"1\"><span style=\"font-weight: 400;\">nakakakita ng mga flash o speck ng alikabok sa paningin (floaters)<\/span><\/li>\n<li style=\"font-weight: 400;\" aria-level=\"1\"><span style=\"font-weight: 400;\">pagbabago sa hugis ng pupils<\/span><\/li>\n<li style=\"font-weight: 400;\" aria-level=\"1\"><span style=\"font-weight: 400;\">nabawasan o malabong paningin sa isang mata<\/span><\/li>\n<li style=\"font-weight: 400;\" aria-level=\"1\"><span style=\"font-weight: 400;\">mahinang peripheral vision o paningin sa gilid<\/span><\/li>\n<\/ul>\n<p><b>Mga Sanhi<\/b><\/p>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Naniniwala ang mga doktor na ang ocular melanoma ay nangyayari kapag ang DNA ng mga malulusog na cells ay nagsisimulang magkaroon ng mga abnormalidad. Ang mga abnormalidad ng DNA na ito ay sanhi ng mabilis at wala sa kontrol na paglaki ng mga melanocytes. Ang mga ito ay naging mga mutated cell at naiipon sa mata na nagdudulot ng eye melanoma.<\/span><\/p>\n<p><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"aligncenter wp-image-1762 size-full\" src=\"https:\/\/theyenews.com\/wp-content\/uploads\/2020\/11\/Eye-Melanoma-or-Ocular-Melanoma-Causes-and-Symptoms-2.jpg\" alt=\"ano ang eye melanoma\" width=\"1000\" height=\"667\" srcset=\"https:\/\/theyenews.com\/wp-content\/uploads\/2020\/11\/Eye-Melanoma-or-Ocular-Melanoma-Causes-and-Symptoms-2.jpg 1000w, https:\/\/theyenews.com\/wp-content\/uploads\/2020\/11\/Eye-Melanoma-or-Ocular-Melanoma-Causes-and-Symptoms-2-300x200.jpg 300w, https:\/\/theyenews.com\/wp-content\/uploads\/2020\/11\/Eye-Melanoma-or-Ocular-Melanoma-Causes-and-Symptoms-2-768x512.jpg 768w\" sizes=\"auto, (max-width: 1000px) 100vw, 1000px\" \/><\/p>\n<p><strong>Saan Eksakto Nangyayari Ang Ocular Melanoma?<\/strong><\/p>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Karaniwang nabubuo ang ocular melanoma sa uvea na naglalaman ng tatlong bahagi:<\/span><\/p>\n<p><strong>Iris<\/strong> &#8211; <span style=\"font-weight: 400;\">ang may kulay na bahagi ng mata<\/span><br \/>\n<strong>Choroid layer<\/strong> &#8211; isang layer sa pagitan ng sclera at retina sa likod ng uvea<br \/>\n<strong>Ciliary body<\/strong> &#8211; matatagpuan sa harap ng mata at gumagawa ng transparent na likido ng mata o ng aqueous humor<\/p>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Ang ocular melanoma, bagaman napakabihira, ay maaari ding mangyari sa conjunctiva, eyelid, o sa socket na pumapalibot sa eyeball.<\/span><\/p>\n<p><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"aligncenter wp-image-1761 size-full\" src=\"https:\/\/theyenews.com\/wp-content\/uploads\/2020\/11\/Eye-Melanoma-or-Ocular-Melanoma-Causes-and-Symptoms-3.jpg\" alt=\"ano ang eye melanoma\" width=\"1000\" height=\"667\" srcset=\"https:\/\/theyenews.com\/wp-content\/uploads\/2020\/11\/Eye-Melanoma-or-Ocular-Melanoma-Causes-and-Symptoms-3.jpg 1000w, https:\/\/theyenews.com\/wp-content\/uploads\/2020\/11\/Eye-Melanoma-or-Ocular-Melanoma-Causes-and-Symptoms-3-300x200.jpg 300w, https:\/\/theyenews.com\/wp-content\/uploads\/2020\/11\/Eye-Melanoma-or-Ocular-Melanoma-Causes-and-Symptoms-3-768x512.jpg 768w\" sizes=\"auto, (max-width: 1000px) 100vw, 1000px\" \/><\/p>\n<p><b>Sino Ang Pinaka Nanganganib?<\/b><\/p>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Ang mga risk factors para sa eye melanoma ay kinabibilangan ng:<\/span><\/p>\n<ul>\n<li><b>Ang ilang minana na mga kondisyon sa balat.<\/b> <span style=\"font-weight: 400;\">Ang mga taong may dysplastic nevus syndrome, ang abnormal na pigmentation ng balat, o iba pang minana na mga karamdaman sa balat ay maaaring magkaroon ng mas mataas na peligro na magkaroon ng eye melanoma.<\/span><\/li>\n<li><b>Di gaanong makulay ang mata<\/b><span style=\"font-weight: 400;\">. Ang mga taong may light na kulay ng mata tulad ng asul o berde ay maaaring may mas malaking panganib.<\/span><\/li>\n<li><b>Pagkakaexpose sa UV light<\/b><span style=\"font-weight: 400;\">. Ang UV light mula sa araw o mga tanning beds ay pinaniniwalaan na nag-aambag sa paguumpisa ng eye melanoma.<\/span><\/li>\n<li><strong>Edad<\/strong>. <span style=\"font-weight: 400;\">Habang tumatanda ang isang tao, tumataas din ang peligro na magkaroon ng eye melanoma.<\/span><\/li>\n<\/ul>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p><b>Mga Komplikasyon Ng Eye Melanoma<\/b><\/p>\n<p><span style=\"font-weight: 400;\">Maaaring kasama sa mga komplikasyon ang:<\/span><\/p>\n<ul>\n<li><strong>Glaucoma<\/strong>. <span style=\"font-weight: 400;\">Ang lumalaking eye melanoma ay maaaring maging sanhi ng pagtaas ng presyon ng mata o glaucoma na may mga sintomas ng pagsakit ng mata, pamumula, at malabong paningin.<\/span><\/li>\n<li><b>Pagkawala ng paningin<\/b><span style=\"font-weight: 400;\">.<\/span> <span style=\"font-weight: 400;\">Ang malalaki at malubhang mga melanoma ng mata ay karaniwang sanhi ng pagkawala ng paningin o <\/span><strong><a href=\"https:\/\/www.herdin.ph\/index.php\/component\/herdin\/?view=research&amp;cid=13469\">retinal detachment <\/a><\/strong><span style=\"font-weight: 400;\">sa apektadong mata. Ang maliliit na melanoma ng mata ay maaari ding maging sanhi ng pagkawala ng paningin kung matatagpuan ang mga ito sa mga kritikal na bahagi ng mata.<\/span><\/li>\n<li><strong>Metastasis<\/strong>. <span style=\"font-weight: 400;\">Ang melanoma ng mata ay maaaring kumalat nang sistematiko sa katawan na maaaring makaapekto sa mga bahagi sa labas ng mata tulad ng baga, atay, at buto.<\/span><\/li>\n<\/ul>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Ang melanoma ay isang uri ng cancer sa balat na nakakaapekto sa mga melanocytes o mga cell na gumagawa ng melanin na nagbibigay kulay sa balat. Katulad ng ating balat, ang mga mata ay naglalaman din ng mga melanocytes na maaaring, kalaunan, ay magkaroon ng melanoma. Ang eye melanoma ay kilala rin bilang ocular melanoma. [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":2,"featured_media":6343,"comment_status":"closed","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_joinchat":[],"footnotes":""},"categories":[65,62],"tags":[],"class_list":["post-6338","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-mga-balita-hp","category-mga-kondisyon-sa-mata"],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/theyenews.com\/ph\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/6338","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/theyenews.com\/ph\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/theyenews.com\/ph\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/theyenews.com\/ph\/wp-json\/wp\/v2\/users\/2"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/theyenews.com\/ph\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=6338"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/theyenews.com\/ph\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/6338\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/theyenews.com\/ph\/wp-json\/wp\/v2\/media\/6343"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/theyenews.com\/ph\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=6338"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/theyenews.com\/ph\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=6338"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/theyenews.com\/ph\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=6338"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}