Maaari Ko Bang Manahin Ang Mahinang Paningin?

Ang mahinang paningin ay iba-iba sa bawat tao dahil mayroon tayong kaniya-kaniyang pagpapakahulugan dito. Ang ilang mga tao ay tinutukoy ang mahinang paningin bilang paningin na mababa sa average na 20/20, habang para sa ilan naman, ito ay paningin na nangangailangan ng de-resetang salamin sa mata.

Mayroong ibat’ ibang mga kadahilanan na nag-aambag sa hindi pagkakaroon ng magandang paningin ng isang indibidwal, kasama rito ang kapaligiran at lifestyle. Maraming mga kaso kung saan minana ang mahinang paningin. Mahalagang magkaroon ng eye exam upang matukoy ang mga sanhi ng mahinang paningin o bad eyesight.

Ito ang mga sumusunod na kundisyon ng mata na namamana at nakakaapekto sa paningin:

● Astigmatism
● Farsightedness
● Glaucoma
● Macular degeneration
● Nearsightedness
● Retinitis pigmentosa
● Strabismus

dna of the eye

Mga Kundisyon Sa Mata Na Maaring Manahin

Mas mabuti at mas ligtas na sabihin na maaari kang magmana ng hindi magandang paningin, kaya kinakailangan mong magkaroon ng kamalayan sa mga kundisyon na madalas makita sa iyong pamilya.

Ang Astigmatism ay isa sa pinaka-karaniwang mga error na repraktibo na sanhi ng malabong paningin sa mga may sapat na gulang at maging mga bata. Ito ay nangyayari dahil sa abnormal na pagkahulma ng kornea na pinipigilan ang ilaw mula sa pagtuon sa retina. Ang Astigmatism ay maaaring lumitaw mula sa pagkabata at maaari ding maging henetiko o namamana.

Ang farsightedness o hyperopia ay isang problemang repraktibo na magbibigay sa iyo ng problema o kahirapan sa pagbabasa nang malapitan. Ang family history ay may malaking ambag sa pagkakaroon ng farsightedness.

Ang glaucoma ang pangunahing dahilan sa likod ng pagkawala ng paningin sa mga Amerikano. Kung gumagamit ka ng mga gamot na maaaring mapataas ang presyon ng mata o may anumang mga miyembro ng pamilya na may glaucoma, mayroon kang mas mataas na tsansa na magkaroon ng kundisyong ito.

Ang macular degeneration ay isang sakit sa mata na may mataas na peligro sa pagkabulag. Ang American Optometric Association (AOA) ay nagsasabi na ang pagkakaroon ng macular degeneration sa pamilya ay ginagawang mas mataas ang tsansa na magkaroon ng mga isyu sa paningin ang isang tao pagtungtong ng edad na 40 pataas.

Ang nearsightedness o myopia ay isang error na repraktibo na magpapahirap makakita at magbasa sa malayuan. Kung ang iyong mga magulang ay mayroong nearsightedness, ikaw ay nasa peligro na magkaroon din ng kaparehong kondisyon.

middle aged woman by the window

Kahalagahan ng Comprehensive Eye Exam

Maraming mga tao ang may posibilidad na magpabaya na bisitahin ang kanilang doktor sa mata dahil sa kanilang palagay na maayos ang kanilang mga mata. May mga kondisyon sa mata na hindi nagpapakita ng anuman mga sintomas. Ang tanging paraan upang makita ang napapailalim na mga kondisyon ng mata ay sa pamamagitan ng isang pagsusuri sa mata o comprehensive eye exams. Ang komprehensibong pagsusuri sa mata ay pangunahing hakbang upang malaman ang mga problema na naroroon at kung ano ang naglalagay saiyo sa panganib na maaring maging sanhi ng pagkabulag.

Ang ilang mga kundisyon sa mata ay maaaring mapabuti kung mabibigyan ng tamang paggamot ngunit ang ilan ay maaaring lumala habang tumatagal. Samakatuwid, mahalagang kumunsulta sa isang doktor sa mata upang agaran na maggamot ang anumang kundisyon sa mata na mayroon ka.

Related Posts

Posible Ba ang Transplant ng Buong Mata ng Tao

Posible Ba ang Transplant ng Buong Mata ng Tao?

Sa loob ng maraming siglo, sinusubukan ng mga siyentipiko na magtagumpay sa transplant ng mata....

Ang Epekto ng Aktibidad Sekswal sa Paningin

Hindi lahat ng tao ay pamilyar sa mga dokumentadong benepisyo ng positibong mga desisyon sa...
High Cholesterol and Its Effect on Vision

Mataas na Cholesterol at ang Epekto Nito sa Paningin

Alam mo ba kung gaano kataas ang cholesterol mo? Marami sa atin ang marahil hindi...