Ano Ang Dry Eyes Syndrome? Mga Sanhi, Sintomas, Paggamot, At Pag-iwas

Nagaganap ang dry eyes kapag may hindi sapat na luha upang magpadulas sa mga mata. Ang kondisyong medikal na ito tinatawag na keratoconjunctivitis sicca (KCS) o mas kilala bilang dry eye syndrome.

Pangkalahatang-ideya

Ang dry eye syndrome ay isang pangkaraniwang kondisyon na nakakaapekto sa halos 37% ng mga tao. Maaari itong mag-ugat mula sa hindi sapat na luha o hindi magandang kalidad na luha. Pangkalahatan, ang dry eyes ay hindi komportable, maaaring masakit o mahapdi, at maaaring pansamantalang makagambala sa mga normal na aktibidad.

Karaniwang mga sitwasyon kung saan maaari kang makaranas ng dry eyes ay kapag nasa isang eroplano ka, habang nakasakay sa bisikleta, nasa isang naka-air condition na silid, o kung ikaw ay nakatingin sa isang computer screen sa loob ng mahabang panahon.

Kasama sa mga karaniwang paggagamot ang mga eye drops at mga pagbabago sa pamumuhay na maaaring makapagpahina ng kakulangan sa ginhawa. Malamang na kakailanganin mong isagawa ang mga hakbang na ito nang tuloy-tuloy upang mabawasan ang mga sintomas ng dry eyes.

 

What is Dry Eyes SyndromeMga Sintomas

Ang dry eye syndrome ay maaaring makaapekto sa isa o parehong mata. Ang mga sintomas na maaaring maramdaman ay:

  • Mucus sa paligid ng mga mata
  • Mahapdi o makati na mga mata
  • Pamumula ng mata
  • Pakiramdamn na mayroong bagay na nasa loob ng iyong mga mata
  • Sensitivity sa ilaw
  • Mahirap na paggamit ng mga contact lens
  • Mga problema sa pagmamaneho sa gabi
  • Malabo o mahinang paningin
  • Pagod na mata

Mga Sanhi

Ang luha ay pinaghalong tubig, langis, at mucus. Ang luha ay responsable para sa “paglilinis” ng anumang dumi sa ibabaw ng iyong mga mata. Pinapadulas din nila ang iyong mga mata upang maging makinis, malinaw, at malayo sa impeksyon. Kung walang sapat na luha, ang iyong mga mata ay madaling kapitan ng mga iba’t ibang kundisyon. Samakatuwid, ang dry eye syndrome ay isang uri ng pangangati o irritation na maaaring makuha mula sa bawas na produksyon ng luha, madaling pagsingaw o pagevaporate ng luha, o hindi balanseng komposisyon ng luha.

Narito ang ilan sa mga sanhi na ipinaliwanag:

  • Nabawasan ang produksyon ng luha. Karaniwang mga sanhi ng nabawasan na produksyon ng luha ay maaaring nagmula sa pagtanda, mga kondisyong medikal tulad ng diabetes, scleroderma, kakulangan sa vitamin A, mga gamot tulad ng antihistamines, decongestant, at operasyon. Ang pinsala sa glandula ng luha mula sa pamamaga o radiation ay maaari ring bawasan ang normal na produksyon ng luha.
  • Madaling pagsingaw o pagevaporate ng luha. Maaari itong sanhi ng sobrang hangin, usok, tuyong hangin, pagkurap nang mas konti kaysa normal, at mga problema sa eyelid. Ang ilang mga problema sa eyelid ay maaaring may kasamang ectropion na siyang pagliyad palabas ng mga takipmata at entropion naman sa pagliyad paloob ng mga takipmata.
  • Hindi balanseng komposisyon ng luha. Ang normal na film ng luha ay dapat mayroong tatlong pangunahing mga layer: langis, tubig, at mucus. Ang kawalan ng balanse sa alinman sa mga layer na ito ay maaaring maging sanhi ng dry eyes. Halimbawa, ang layer ng langis na ginawa ng maliliit na mga glandula sa gilid ng iyong mga eyelid (meibomian glands) ay maaaring maging barado. Ang mga naharang na mga meibomian glands ay maaaring maging sanhi ng pamamaga sa gilid ng eyelids (blepharitis), rosacea, o iba pang mga karamdaman sa balat.

What is Dry Eyes Syndrome

Sino Ang Mas Madaling Kapitan Ng Dry Eye Syndrome

Ang mga kadahilanan na maaaring gawing mas madaling kapitan ng dry eye syndrome ang isang tao ay ang mga sumusunod:

  • Ang pagiging nasa 50 taong gulang pataas. Sa ating pagtanda, ang produksyon ng luha ay nababawasan na siyang maaring maging sanhi ng dry eyes.
  • Ang pagiging isang babae. Dahil sa mga pagbabago sa hormones na sanhi ng pagbubuntis, paggamit ng mga birth control, at menopause ay maaaring maging sanhi ng maraming kababaihan na may bawas na produksyon ng luha.
  • Ang diyeta na may mababang vitamina A. Karaniwang matatagpuan ang vitamin A sa mga carrots, atay, at broccoli. Ang mga sangkap na ito ay makakatulong sa malusog na produksyon ng luha.
  • Nagsusuot ng mga contact lens. Mas karaniwan ang  dry eyes sa mga taong  nagsusuot ng mga contact lens o artipisyal na lente sa kanilang mga mata.

Mga Komplikasyon

Ang mga komplikasyon na nauugnay sa dry eyes ay kinabibilangan ng:

  • Mga impeksyon sa mata. Kung walang sapat na luha, walang sapat na proteksyon sa ating mga mata upang maiwasan ang impeksyon.
  • Pinsala sa ibabaw ng iyong mga mata. Ang matinding dry eyes ay maaaring humantong sa pagkasira ng lente ng mga mata. Ang luha ay dapat na isang layer ng proteksiyon upang maiwasan ang mga paggasgas at pamamaga sa ibabaw ng cornea. Kung hindi ginagamot, ang matinding dry eyes ay maaaring humantong sa mga ulser sa kornea at malubhang problema sa paningin.
  • Nabawasang kalidad ng buhay. Ang mga dry eyes ay magiging sagabal sa mga simple at pang-araw-araw na mga aktibidad, tulad ng pagmamaneho o pagbabasa.

Pag-iwas

Upang maiwasan ang mga mas malalang yugto ng dry eyes, mahalagang bigyang-pansin ang mga sanhi nito. Mas mainam na iwasan ang mga nakakatrigger ng dry eyes upang maiwasan ang matinding komplikasyon. Upang maprotektahan ang iyong mga mata, sundin ang mga simpleng alituntuning ito:

  • Iwasan ang direktang hangin sa iyong mga mata. Huwag tumuon sa mga hair blower, car heater, aircon, at mga bentilador saanman malapit sa iyong mga mata. Maaari itong makatuyo ng iyong mga mata.
  • Magdagdag ng kahalumigmigan sa hangin. Lalo na sa taglamig, ang mga eksperto sa medisina ay nagrerekomenda ng paggamit ng isang humidifier upang magdagdag ng kahalumigmigan o moisture sa tuyong hangin sa loob ng iyong silid o tahanan.
  • Magpahinga nang maya’t-maya sa isang araw. Iwasang pilitin ang iyong mga mata. Magpahinga nang maya’t-maya sa isang araw upang mabigyan ng pagkakataon na makapagpahinga ang iyong mga mata. Ipikit ang iyong mga mata o kumurap nang paulit-ulit sa loob ng ilang segundo upang matulungan ang pantay na pagkalat ng iyong luha sa mga mata.
  • Iwasan ang pagbukas ng iyong mga mata nang napakalawak. Kung nagtatrabaho ka sa iyong computer na above eye level, ang pagbabago ng posisyon nito ay makakatulong na mabawasan ang mga dry eyes. Ang pagbaba ng iyong computer screen sa eye level ay mapapanitili ang katamtamang pagbukas lamang ng iyong mga mata na siyang makakaiwas sa pagevaporate kaagad ng iyong mga luha. Ito ay makakatulong na mapabagal ang pagsingaw o evaporate ng iyong luha sa pagitan ng mga pagkurap.
  • Iwasang manigarilyo. Kahit na hindi ka naninigarilyo, dapat mong iwasan ang anumang uri ng usok upang maiwasan ang mga dry eyes. Lumayo sa mga tao at lugar na may labis na usok na maaaring magpalala ng mga sintomas ng dry eyes.
  • Regular na gumamit ng mga artificial tears. Kung mayroon kang chronic dry eyes, ang paggamit ng mga eye drops kahit na wala kang nararamdamang discomfort sa iyong mga mata ay makakatulong na mapanatili silang madulas.

Kailan Dapat Kumunsulta Sa Doktor

Bisitahin ang iyong doktor sa lalong madaling panahon kung nakakaranas ka ng mga matagal na sintomas ng dry eyes. Maaaring kabilang dito ang mapula, pagod, irritated, mahapdi, at masakit na mga mata. Maaaring magreseta ang iyong doktor ng mga tamang hakbang upang gamutin ang anumang kakulangan sa ginhawa sa mata na iyong nararamdaman.

Related Posts

Posible Ba ang Transplant ng Buong Mata ng Tao

Posible Ba ang Transplant ng Buong Mata ng Tao?

Sa loob ng maraming siglo, sinusubukan ng mga siyentipiko na magtagumpay sa transplant ng mata....

Ang Epekto ng Aktibidad Sekswal sa Paningin

Hindi lahat ng tao ay pamilyar sa mga dokumentadong benepisyo ng positibong mga desisyon sa...
High Cholesterol and Its Effect on Vision

Mataas na Cholesterol at ang Epekto Nito sa Paningin

Alam mo ba kung gaano kataas ang cholesterol mo? Marami sa atin ang marahil hindi...