Paano Nakakagambala Sa Paningin Ang Multiple Sclerosis: Pananakit Ng Mata At Paglabo Ng Paningin

Ang multiple sclerosis ay karaniwang nauugnay sa mga problema sa paningin. Malabong paningin at pananakit ng mata ang ilan sa mga karaniwang sintomas sa mata ng multiple sclerosis. Ang multiple sclerosis ay madalas na pinaiikli bilang MS. Ang mga sintomas ng MS ay karaniwang humuhupa nang walang paggagamot, ngunit ang mga matitinding sintomas ay maaaring mangailangan ng konsulta sa iyong doktor. Ang mga paggamot upang maprotektahan ang iyong paningin ay dapat talakayin kasama ang iyong doktor sa mata.

epekto ng multiple sclerosis

Mga Problema Sa Paningin Na Nauugnay Sa Muliple Sclerosis

Pagkawala ng paningin

Ang multiple sclerosis ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng paningin kapag ang optic nerve na kumokonekta sa mata sa utak ay namamaga. Ito ang tinatawag nating optic neuritis.

Halos 50% ng mga taong may multiple sclerosis ay maaaring makaranas ng kundisyong ito kahit isang beses. Kadalasan ito ang maagang sintomas na ang isang tao ay may MS. Gayunpaman, ang optic neuritis ay hindi laging nagpapahiwatig ng MS. Maaari rin itong maiugnay sa ibang mga kondisyong medikal.

Ang mga palatandaan at sintomas ng optic neuritis ay karaniwang lilitaw nalang bigla. Ang mga ito ay maaring:

  • Kulay abong paningin
  • Malabong paningin
  • Pansamantalang pagkabulag sa isang mata (lalo na sa panahon ng isang MS flare)
  • Pananakit sa tuwing igagalaw ang mata

Ang optic neuritis ay bihirang mangyari sa parehong mga mata nang sabay. Ang pagkawala ng paningin ay maaaring manatili sa loob ng ilang araw bago ito umalis nang mag-isa. Ang pamamaga ng optic nerve ay maaaring tumagal mula 4 hanggang 12 linggo.

Sa sandaling maranasan mo ang anumang mga sintomas ng pagkawala ng paningin, ipaalam kaagad sa iyong doktor. Maaari kang resetahan ng IV steroid upang gamutin ang unang paglitaw ng optic neuritis. Gayunpaman, pinapayuhan ang publiko na isaalang-alang ang mas mataas na mga panganib ng pag-ulit kapag ang paggamot ay gumagamit ng oral steroid para sa optic neuritis.

epekto ng multiple sclerosis

Dobleng paningin

Sa MS, maaaring kang makaranas ng pagdodoble ng iyong paningin o double vision kapag ang mga muscle ng mata na responsable para sa paggalaw ng mata ay hindi magkakaugnay. Ang mga sintomas ng dobleng paningin ay maaaring maging mas malala kapag pagod ang iyong mga mata. Ang pinakamahusay na paraan upang gamutin ang dobleng paningin ay ipahinga ang iyong mga mata.

Hindi Sinasadya Na Paggalaw Ng Mata

Ang mga taong mayroong MS ay maaaring magkaroon ng maliliit, mabilis, at hindi kontroladong paggalaw ng mata. Maaari silang mawalan ng kontrol sa paggalaw ng kanilang mata mula side to side hanggang up to down, na karaniwang tinatawag na “quiver.” Ang kondisyong ito ay tinatawag na nystagmus na maaaring hadlangan ang normal na paningin sa mga malulubhang kaso. Ang mga gamot at mga espesyal na prisma ng eyeglass ay maaaring makatulong na mapawi ang discomfort at mapabuti ang paningin.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...