Ang acanthamoeba ay isa sa mga pinaka-mikroskopikong mga organismo sa kapaligiran, ngunit ito ay bihirang nagiging sanhi ng anumang mga impeksyon. Bagaman, kapag ang impeksyon ay mangyari, maaari itong maging malubha at maaaring ilagay sa panganib ang iyong paningin. Ito ay isang parasito na karaniwang matatagpuan sa lupa at tubig tulad ng gripo ng tubig, mga swimming pool, hot tub, at tubig dagat. Ang keratitis naman ay ang pamamaga ng kornea.
Sa United Kingdom, halos 1 sa 30,000 na mga gumagamit ng contact lens na ang nagkaroon ng acanthamoeba. Gayunpaman, ang contact lenses ay hindi ang tanging sanhi ng impeksyon. Maaari ka ring maimpeksyon pagkatapos ng isang injury sa kornea at hindi wastong paggamit at paglinis ng contact lens.
Mga Sintomas Ng Acanthamoeba Keratitis
- Isang pula at masakit na mata na hindi napapabuti sa simpleng eyedrops
- Pakiramdam na mayroong bagay sa loob ng mata
- Labis na pagluha
- Malabong paningin
- Pagkasensitibo sa liwanag
Sino Ang Mas May Panganib Na Maimpeksyon?
Ang pangunahing sanhi ng acanthamoeba keratitis ay maduming kapaligiran o poor hygiene. Ang mga halimbawa ng hindi magandang kalinisan ng contact lens ay ang paggamit ng hindi sterile na eyedrops, expired na mga contact lens solution, expired na contact lens, paulit-ulit na paggamit ng contact lens solution, at hindi pagpapatuyo ng contact lens case. Ang hindi pag-alis ng mga contact lens nang magdamag, habang lumalangoy, o habang naliligo ay maaari rin makapagdulot ng impeksyon. Gayundin ang paglalagay ng mga contact lens gamit ang basang kamay mula sa gripo ng tubig ay maaring makadulot ng impeksyon.
Patnubay Sa Lens Care
Ang iyong pinakamahusay na depensa laban sa impeksyon ng acanthamoeba ay ang pagpapanatili ng wastong kalinisan sa mata at contact lens. Narito ang ilang mga alituntunin sa paggamit nang maayos sa iyong mga contact lens:
- Palaging hugasan ang iyong mga kamay bago at pagkatapos hawakan ang mga contact lens.
- Linisin ang iyong mga lente sa pamamagitan ng pagkuskos nang bahagya at pagbanlaw nito bago itago.
- Gumamit lamang ng mga sterile na produktong inirerekomenda ng iyong optometrist na magdisimpekta ng iyong mga lente. Tandaan, ang saline solution at re-wetting drops at hindi inilaan upang magdisimpekta ng mga lente.
- Huwag gumamit ng tubig galing sa gripo upang hugasan o ibabad sa iyong mga contact lens.
- Ang contact lens solution ay dapat itapon pagkatapos buksan ang case, at isang bagong solution ang dapat gamitin tuwing ilalagay muli ang contact lens sa case.
- Palitan ang mga lente gamit ang iskedyul na inireseta ng iyong doktor at bago ang petsa ng pag-expire.
- Huwag matulog na may suot na mga contact lens maliban kung inirekomenda ito ng iyong doktor.
- Huwag kailanman gumamit ng mga contact lens habang lumalangoy o naliligo.
- Huwag magpahiram ng contact lens sa ibang tao.
- Huwag kailanman maglagay ng mga contact lens sa iyong bibig o gumamit ng laway upang muling mabasa ang contact lens.
Regular na bumisita sa iyong doktor sa mata para sa pagsusuri ng contact lens at mata. Kung nakakaranas ka ng RSVP (redness, secretions, visual blurring, or pain) makipag-ugnayan kaagad sa iyong doktor.