Ang malagkit na likidong inilalabas sa mata o crusty eye discharge ay karaniwang matatagpuan sa mga taong may allergies o sipon. Ang discharge na ito ay maaaring maging sanhi ng basa, malagkit, o pagkakadikit ng mga talukap ng mata. Ang kondisyong ito ay karaniwang kilala bilang sticky eyes.
Ang sticky eyes ay sanhi ng naipon na koleksyon ng mga cell ng balat, langis, dumi, at mucus sa sulok ng mga mata. Hindi ito madalas na pang-emergency na kondisyon ngunit ang paulit-ulit at labis na discharge sa mga mata ay maaaring maging isang palatandaan ng impeksyon.
Mga Sintomas Ng Sticky Eyes
Ang pinakakaraniwang sintomas ng sticky eyes ay gummy-like consistency ng eye discharge na maaring kumalat sa takipmata. Ang kulay at consistency ng mucus na ito ay madalas na tumutukoy sa iba pang mga seryosong kondisyong medikal tulad ng isang impeksyon. Ang ilan sa mga discharge na dapat obserbahan ay:
- manilaw-nilaw
- labis na matubig
- makapal at crusty
- makapal na berde o kulay-abo
Ang iba pang mga sintomas:
- kawalan ng kakayahan upang buksan nang buo ang mga mata
- mahapding sensasyon sa mata
- nanunuyot na mga mata
- malabong paningin
- makati at masakit na mga mata
- pagkasensitibo sa ilaw
- pulang mata
- mga sintomas na tulad ng trangkaso
Ano Ang Sanhi Ng Sticky Eyes?
Karaniwang nabubuo ang mga mucus araw-araw bilang parte ng normal na produksyon ng luha sa mata. Ito ay nakatutulong na linisin at protektahan ang mga mata mula sa mga dumi sa paligid. Subalit, kung ang tear ducts ay maging barado, ang mucus ay maaring maipon at kumalat sa paligid ng mga mata na madalas na naiipon habang tulog ang isang indibidwal. Ang mga kundisyon na maaaring maging sanhi ng sticky eyes ay:
- conjunctivitis
- blepharitis
- mga kuliti
- ulser sa kornea
- dry eye syndrome
- dacryocystitis
- herpes
Paggamot Sa Sticky Eyes
Ang iba`t ibang mga remedyo sa bahay ay maaaring magamot ang sticky eyes. Siguraduhing hugasan nang mabuti ang mga kamay bago alisin ang dumi, mga discharge, at bakterya sa mga mata. Kung hindi mabubuksan ang mga mata dahil sa namuong mga discharge, maglagay ng isang warm compress, at dahan-dahang punasan ang mga mata upang matanggal ang mga namuong mga mucus. Maari ding gamitin ang warm compress upang makatulong sa pangangati at pamamaga ng mata.
Kung ang sticky eyes ay sanhi ng bacterial infection, ang mga antibiotic eye drops ay maaring ireseta ng iyong doctor. Kung ito anman ay sanhi ng mga allergy o sipon, ang mga over-the-counter na gamot at antihistamines ay maaring gamitin upang gamutin ang sticky eyes.
Kung may napansin kang anumang mga sintomas pagkatapos gumamit ng mga produktong pang-mata o pampaganda, agad na ihinto ito at itapon ang alinman sa mga natitirang produkto upang maiwasan ang karagdagang pangangati sa mga mata. Kung nagsusuot ka ng mga contact lens, siguraduhing lubusan mong linisin at pangalagaan ang iyong mga contact lens upang maiwasan ang impeksyon.