Ano ang Amblyopia?

Ang Amblyopia ay kilala na terminong medikal para sa “lazy eye” na isang karamdamang nauugnay sa pagdevelop ng paningin. Ang pagkakaroon ng lazy eye ay nangangahulugang ang normal na visual acuity ay hindi makakamit kahit sa tulong ng mga salamin sa mata o contact lens.

Ang pagkakaroon ng lazy eye ay madalas nangyayari sa maagang yugto ng buhay, mula sa pagiging sanggol hanggang sa kabataan. Kung maaga itong natukoy at nagamot, maiiwasan ang pagkakaroon ng mahinang paningin. Ang hindi paggamot sa lazy eye ay maaaring maging sanhi ng permanenteng pagkawala ng paningin.

Sa karamihan ng mga kaso, isang mata lamang ang apektado ngunit mayroon din iilan na kung saan ang parehong mga mata ang nakakaranas ng kundisyong ito.

Mga Sintomas ng Amblyopia

Mahirap makita ang mga sintomas ng lazy eye dahil ang problema ay mismong nasa paningin ng bata o sanggol na siya namang mahirap sabihin o mapansin para sa kanila bilang mga bata. Ito ang ilang mga paraan upang matukoy kung ang iyong anak ay nakakaranas ng amblyopia o lazy eye:

  • Strabismus o ang pagkrus ng mga mata. Kung napansin mo na ang iyong anak ay nagkukrus ang mga mata, mahalagang bisitahin ang kanilang doktor sa mata upang makumpirma ang kanilang kondisyon.
  • Subukang takpan ang isang mata at tingnan kung ang bata ay umiiyak o nag-lilikot
  • Mayroong mahinang depth perception
  • Paulit-ulit na pagpikit o pagsingkit ng mga mata
  • Ang mga mata ay madalas nagiibang direksyon kapag sinusubukang mag-focus

Ang isang komprehensibong pagsusuri sa mata ay mas mahalaga pa rin kaysa sa isang simpleng pagsusuri lamang. Sa loob ng 6 na buwan mula kapanganakan, inirerekomenda na ang iyong anak ay dapat sumailalim sa unang pagsusuri sa mata upang makita kung ang paningin ay normal na nadedevelop at gumagana nang maayos.

Amblyopia

Tatlong Sanhi ng Lazy Eye

Ang strabismic amblyopia ay tumutukoy sa uri ng amblyopia na sanhi ng hindi maayos na pagkakahanay ng mga mata o strabismus.

Ang refractive amblyopia ay tumutukoy sa uri ng amblyopia na sanhi ng hindi pantay na mga problemang repraktibo sa parehong mga mata kahit na mayroong isang perpektong pagkakahanay, tinatawag din itong anisometropic amblyopia.

Ang deprivation amblyopia ay tumutukoy sa uri ng amblyopia na mayroong sagabal sa mata, na siyang nag reresulta sa pagpigil ng normal na pagpasok ng ilaw sa retina tulad ng congenital cataract. Maaaring kailanganin ang operasyon sa cataract upang makamit ang normal na pagdevelop ng paningin.

Amblyopia

Mga Paggamot Para Sa Lazy Eye

  • Ang mga pamamaraan ng paggamot para sa amblyopia ay nakasalalay sa kalubhaan ng kondisyon at mga personal na kagustuhan.
  • Sa paggamit ng mga de-resetang salamin sa mata, maaaring maitama ang mga problemang repraktibo at maaaring makamit ang normal na paningin.
  • Gumagana ang operasyong pangstrabismus para sa mga indibidwal na may strabismic amblyopia upang ihanay nang maayos ang kanilang mga mata.
  • Maaring pigilan ng isang prosthetic contact lens ang ilaw mula sa pagpasok sa maayos na mata ngunit nagkakahalaga ito ng higit sa isang ordinaryong eye patch.
  • Ang Atropine drop therapy ay maari rin gamitin sa maayos na mata araw-araw nang hindi kinakailangang magsuot pa ng mga patch sa mata.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...