Behçet’s Disease: Pamamaga Ng Daluyan Ng Dugo

Maraming tao ang hindi pamilyar sa ganitong uri ng karamdaman na kilala bilang Behçet’s diease. Ang Behçet’s disease ay isang bihirang karamdaman na nagreresulta sa pinsala sa mga daluyan ng dugo na nagdudulot ng mga problema sa bahagi ng katawan kasama ang mga mata. Ang kondisyon ito ay karaniwang pangmatagalan o chronic ngunit may mga oras kung saan nangyayari ang remission. Ang remission ay ang panahon kung kailan nawawala panandalian ang mga sintomas.

Ang karamihan ng mga sintomas ng Behçet’s disease ay nangyayari dahil sa pamamaga ng mga daluyan ng dugo. Ang pamamaga ay nangyayari kapag mayroong impeksyon na nilalaban ang immune system. Sa Behçet’s disease, inaatake ng iyong immune system ang mga daluyan ng dugo sa halip na impeksyon kaya nagreresulta sa pamamaga at sakit sa mga bahagi ng katawan.

Ang isang gene (HLA-B5) ay maaaring mahanap sa mga taong may Behçet’s disease na sanhi ng mga problema sa immune system. Ang kapaligiran kasama ang bakterya at mga virus ay maaari ring maging sanhi ng reaksyon. Kung ikaw ay isa sa mga taong naapektuhan ng Behçet’s disease, hindi mo ito maibibigay sa iba sapagkat hindi ito nakakahawa.

inflammed eye looking up

Mga Sintomas Ng Sakit Ng Behçet

Tulad ng iba pang mga kondisyon sa kalusugan, ang sinuman ay maaaring magkaroon ng Behçet’s disease. Ang mga tao na mas mataas ang peligro na magkaroon ng Behçet’s disease ay ang mga nasa edad 20 o 30 at mga Middle Easter o Asian. 3 sa 4 na taong may Behçet’s disease ang nakakaranas ng mga sintomas hinggil sa kanilang mga mata. Kasama sa mga sintomas ang malabong paningin, pananakit ng mata, o pulang mata.

Ang ilang mga tao na may Behçet’s disease ay nakakaranas din ng mga sugat sa kanilang balat, bibig, o maselang bahagi ng katawan. Ito ang mga seryosong problema na maaaring maganap mula sa Behçet’s disease:

  • Pamumuo ng dugo
  • Meningitis o pamamaga sa utak at spinal cord
  • Mga problemang nakakaapekto sa digestive system tulad ng pagtatae o sakit ng tiyan

Pagsusuri at Paggamot Para Sa Behçet’s Disease

inflammed eye under eye test

Sa kasamaang palad, wala pang tiyak na pagsusuri ang maaring makatukoy ng Behçet’s disease. Ang tanging paraan upang masuri ang sakit na ito ay batay sa mga sintomas. Mahirap para sa mga doktor na umasa lamang sa mga sintomas dahil hindi sila palaging nangyayari nang sabay at ang ilang mga kundisyon ay may magkatulad na sintomas.

Subaybayan ang mga sintomas na iyong nararanasan sapagkat makakatulong ito sa paggawa ng tamang pagsusuri. Maaari mong isulat kung ano at kailan nangyayari ang mga sintomas dahil ito ay mahalagang impormasyon sa mga doktor sa mata. Ang malungkot na bagay tungkol sa Behçet’s disease ay wala pang lunas ngunit may mga magagamit na paggamot na makakatulong na maibsan ang sakit at mapigilan ang mga malubhang problema na maganap.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...