Kahit na ang tag-araw at taglagas ay dumating at nawala, ang presensya ng mga insekto ay naroon pa rin. Maaaring maobserbahan na sila ay kakaunti sa bilang tuwing panahon ng taglamig. Ang masaktan ng insekto ay hindi nakakatuwang karanasan. Maaaring nakakainis at hindi komportable. Ang ilang mga kagat ay mapanganib na nangangailangan ng medikal na atensyon. Dapat mong bantayan ang pamamaga kung ikaw ay natusok ng isang maliit na insekto.
Kakailanganin mo ng tulong mula sa iyong ophthalmologist kung nangyari ito sa talukap ng mata o kornea. Ang iyong pangunahing alalahanin pagkatapos ng kagat ay ang pamamaga na kung mayroong isang labis o abnormal na pamamaga dahil ito ay maaaring magpahiwatig ng isang malubhang pinsala. Ang pinakamahusay na paraan upang matugunan ang problemang ito ay makipag-ugnayan kaagad sa iyong ophthalmologist bago pa man ito bumukol upang alisin ang stinger mula sa punto ng epekto.
Ano ang Mangyayari Kung Maantala ang Paggamot para sa Kagat ng Bubuyog?
Ang stinger ng bubuyog ay may mga lason na nagdudulot ng pamamaga. Ang stinger ay mayroon ding parang saw structure na matalas na siyang nagpapahirap na ito ay tanggalin. Ang pagkaantala sa paggamot ay magdudulot ng pinsala sa mata na maaaring magkaroon ng pangmatagalang epekto sa paningin, kaya nangangailangan ito ng agarang pagaksyon. Maipapayo na maglagay ng yelo habang papunta sa doktor sa mata upang labanan ang pamamaga hangga’t maaari.
May isang kaso kung saan nagpunta ang isang lalaki sa kanyang ophthalmologist isang buwan matapos siyang masaktan sa talukap ng mata. Ipinagpalagay niya na nakuha niya ang stinger. Makalipas ang isang buwan, may bumalot sa kanyang talukap at nagsimulang kumamot sa ibabaw ng kanyang mata. Ang pasyente ay nagawang ganap na gumaling pagkatapos na alisin ang stinger ng isang ophthalmologist at isang paggamot na may mga antibiotic at steroid.
Paalala sa Kaligtasan Tungkol sa Kagat ng Bubuyog
Maaari kang makaranas ng malabo na paningin kapag natusok ka malapit sa mata. Si Ivan Schwab, isang espesyalista sa kornea, ay nagpapaalala sa mga tao na maglagay ng malamig na compress bilang pangunang lunas kung sila ay natusok sa bahagi ng laman ng mata ngunit hindi sa kornea. Ang first aid ay hindi nangangahulugang hindi mo na kailangan ng karagdagang tulong medikal. Inirerekomenda pa rin na ipasuri ito sa isang ophthalmologist. Pumunta sa emergency room sa lalong madaling panahon kung ikaw ay natusok sa kornea.