Ano Ang Diabetic Retinopathy At Diabetic Macular Edema?

Ang diabetic retinopathy ay pinsala sa retina na sanhi ng diabetes na maaaring humantong sa pagkabulag. Maiiwasan ito sa pamamagitan ng pagtukoy nang maaga, tamang paggamot sa diabetes, at regular na pagsusuri ng mata ng iyong doktor.

Ang mataas na antas ng asukal sa dugo na sanhi ng hindi kontroladong diabetes ay naiipon sa mga daluyan ng dugo na humahantong sa pagbabago ng daloy ng dugo sa iba’t ibang parte ng katawan tulad ng mga mata.

Mayroong dalawang pangkalahatang klasipikasyon ng diabetes:

Type 1 diabetes – Sa ganitong uri, ang iyong katawan ay hindi makakagawa ng insulin nang mag-isa kaya nangangailangan ng mga injection o iba pang mga gamot upang makapag-supply ng insulin. Ang mga antas ng asukal sa iyong dugo ay hindi na makontrol ang pagtaas kapag ang produksyon ng insulin sa iyong katawan ay hindi sapat.

Type 2 diabetes – Gumagawa ang iyong katawan ng sapat na insulin ngunit hindi ito wastong nagagamit ng iyong katawan na siyang maaring humantong sa pagiging non-insulin-dependent o insulin-resistant. Ito ay nagreresulta sa abnormal na pagtaas sa antas ng asukal sa iyong dugo dahil ang katawan ay nagcocompensate sa pamamagitan ng paggawa ng mas maraming insulin.

Ang dalawang uri ng diyabetis na ito ay nagdaragdag ng peligro ng pagkakaroon ng diabetic retinopathy na nabubuo mula sa mga barado o sirang ugat dahil sa mataas na antas ng asukal sa iyong dugo.

Ano Ang Mga Sintomas Ng Diabetic Retinopathy At Diabetic Macular Edema?

Ang mga problema sa mata na nauugnay sa diyabetes ay may mga sintomas tulad ng:

  • Mga floater at spots sa mata
  • Pagkakaroon ng anino sa iyong paningin
  • Malabo o baluktot na paningin
  • Nagbabago-bagong paningin
  • Mga gasgas sa kornea
  • Pananakit ng mata
  • Cataract
  • Dobleng paningin
  • Mga problema sa pangmalapitang paningin na hindi nauugnay sa presbyopia

Diabetic Retinopathy and Diabetic Macular Edema

Ano Ang Mga Uri ng Sakit Sa Mata Na Sanhi Ng Diabetes?

Clinically significant macular edema (CSME) – humahantong ito sa mahina o distorted na paningin na sanhi ng namamagang macula. And diabetic macular edema (DME) ay mayroong dalawang klasipikiasyon:

  • Focal, sanhi ng mga vascular abnormalities na mayroong tagas sa mga ugat
  • Diffuse, ang mga capillary sa loob ng retina ay dilated o namamaga

Non-proliferative diabetic retinopathy (NPDR) – ay ang mga deposito na nabubuo sa retina sanhi ng diabetes. Ang pagsusuri sa retina ay maaring makatulong na makita ang mgaa maliliit na tuldok at blot hemorrhages (microaneurysm), na syang mga nakaumbok na maliliit na daluyan ng dugo.

Proliferative diabetic retinopathy (PDR) – ang ganitong uri ng diabetic retinopathy ay may pinakamalaking peligro sa pagkawala ng paningin.

Ang mga sumusunod ay ang mga palatandaan ng PDR:

  • Neovascularization o abnormal na pagdami ng mga daluyan ng dugo sa optic nerve o vitreous
  • Pagkakaroon ng preretinal hemorrhage sa vitreous humor o harap ng retina
  • Ang pagbawas o pagbara sa daloy ng dugo na sanhi ng ischemia

Diabetic Retinopathy and Diabetic Macular Edema

Sino Ang Maaring Magkaroon Ng Diabetic Retinopathy?

Bukod sa pagkakaroon ng diabetes, ang matagumpay na pagpapanatili ng normal na antas ng asukal sa iyong dugo o hindi ay ang siyang tumutukoy sa posibilidad na magkaroon ng diabetes retinopathy na may kasamang pagkawala ng paningin.

Ang hypertension ay naiuugnay sa diabetic eye damage. Ang mga diabetic na buntis ay mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng diabetic retinopathy na may mas mataas na posibilidad ng paglala.

Ayon sa American Academy of Ophthalmology (AAO), ang mga may matagal na diabetes ay maaring mayroon nang diabetic retinopathy ngunit mababa pa ang antas kaya’t hindi nakakaapekto sa paningin.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...