Bakit Malabo Ang Mga Ilaw Pag Mayroon Kang Astigmatism?

Ang mga indibidwal na may normal na paningin ay hindi alam ang paghihirap ng mga mayroong astigmatism. Ang Astigmatism ay isang kondisyon sa paningin kung saan ginagawa nitong malabo ang paningin lalo na ang mga ilaw. Ang pagkakaroon ng kondisyong ito ay nagpapahirap sa mga indibidwal na gampanan ang kanilang pang-araw-araw na gawain tulad ng pagmamaneho sa gabi.

Ang mga taong na-diagnose na may astigmatism ay may kamalayan na ang kanilang mga mata ay may hugis na tulad ng isang bola sa football na siyang nakakaapekto sa kornea at lente ng mata. Ang normal na kornea na walang astigmatism ay may pantay na hubog. Kung ikaw ay isa sa mga tao na may astigmatism, mayroon kang hindi pantay na hubog ng kornea sa loob ng iyong mata.

Ang kornea ay ang transparent na lente ng mga mata na siyang responsable sa pag-focus ng paningin. Kung ang hubog ng iyong kornea ay hindi magkapantay, maaari mong mapansin ang paglabo ng iyong paningin. Ang ilaw ay mapipigilan mareflect nang maayos sa iyong retina na nagreresulta sa pagiging malabo ng iyong paningin sa anumang distansya.

Kahit na mayroon kang katamtamang astigmatism, ito ay kapansin-pansin pa rin. Maaari mong isipin na walang problema ang ganitong astigmatism sa araw dahil hindi masyado mababatid ang pagkakaiba sa isang normal na paningin. Ito ay mas higit na mapapansin lamang sa pagtingin sa mga ilaw tuwing gabi.

Why Are Lights Blurry if You Have Astigmatism

Paano Ko Mapapabuti Ang Aking Paningin Kung Mayroon Akong Astigmatism?

Ang pinakamahusay na paraan upang mapabuti ang iyong paningin ay ang pagkakaroon ng mga pagsusuri sa mata. Ang pagkakaroon ng regular na pagsusuri ay isa sa pinaka madali at karaniwang mga hakbang na kailangan mong gawin upang protektahan ang iyong paningin. Ang pagbisita sa isang optometrist ay makakatulong sa iyo na matukoy ang pinakamahusay na uri ng pagwawasto ng paningin ayon sa kalusugan ng iyong mata.

Maaari irekomenda sa iyo ang paggamit ng mga de-resetang salamin sa mata o contact lens upang mapabuti ang iyong paningin. Maraming tao na may astigmatism ang nahihirapan magmaneho sa gabi dahil sa masyadong maliliwanag at malalabong ilaw. May mga magagamit na eyeglass lens at contact lens na dinisenyo upang itama ang astigmatism.

Why Are Lights Blurry if You Have Astigmatism

Posible Bang Magamot Nang Natural Ang Astigmatism?

Mayroong mga pag-aaral kung saan iminungkahi na ang mga ehersisyo sa mata ay may malaking papel sa astigmatism. Ang “Bates exercises” ay kilala na isa sa pinakatanyag na ehersisyo sa mata para makatulong sa astigmatism. Ang mga pagsasanay na ito ay makakatulong sa mga muscle ng iyong mata upang makapagpahinga.

Subalit, sa isang pagaaral ng Journal of Pediatric Ophthalmology at Strabismus, kanilang napagtanto na walang malinaw na katibayan na sumusuporta sa mga benepisyo ng pag-eehersisyo sa mata sa mga taong mahina ang paningin. Mabuti pa rin na ipasuri sa doctor ang iyong mga mata upang matukoy ang mga naaangkop na hakbang.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...